Debotong Biyahero Photography

Debotong Biyahero Photography Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Debotong Biyahero Photography, Photographer, Gapan.

๐‚๐จ๐ซ๐จ๐ง๐š๐œ๐ข๐จ๐ง ๐„๐ฉ๐ข๐ฌ๐œ๐จ๐ฉ๐š๐ฅ ๐๐ž ๐.๐’. ๐๐ž๐ฅ ๐’๐š๐ ๐ซ๐š๐๐จ ๐‚๐จ๐ซ๐š๐ณ๐จ๐ง | Mayo 31, 2026Matapos ang anim na buwan mula nang mapabalita ang gagan...
01/06/2026

๐‚๐จ๐ซ๐จ๐ง๐š๐œ๐ข๐จ๐ง ๐„๐ฉ๐ข๐ฌ๐œ๐จ๐ฉ๐š๐ฅ ๐๐ž ๐.๐’. ๐๐ž๐ฅ ๐’๐š๐ ๐ซ๐š๐๐จ ๐‚๐จ๐ซ๐š๐ณ๐จ๐ง | Mayo 31, 2026

Matapos ang anim na buwan mula nang mapabalita ang gaganaping Koronasyong Episkopal, pinutungan ng obispo ng Cubao, Lubhang Kagalang-galang Elias L. Ayuban Jr., CMF, JCD, DD, ng diyademang yari sa mamahaling hiyas at materyales ang Mahal na Birhen ng Kabanal-banalang Puso na pinupuri't binibigyang galang sa kanyang parokya sa Brixton, Lungsod Quezon. Dinaluhan ito ng mga pari ng diyosesis, relihiyoso at relihiyosa, gayundin ng mga deboto ng Mahal na Ina mula sa iba't ibang dako. Ito ay sinundan ng isang maringal na prusisyon na binubuo ng iba't ibang larawan ng Birheng Maria buhat sa iba't ibang parokya sa palibot ng kanyang kinasasakupan.

Balai Cresencia y Casa Marias Mga yapak ni Kristo Pabasa at Eksibisyon Lungsod ng Gapan, Lalawigan ng Nueva Ecija Marso ...
26/03/2025

Balai Cresencia y Casa Marias

Mga yapak ni Kristo
Pabasa at Eksibisyon
Lungsod ng Gapan,
Lalawigan ng Nueva Ecija
Marso 26, 2025

ENERO 14: PISTANG DAKILAAng Dalawang Mapaghimalang Imahen ng Santo Niรฑo ng Pandacan mula sa dalawang magka-ibang Simbaha...
13/01/2024

ENERO 14: PISTANG DAKILA

Ang Dalawang Mapaghimalang Imahen ng Santo Niรฑo ng Pandacan mula sa dalawang magka-ibang Simbahang Romana Katolika at Iglesia Filipina Independiente. Pagkakaisa, pagpupugay at pagmamahal sa Niรฑo Jesus na ating Panginoon.

Viva Santo Niรฑo de Pandacan!

Disyembre 27: Kapistahan ni San Juan, Apostol at EbanghelistaSi San Juan ay isang mangingisda at kapatid ni Santiagong M...
27/12/2023

Disyembre 27: Kapistahan ni San Juan, Apostol at Ebanghelista

Si San Juan ay isang mangingisda at kapatid ni Santiagong Matanda; na mga anak nila Zebedeo at Salome.

Nauna siyang naging taga-sunod ni San Juan Bautista subalit naakit siya kay Hesus. Nang maging tagasunod siya ni Hesus, nakilala siya bilang ang โ€œpinakamamahal na alagadโ€. Sa kanya ipinagkatiwala ng Panginoon ang pangangalaga sa Mahal na Ina at dahil dito, naging kinatawan siya ng mga espirituwal na mga anak ng Birheng Maria.

Kabilang si San Juan sa kaunting mga taga sunod ni Hesus na naging saksi sa kanyang paghihirap at kamatayan sa Kalbaryo. Bukod sa Ebanghelyo ni Juan, si San Juan rin ang kinikilalang sumulat ng Mga Sulat ni Juan at ng Aklat ng Pahayag (o Apokalipsis) na kapwa matatagpuan din sa Bagong Tipan ng Bibliya.

Ang imahen na ito ay pagmamay-ari at nasa pangangalaga ni Emerenciana Regalado Dela Cruz at Pamilya. Ito ay isa sa mga matatandang imahen na prinuprusisyon tuwing Mahal na Araw na namana nila sa mga ninuno ni Pedro Ybardolaza Regalado sa Bayan ng Pakil, Laguna.

๐——๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ 9: Pistang Mangingisda at mga taga tabing Ilog.PAG-AALAY NG SARILI SA MAPAGHIMALANG LARAWAN NG MAHAL NA BIRHEN...
09/12/2023

๐——๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ 9: Pistang Mangingisda at mga taga tabing Ilog.

PAG-AALAY NG SARILI SA MAPAGHIMALANG LARAWAN NG MAHAL NA BIRHEN NG INMACULADA CONCEPCIร“N DE MALABON.

O Mahal na Birheng Inmaculada Concepciรณn, taglay mo ang grasya ng Panginoon sa simula pa lamang ng kalinis-linisang paglilihi sa iyo. Dakila ang karangalang ito na ipinagkaloob sa iyo ng Ama upang maging marapat na Ina ng aming Panginoong Hesukristo at kabanal-banalang Esposa ng Espiritu Santo.

Sa pamamagitan mo ay buong puso naming iniaalay kay Hesus ang aming sarili, mga panalangin, mga gawain, tuwa at mga tiisin sa araw-araw naming pamumuhay ng buo naming puso at kaluluwa.

Tulungan mo kami, O Inang kalinis-linisan na manatiling buhay sa grasya ng Panginoon. Matularan nawa namin ang iyong kalinisan at kabanalan sa ikararangal ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo. Amen.

O Mariang kalinis-linisan, Ipinaglihing walang salang anuman, idalangin mo kaming sa iyoโ€™y nananawagan.

ยฉ A. Miranda

IKATLONG LINGGO NG NOBYEMBRE: Kapistahan ng Nuestra Seรฑora de la Soledad de Porta Vaga ang ๐™„๐™ฃ๐™–, ๐™๐™š๐™ฎ๐™ฃ๐™–, at ๐™‹๐™–๐™ฉ๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™– ng Buo...
19/11/2023

IKATLONG LINGGO NG NOBYEMBRE: Kapistahan ng Nuestra Seรฑora de la Soledad de Porta Vaga ang ๐™„๐™ฃ๐™–, ๐™๐™š๐™ฎ๐™ฃ๐™–, at ๐™‹๐™–๐™ฉ๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™– ng Buong Lalawigan ng Kabite
Ilaw ng Pilipinas at tinanghal bilang Pambansang Yamang Pangkalinangan.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA

Ama naming mapagmahal, sa puso ng Mahal na Birhen ay patuloy na naghahari ang pagsunod sa kalooban mo. Ibinigay siya sa amin ng iyong Anak na si Hesus upang maging aming Ina at kami nama'y tinanggap niya bilang kanyang mga anak. Iningatan ng Mahal na Birhen ng Soledad sa kanyang puso ang katubusang aming nakamit sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ng kanyang Anak at lyong Anak na si Hesus. Ipinagkakatiwala namin sa puso ng Mahal na Ina ng Soledad ang aming sarili upang ihandog sa iyo sapagkat nanalig kami sa kapangyarihan ng kanyang pananalangin para sa aming kapakinabangan. Kaya't kasama ng Mahal na Ina ng Soledad ay pakinggan mo po ang aming kahilingan. (Banggitin ang biyayang minimithi). Katulad ng Mahal na Ina ng Soledad ay lagi nawa naming maingatan sa aming puso ang iyong Anak na si Hesus kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Nuestra Seรฑora de la Soledad de Porta Vaga, ipanalangin mo kami!

Panalangin sa Mahal na Birheng Mapag-Bigay Lunas ng MalateMahal na Birhen ng Remedios, lumalapit kami sa iyo ngayon upan...
19/11/2023

Panalangin sa Mahal na Birheng Mapag-Bigay Lunas ng Malate

Mahal na Birhen ng Remedios, lumalapit kami sa iyo ngayon upang hingin ang iyong bendisyon at tulong. Buong paniniwalang ikaw ang tunay na sagot sa lahat ng aming pangangailangan, kaya't dumudulong kami sa iyo sa pamamagitan ng panalanging ito, bilang iyong mga anak at tagpaglingkod, nanalig na ipamagitan mo kami sa iyong Anak na si Hesukristo, at makamit naming lahat ang kailangan upang mamuhay na mas matuwid.

Aming Reyna, aming Ina, tulungan mo kaming manalangin sa iyong Anak, na sana'y tugunin Niya ang maraming kahilingang iniluluhog namin sa Iyo. Amen.

Nuestra Seรฑora de los Remedios de Malate, ipanalangin mo kami!

Pagdalaw ng Nuestra Seรฑora de Guia sa Katedral ng Maynila.Oktubre 29, 2023Lungsod ng Maynila
29/10/2023

Pagdalaw ng Nuestra Seรฑora de Guia sa Katedral ng Maynila.

Oktubre 29, 2023
Lungsod ng Maynila

Panalangin sa Nuestra Seรฑora de GuiaO masintahin naming Birheng Maria, Ina naming kalinis-linisan, ayon sa kalooban ng A...
29/10/2023

Panalangin sa Nuestra Seรฑora de Guia

O masintahin naming Birheng Maria, Ina naming kalinis-linisan, ayon sa kalooban ng Amang makapangyarihan ay isinilang mo si Hesus na aming Tagapagligtas. Sa taglay mong kababaang-loob at pananalig, ganap kang saksi at kalahok sa misteryo ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan na lubos na ibinunyag sa kamatayan ni Hesus sa krus. Mula sa krus ay ibinigay ka sa amin ni Hesus upang amin din maging ina. Kami ngayon ay naglalakas-loob na sa iyo ay dumulog upang hingin ang iyong gabay sa aming paglalakbay sa buhay na nasa panganib lagi na kami ay maligaw at manghina. Kami ay iyong ipanalangin lalong-lalo na ang kahilingan kong ito...

(Mag-ukol ng ilang sandali at banggitin ang kahilingan.)

Kung ito ay sa aking ikaliligtas at sa kapurihan ng Diyos na mapagkalinga. O Maria, ikaw na puspos ng Espiritung Banal akayin mo ang aming mga puso na sundan si Hesukristo na aming Daan, Katotohanan at Buhay. Ikaw na pangunahin at ganap na alagad ng iyong Anak gabayan mo ang Simbahan na manatiling tapat sa pagsunod sa liwanag ni Kristong Muling Nabuhay upang matiwasay na matahak ang daan patungo sa tahanan ng Ama at doon ang lahat ay matipon at magsalo sa piging nang walang hanggang buhay at liwanag na kinamit para sa amin ng iyong ginigiliw na Anak na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Pagdalaw ng Nuestra Seรฑora de Guia sa Katedral ng Maynila.

Oktubre 29, 2023
Lungsod ng Maynila

Address

Gapan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Debotong Biyahero Photography posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category