Kyle Terence - Film and Camera Works

Kyle Terence - Film and Camera Works Skilled photography and videography services.

26/07/2026

HINDI BA KAYO NAGTATAKA?

Kung bakit yung video games o Roblox,
pati na rin Facebook
ay para bang napakadali para sa kanila na i-ban...

Pero yung mga pasug*lan
na kahit proven nang marami nang pamilya at buhay ang nasira...
e parang wala lang...

Tax lang ba talaga ang dahilan?

Pwede...

Kasi sa laki ba naman ng population ng mga Pilipinong lulong sa S*gal e siguradong ang laki na ng makukuha nila dyan.

PERO...
Bukod sa tax,
may mas malalim pang dahilan.

Isipin n'yo 'to...

Yung Binance,
Number 1 crypto exchange sa buong mundo,
sinabi nilang willing silang mag-comply.
Willing silang mag-submit ng requirements.
That means willing silang magbayad ng tax.

At sobrang dami na ng Pilipinong kumikita dahil dyan,
pero pina-block pa rin.

Pati yung other top exchanges gaya ng OKX and Bybit e banned na rin.

BAKIT KAYA?

Bakit sa tingin n'yo yung bagay na pinagkakakitaan ng maraming Pilipino at willing mag comply e napakadali para sa kanilang i-ban?

Pero yung sumisira ng buhay, ok lang?

Kasi hindi lang ito tungkol sa tax.

Ang totoo,
may kinalaman din ito sa...

POWER...
and
CONTROL...

Anong klaseng mga tao
ba ang mas madaling kontrolin?

Yung may magandang kabuhayan?

O yung mga taong kayang pakiligin
sa halagang limang daan?

Yun bang malaki ang kinikita?

O yung sobrang thankful na
mabigyan lang ng bigas at delata?
. .

Hanggang dyan lang muna ang kaya kong sabihin.
Hindi pa ito ang tamang panahon para isa-isahin ko ang lahat.

Pero sa ngayon,
mas gusto kong kayo mismo
ang magdugtong-dugtong ng mga piraso.

At sana...
may mag-spark na tanong o ideya sa isip n'yo.

Adios.

City lights, pink and blue tones, and a story called nineteen.Jhanelle Garcia
11/03/2026

City lights, pink and blue tones, and a story called nineteen.

Jhanelle Garcia





19 in the city.A playful spirit shining through the colors and lights of Binondo.Jhanelle Garcia
11/03/2026

19 in the city.
A playful spirit shining through the colors and lights of Binondo.

Jhanelle Garcia





Address

Daet

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kyle Terence - Film and Camera Works posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share