08/03/2024
ELEHIYA SA PAGKAWALA NG AKING BABA
Hinding-hindi mapapantayan ng kahit anumang bagay ang mga oras na kasama ko ang aking Baba
Isang karangalan mula sa aking sarili ang kasama siya sa mundong ibabaw,
Isang karangalan mula sa aking sarili ang kasama ko ang aking Baba sa araw na punong-puno ako ng pasakit sa likod,
Isang karalangalan mula sa aking sarili ang magkaroon ng kagaya niyang tao,
At higit sa lahat, isang karangalan mula sa aking sarili ang naging Baba ko siya sa buong buhay ko.
Subalit, kinabukasan, tila ba'y nandilim ang aking araw na para bang walang kabuhay-buhay ang araw na iyon,
Walang kakulay-kulay,
At tuluyan ngang dumilim ang paligid,
Mula sa aking sarili, ay isinumpa ang araw na iyon,
Sapagka't sa mga sandaling iyon ay sumakabilang buhay na ang taong nagpakabayani sa aking buhay,
Ang aking Baba na lubos-lubos kong minamahal,
Ang aking Baba na siyang nagbuwis-buhay,
Ang aking Baba na siyang nagbigay ng lakas ng loob sa hamon ng buhay.
Isang gabi,
Ako'y matutulog na sana,
Ramdam ko sa aking sarili na tila ba'y nanlalamig
Sabay pagtingin sa kanyang litrato,
At ako'y nagsalita
โHinding-hindi na mapapagod ang aking kamay sa kahahaplos sa inyong katawan, Baba. Sapagka't, ang kinagisnan ng aking kamay ay kailanma'y natutulog na sa ilalim ng lupa. Kailanma'y hinding-hindi na kayo mahahaplos ng aking kamay.โ
Datapuwat, mas lalo natin iparamdam ang pagmamahal sa ating Baba, hindi lamang sa ating Baba, kundi maging ang ating Iloy ay mahalin.
Sapagka't, ang buhay na ito ay hiniram lamang mula kay Tuhan,
Hinding-hindi natin kailanman mababatid kung kailan tayo mawawalan ng hininga.
Bagkus, lagi natin ito isapuso.
Nagsulat ng elehiya: Jetti Angas