26/06/2026
๐๐๐ฉ๐๐ข๐ฉ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐๐จ๐๐ก๐๐ข๐๐ฉ sa lahat ng nagbigay ng suporta mapa-pinansyal, materyal, at moral sa likod ng pelikulang "๐๐๐ฉ๐๐ข๐ฉ๐๐ข๐๐ฃ".
Dahil sa inyong walang sawang paniniwala at pagtulong, nakamit natin ang "3๐๐
๐ฉ๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐ at 10 nominasyon" sa iba't ibang kategorya ng kompetisyon ng TouriSinema de Cagayan 2026 na ginanap sa Robinson's Movie World, Tuguegarao City.
Nagsimula ang paglalakbay ng Matimtiman noong Pebrero, nang isulat at buuin ni Rolt ang kuwento. Pagsapit ng Marso, ipinresenta at ipinagtanggol ito sa pamamagitan ng Zoom. Mula sa maraming isinumiteng entries, napili ang Matimtiman matapos ang masusing deliberasyon nina Atty. Mabel Villarica Mamba, Direk Hedji Calagui, at Direk Jag Garcia.
Matapos mapabilang sa Top 10, binuo ni Rolt ang koponang makakasama sa proyekto, at noong Abril ay opisyal na nagsimula ang kanilang paglalakbay sa Film Seminar.
Sa mga buwan ng Mayo at Hunyo, isinagawa ang shooting at editing ng pelikula. At noong Hunyo 25, 2026, nasaksihan ang bunga ng limang buwang pagsisikap sa awarding ceremony, kung saan kinilala ang Matimtiman bilang 3rd Best Short Film at nagtamo ng 10 nominasyon sa iba't ibang kategorya.
Hindi lamang ito tagumpay ng isang pelikula, kundi tagumpay ng bawat taong naniwala, sumuporta, at naging bahagi ng paglalakbay na ito.
(Ilalagay namin sa mga litrato ang mga pangalang tumulong para maisagawa ang nasabing pelikula. Kung sakaling may nakalimutan ay pasensya at handa kaming irevise at dagdagan ang listahan.)
Maraming salamat sa pagiging bahagi ng tagumpay na ito. Ang parangal na ito ay tagumpay nating lahat!