Tena't Magkarakol

Call Directions Contact the business

Tena't Magkarakol Sharing my faith through photos and videos.

IKA-ANIM NA ARAW NG NOVENA SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA • REINA DE CAVITESa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, ...
02/11/2026

IKA-ANIM NA ARAW NG NOVENA SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA • REINA DE CAVITE

Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Lubhang namimighating Ina, natatalastas ko ang walang kaparang lumbay at kapait-paitang sakit na tumagos sa masintahin Mong puso sa loob ng tatlong araw ng Iyong pangungulila sa Iyong ginigiliw na si Hesus, nang ako ay maturuan Mo ng paghihinagpis dahil sa aking mga kasalanan na naging dahilan ng pagkawalay Mo sa Iyong Anak. Pinagsisisihan ko ang lahat at bawa’t kamalian ko at minamatamis kong mamatay muna sana ako bago magkasala sa Kaniya. Mula ngayon, kaibig-ibig na Ina, ay ipinangangako ko ang pagbabagong buhay at hindi na ako magkakasalang muli sa tulong ng Iyong mahal na Anak na dahil sa akin ay nagtiis ng di malirip na sakit at namatay na lipos ng karuhagian. Sa Iyo naman, Ina ko, ipinagmamakaawa ko na hingin Mo sa Kanya na pakamtan sa akin ang biyayang ito. Ipakita at ipaalala Mo ang dinalita Mong sakit sa pangungulila upang lalong mabalino ang Kaniyang masintahing puso. Siya nawa.

IKA-ANIM NA ARAW
Lubhang nahahapis na Ina ng lalong nagpakasakit na Anak, hindi kaya lalong
naragdagan ang lyong pamamanglaw sa pagpasok Mo sa bahay sa Senakulo,
sapagka't naaalala Mo yaong sinundang gabi na ang lyong mahal na Anak ay kasama Mo at nakausap at saka ngayon ay wala na siya at iniwan Mong nalilibing sa lupa?
Ina ko't Panginoon! Ano ang dapat kong gawin upang maaliw ang lyong may
pighating puso? Sa bagay na ito nagpaalam sa lyo si Hesus noong Huwebes ng gabi, sapagka't natatalastas na kinabukasan at itatagubilin sa lyo na ariin Mong anak ang lahat ng tao. At yayamang ako ay siyang kahabag-habag sa lahat ng tao, ay huwag Mo akong pabayaan at tanggapin Mo akong anak bagama't hindi karapat-dapat.
Hingin Mo sa Diyos na habang panahon ay wala akong gawin kundi ang inaasal at
ginagawa ng mga mapapalad Mong anak at kung nararapat sa lalong kapurihan
Niya at kagalingan ng aking kaluluwa, ipagkaloob Mo naman sa akin ang biyayang ninanasa ko sa pagnonobenang ito. Siya nawa.

Humingi ng biyayang ibig kamtan at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang...

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa Iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati. Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PESAME PARA LA VIRGEN:
PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA:
Oh Inang labis ang kapighatian sa lahat ng ina sa mundo, bigyan Mo ako ng pahintulot na dumulog sa Iyong Mahal na harapan, sapagka’t nahihiya akong masakit at ang naging dahilan ng Iyong mga kalumbayan ay ang di mabilang kong mga kasalanan. Birheng Kabanal-banalan, Inang takbuhan ng mga kasalanan, mag-asal Ina Ka naman sa akin yayamang nagsisisi na ako at humihingi ng tawad. At yayamang pinatnugutan Mo ang Santa Iglesya sa loob ng tatlong araw, gawin Mo naman ngayon na ako ay magtagumpay sa aking mga kaaway. Paging-dapatin Mo ako, katamis-tamisang Ina, na mabilang sa Iyong mapapalad na alipin na nakikiramay at nakikisama sa Iyong pangungulila upang mabago ang masama kong buhay. Tulungan Mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan Mong Anak doon sa langit magpasawalang-hanggan. Siya nawa.

DALIT SA NANGUNGULILANG INA
Sa paa ng Krus,
nakatindig ang Ina,
Mata ay nagbabatis
sa Anak na Sinta.

Idalangin kami Birhen
Sa Anak Mong ginigiliw.

Puso Mo ay pinag-ulapan
ng sakit at kapaitan,
Ikaw ang siyang karamay,
ni Hesus sa kahirapan
Sa loob Mo at panimdim,
kalumbayan ay sapin-sapin.

Idalangin kami Birhen
Sa Anak Mong ginigiliw.

V. Ipanalangin mo kami Birheng lubhang Nalulumbay.
R. Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni
Hesukristong Panginoon namin.

OREMUS:
O Diyos, na sa Iyong paghihirap, ayon sa hula ng propetang si Simeon, ay tatarak ang balaraw sa katamis-tamisang kaluluwa ng maluwalhating Birhen at Inang si Maria; Itulot Mo, sa Iyong awa, na nawa kami, na umaalala at nakikiisa sa aming pamimintuho sa Kanyang kaluluwang tinigib ng hapis, sa pamamagitan ng karapatan at ng panalangin ng lahat ng mga banal na tapat na nakipagtiis sa paanan ng Krus, ay makinabang sa banal na bunga ng Mahal na Pasyon ni Kristo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo sa kaisahan ng Banal na Espiritu, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Siya nawa.

Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

Imprimatur:
Don Candido Ureta Manzanares
Agosto 3, 1861, Maynila
Artemio G. Casas, D.D.,
Episcopus Imusensis, Imus, Hulyo 15, 1967

Reimprimatur:
Luis Antonio G. Tagle, D.D.,
Episcopus Imusensis, Imus, Abril 12, 2011

Don Basilio Sancho de Santa Justa y Rufina
Arsobispo ng Maynila
80 araw na indulhensiya

Fray Juan Antonio de Orbigo y Gallego
40 araw na indulhensiya

Obispo Jeremias J. Harty
Arsobispo ng Maynila
ika-21 ng Oktubre 1909
100 araw na indulhensiya sa lahat ng mga gagamit ng mga panalanging nakasaad dito at karagdagang 100 sa mga magnonobena




𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗔𝗟 | 𝖭𝗈𝖻𝗒𝖾𝗆𝖻𝗋𝖾 1Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, ipinagdiriwang namin ng...
01/11/2026

𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗔𝗟 | 𝖭𝗈𝖻𝗒𝖾𝗆𝖻𝗋𝖾 1

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, ipinagdiriwang namin ngayon ang karangalan ng lahat ng iyong mga banal,
na naging huwaran ng pananampalataya, pag-ibig, at kabanalan sa lupa.

Sa kanilang mga panalangin,
nawa'y matanggap namin ang iyong masaganang awa at gabay sa aming pang-araw-araw na buhay.
Tulungan mo kaming lumakad sa landas ng kabutihan, upang sa aming katapusan, kami rin ay mapabilang sa iyong kaharian sa langit kasama nila.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, Amen.


IKA-LIMANG ARAW NG PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA • REINA DE CAVITESa Ngalan ng +Ama, at ng +Ana...
31/10/2026

IKA-LIMANG ARAW NG PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA • REINA DE CAVITE

Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Lubhang namimighating Ina, natatalastas ko ang walang kaparang lumbay at kapait-paitang sakit na tumagos sa masintahin Mong puso sa loob ng tatlong araw ng Iyong pangungulila sa Iyong ginigiliw na si Hesus, nang ako ay maturuan Mo ng paghihinagpis dahil sa aking mga kasalanan na naging dahilan ng pagkawalay Mo sa Iyong Anak. Pinagsisisihan ko ang lahat at bawa’t kamalian ko at minamatamis kong mamatay muna sana ako bago magkasala sa Kaniya. Mula ngayon, kaibig-ibig na Ina, ay ipinangangako ko ang pagbabagong buhay at hindi na ako magkakasalang muli sa tulong ng Iyong mahal na Anak na dahil sa akin ay nagtiis ng di malirip na sakit at namatay na lipos ng karuhagian. Sa Iyo naman, Ina ko, ipinagmamakaawa ko na hingin Mo sa Kanya na pakamtan sa akin ang biyayang ito. Ipakita at ipaalala Mo ang dinalita Mong sakit sa pangungulila upang lalong mabalino ang Kaniyang masintahing puso. Siya nawa.

IKA-LIMANG ARAW
Tigib ng hapis na Ina ng lalong nagdusang Anak, sumusubong parang tubig ang mga
kapighatian ng lyong dalisay na puso, sapagka't noong gabing Ikaw ay pumasok sa tampalasang siyudad ng Herusalem ay nakita ng mga mata ng lyong maliwanag na isip ang sasapiting kapahamakan ng dakilang siyudad dahil sa di malirip na
sakrilehiyo na ginawa sa araw na iyon, nang pinatay ang tunay na Mesias. Sa laki ng lyong paghihinagpis, ay nawika Mo ito: "Kahabag-habag na Herusalem, bakit mo
sinayang ang iyong kapalaran? Anong kasamaan ang ginawa sa iyo ng Aking Anak at tinampalasan mo at pinatay?" Ipinagmamakaawa ko sa lyo, Ina ko't Panginoon na hingin Mo sa lyong mahal na Anak na pagkalooban ako ng kaliwanagan ng isip upang makilala ko ang aking mga kasalanan gayon din naman ang parusang nararapat sa akin at nang mapagsisihan ko nang taos. At kung nararapat sa lalong kapurihan ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa ay ipagkaloob Mo naman sa akin ang
ninanasa kong kamtan dito sa pagnonobena. Siya nawa.

Humingi ng biyayang ibig kamtan at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang...

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa Iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati. Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PESAME PARA LA VIRGEN:
PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA:
Oh Inang labis ang kapighatian sa lahat ng ina sa mundo, bigyan Mo ako ng pahintulot na dumulog sa Iyong Mahal na harapan, sapagka’t nahihiya akong masakit at ang naging dahilan ng Iyong mga kalumbayan ay ang di mabilang kong mga kasalanan. Birheng Kabanal-banalan, Inang takbuhan ng mga kasalanan, mag-asal Ina Ka naman sa akin yayamang nagsisisi na ako at humihingi ng tawad. At yayamang pinatnugutan Mo ang Santa Iglesya sa loob ng tatlong araw, gawin Mo naman ngayon na ako ay magtagumpay sa aking mga kaaway. Paging-dapatin Mo ako, katamis-tamisang Ina, na mabilang sa Iyong mapapalad na alipin na nakikiramay at nakikisama sa Iyong pangungulila upang mabago ang masama kong buhay. Tulungan Mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan Mong Anak doon sa langit magpasawalang-hanggan. Siya nawa.

DALIT SA NANGUNGULILANG INA
Sa paa ng Krus,
nakatindig ang Ina,
Mata ay nagbabatis
sa Anak na Sinta.

Idalangin kami Birhen
Sa Anak Mong ginigiliw.

Puso Mo ay pinag-ulapan
ng sakit at kapaitan,
Ikaw ang siyang karamay,
ni Hesus sa kahirapan
Sa loob Mo at panimdim,
kalumbayan ay sapin-sapin.

Idalangin kami Birhen
Sa Anak Mong ginigiliw.

V. Ipanalangin mo kami Birheng lubhang Nalulumbay.
R. Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni
Hesukristong Panginoon namin.

OREMUS:
O Diyos, na sa Iyong paghihirap, ayon sa hula ng propetang si Simeon, ay tatarak ang balaraw sa katamis-tamisang kaluluwa ng maluwalhating Birhen at Inang si Maria; Itulot Mo, sa Iyong awa, na nawa kami, na umaalala at nakikiisa sa aming pamimintuho sa Kanyang kaluluwang tinigib ng hapis, sa pamamagitan ng karapatan at ng panalangin ng lahat ng mga banal na tapat na nakipagtiis sa paanan ng Krus, ay makinabang sa banal na bunga ng Mahal na Pasyon ni Kristo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo sa kaisahan ng Banal na Espiritu, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Siya nawa.

Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

Imprimatur:
Don Candido Ureta Manzanares
Agosto 3, 1861, Maynila
Artemio G. Casas, D.D.,
Episcopus Imusensis, Imus, Hulyo 15, 1967

Reimprimatur:
Luis Antonio G. Tagle, D.D.,
Episcopus Imusensis, Imus, Abril 12, 2011

Don Basilio Sancho de Santa Justa y Rufina
Arsobispo ng Maynila
80 araw na indulhensiya

Fray Juan Antonio de Orbigo y Gallego
40 araw na indulhensiya

Obispo Jeremias J. Harty
Arsobispo ng Maynila
ika-21 ng Oktubre 1909

100 araw na indulhensiya sa lahat ng mga gagamit ng mga panalanging nakasaad dito at karagdagang 100 sa mga magnonobena




IKA-APAT NA ARAW NG PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA • REINA DE CAVITESa Ngalan ng +Ama, at ng +An...
30/10/2026

IKA-APAT NA ARAW NG PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA • REINA DE CAVITE

Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Lubhang namimighating Ina, natatalastas ko ang walang kaparang lumbay at kapait-paitang sakit na tumagos sa masintahin Mong puso sa loob ng tatlong araw ng Iyong pangungulila sa Iyong ginigiliw na si Hesus, nang ako ay maturuan Mo ng paghihinagpis dahil sa aking mga kasalanan na naging dahilan ng pagkawalay Mo sa Iyong Anak. Pinagsisisihan ko ang lahat at bawa’t kamalian ko at minamatamis kong mamatay muna sana ako bago magkasala sa Kaniya. Mula ngayon, kaibig-ibig na Ina, ay ipinangangako ko ang pagbabagong buhay at hindi na ako magkakasalang muli sa tulong ng Iyong mahal na Anak na dahil sa akin ay nagtiis ng di malirip na sakit at namatay na lipos ng karuhagian. Sa Iyo naman, Ina ko, ipinagmamakaawa ko na hingin Mo sa Kanya na pakamtan sa akin ang biyayang ito. Ipakita at ipaalala Mo ang dinalita Mong sakit sa pangungulila upang lalong mabalino ang Kaniyang masintahing puso. Siya nawa.

IKA-APAT NA ARAW
Lipos ng pighating Ina ng lalong nahirapang Anak, aling isip kaya ang makatatarok ng kalumbayang taglay ng masintahin mong puso nang lumakad Ka sa lansangan ng kapaitan na dinaanan ng lyong pinahirapang Anak. Nagbabalik sa lyong alaala at nagdudulot sa iyong puso ang mga sakit, kahirapan at katampalasang tiniis ng lyong giliw na si Hesus ng Siya ay dalhin sa pagpapakuan na siyang nagbigay ng lalong mataas na uri ng lyong pagtitiis. Ina ko, susun-susong sakit ang nagpapahirap sa lyong isip. At yayamang limot na limot ako ng madla, ipinagmamakaawa ko sa iyo, Ina ko't Panginoon, na ilimbag Mo sa aking kaluluwa ang kaniyang mga kahirapan
doon sa lansangan ng kapaitan, upang kung dilidilihin ko ang maralitang pasyon ni
Hesukristo, at ang lyong kahirapan ay wala akong gagawin kundi ang pagganti sa
dimalirip Ninyong pagsinta. At kung nararapat sa lalong kaluwalhatian ng Diyos at sa kagalingan ng aking kaluluwa, ipagkaloob mo naman sa akin ang ligayang ninanasa ko dito sa pagnonobena. Siya nawa.

Humingi ng biyayang ibig kamtan at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang...

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa Iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati. Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PESAME PARA LA VIRGEN:
PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA:
Oh Inang labis ang kapighatian sa lahat ng ina sa mundo, bigyan Mo ako ng pahintulot na dumulog sa Iyong Mahal na harapan, sapagka’t nahihiya akong masakit at ang naging dahilan ng Iyong mga kalumbayan ay ang di mabilang kong mga kasalanan. Birheng Kabanal-banalan, Inang takbuhan ng mga kasalanan, mag-asal Ina Ka naman sa akin yayamang nagsisisi na ako at humihingi ng tawad. At yayamang pinatnugutan Mo ang Santa Iglesya sa loob ng tatlong araw, gawin Mo naman ngayon na ako ay magtagumpay sa aking mga kaaway. Paging-dapatin Mo ako, katamis-tamisang Ina, na mabilang sa Iyong mapapalad na alipin na nakikiramay at nakikisama sa Iyong pangungulila upang mabago ang masama kong buhay. Tulungan Mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan Mong Anak doon sa langit magpasawalang-hanggan. Siya nawa.

DALIT SA NANGUNGULILANG INA
Sa paa ng Krus,
nakatindig ang Ina,
Mata ay nagbabatis
sa Anak na Sinta.

Idalangin kami Birhen
Sa Anak Mong ginigiliw.

Puso Mo ay pinag-ulapan
ng sakit at kapaitan,
Ikaw ang siyang karamay,
ni Hesus sa kahirapan
Sa loob Mo at panimdim,
kalumbayan ay sapin-sapin.

Idalangin kami Birhen
Sa Anak Mong ginigiliw.

V. Ipanalangin mo kami Birheng lubhang Nalulumbay.
R. Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni
Hesukristong Panginoon namin.

OREMUS:
O Diyos, na sa Iyong paghihirap, ayon sa hula ng propetang si Simeon, ay tatarak ang balaraw sa katamis-tamisang kaluluwa ng maluwalhating Birhen at Inang si Maria; Itulot Mo, sa Iyong awa, na nawa kami, na umaalala at nakikiisa sa aming pamimintuho sa Kanyang kaluluwang tinigib ng hapis, sa pamamagitan ng karapatan at ng panalangin ng lahat ng mga banal na tapat na nakipagtiis sa paanan ng Krus, ay makinabang sa banal na bunga ng Mahal na Pasyon ni Kristo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo sa kaisahan ng Banal na Espiritu, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Siya nawa.

Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

Imprimatur:
Don Candido Ureta Manzanares
Agosto 3, 1861, Maynila
Artemio G. Casas, D.D.,
Episcopus Imusensis, Imus, Hulyo 15, 1967

Reimprimatur:
Luis Antonio G. Tagle, D.D.,
Episcopus Imusensis, Imus, Abril 12, 2011

Don Basilio Sancho de Santa Justa y Rufina
Arsobispo ng Maynila
80 araw na indulhensiya

Fray Juan Antonio de Orbigo y Gallego
40 araw na indulhensiya

Obispo Jeremias J. Harty
Arsobispo ng Maynila
ika-21 ng Oktubre 1909

100 araw na indulhensiya sa lahat ng mga gagamit ng mga panalanging nakasaad dito at karagdagang 100 sa mga magnonobena




IKATLONG ARAW NG PAGSISISYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA • REINA DE CAVITESa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak...
29/10/2026

IKATLONG ARAW NG PAGSISISYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA • REINA DE CAVITE

Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Lubhang namimighating Ina, natatalastas ko ang walang kaparang lumbay at kapait-paitang sakit na tumagos sa masintahin Mong puso sa loob ng tatlong araw ng Iyong pangungulila sa Iyong ginigiliw na si Hesus, nang ako ay maturuan Mo ng paghihinagpis dahil sa aking mga kasalanan na naging dahilan ng pagkawalay Mo sa Iyong Anak. Pinagsisisihan ko ang lahat at bawa’t kamalian ko at minamatamis kong mamatay muna sana ako bago magkasala sa Kaniya. Mula ngayon, kaibig-ibig na Ina, ay ipinangangako ko ang pagbabagong buhay at hindi na ako magkakasalang muli sa tulong ng Iyong mahal na Anak na dahil sa akin ay nagtiis ng di malirip na sakit at namatay na lipos ng karuhagian. Sa Iyo naman, Ina ko, ipinagmamakaawa ko na hingin Mo sa Kanya na pakamtan sa akin ang biyayang ito. Ipakita at ipaalala Mo ang dinalita Mong sakit sa pangungulila upang lalong mabalino ang Kaniyang masintahing puso. Siya nawa.

IKATLONG ARAW
Lubhang namamanglaw na Ina ng lalong nagpakasakit na Anak, natalos ko ang
walang kawangis na kalumbayan na umapaw sa lyong pusong mahal. Nang manaog ka sa bundok ng Kalbaryo na ginugunam-gunam ang lyong pagsalunga noong umagang Ikaw ay sumunod sa lyong lubhang mapagtiis na Anak. Sa aba ko, mapagkalingang Ina, kung matutuhan ko sanang tangisan ang masasama kong
pakikisama na ikinawawalay ko sa Diyos at dahil sa pag-alinsunod sa mga
masasama nilang kahatulan ay napasinsay ako sa kabulusang daan sa langit na dapat pagpilitang tuntunin sa paghanap kay Hesus. Ipinagmamakaawa ko sa lyo Ina Ko't Panginoon na hingin Mo sa lyong mahal na Anak na bigyan ako ng kaliwanagan ng isip upang makilala ko ang mga kapahamakang aking kinabubuliran. At kung magiging marapat sa kapurihan Niya at sa kagalingan ng aking kaluluwa, ay
ipagkaloob naman sa akin ang biyayang ninanasa ko dito sa pagnonobena. Siya
nawa.

Humingi ng biyayang ibig kamtan at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang...

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa Iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati. Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PESAME PARA LA VIRGEN:
PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA:
Oh Inang labis ang kapighatian sa lahat ng ina sa mundo, bigyan Mo ako ng pahintulot na dumulog sa Iyong Mahal na harapan, sapagka’t nahihiya akong masakit at ang naging dahilan ng Iyong mga kalumbayan ay ang di mabilang kong mga kasalanan. Birheng Kabanal-banalan, Inang takbuhan ng mga kasalanan, mag-asal Ina Ka naman sa akin yayamang nagsisisi na ako at humihingi ng tawad. At yayamang pinatnugutan Mo ang Santa Iglesya sa loob ng tatlong araw, gawin Mo naman ngayon na ako ay magtagumpay sa aking mga kaaway. Paging-dapatin Mo ako, katamis-tamisang Ina, na mabilang sa Iyong mapapalad na alipin na nakikiramay at nakikisama sa Iyong pangungulila upang mabago ang masama kong buhay. Tulungan Mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan Mong Anak doon sa langit magpasawalang-hanggan. Siya nawa.

DALIT SA NANGUNGULILANG INA
Sa paa ng Krus,
nakatindig ang Ina,
Mata ay nagbabatis
sa Anak na Sinta.

Idalangin kami Birhen
Sa Anak Mong ginigiliw.

Puso Mo ay pinag-ulapan
ng sakit at kapaitan,
Ikaw ang siyang karamay,
ni Hesus sa kahirapan
Sa loob Mo at panimdim,
kalumbayan ay sapin-sapin.

Idalangin kami Birhen
Sa Anak Mong ginigiliw.

V. Ipanalangin mo kami Birheng lubhang Nalulumbay.
R. Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni
Hesukristong Panginoon namin.

OREMUS:
O Diyos, na sa Iyong paghihirap, ayon sa hula ng propetang si Simeon, ay tatarak ang balaraw sa katamis-tamisang kaluluwa ng maluwalhating Birhen at Inang si Maria; Itulot Mo, sa Iyong awa, na nawa kami, na umaalala at nakikiisa sa aming pamimintuho sa Kanyang kaluluwang tinigib ng hapis, sa pamamagitan ng karapatan at ng panalangin ng lahat ng mga banal na tapat na nakipagtiis sa paanan ng Krus, ay makinabang sa banal na bunga ng Mahal na Pasyon ni Kristo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo sa kaisahan ng Banal na Espiritu, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Siya nawa.

Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

Imprimatur:
Don Candido Ureta Manzanares
Agosto 3, 1861, Maynila
Artemio G. Casas, D.D.,
Episcopus Imusensis, Imus, Hulyo 15, 1967

Reimprimatur:
Luis Antonio G. Tagle, D.D.,
Episcopus Imusensis, Imus, Abril 12, 2011

Don Basilio Sancho de Santa Justa y Rufina
Arsobispo ng Maynila
80 araw na indulhensiya

Antonio de Orbigo y Gallego
40 araw na indulhensiya

Obispo Jeremias J. Harty
Arsobispo ng Maynila
ika-21 ng Oktubre 1909
100 araw na indulhensiya sa lahat ng mga gagamit ng mga panalanging nakasaad dito at karagdagang 100 sa mga magnonobena








IKALAWANG ARAW NG PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA • REINA DE CAVITESa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak...
28/10/2026

IKALAWANG ARAW NG PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA • REINA DE CAVITE

Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Lubhang namimighating Ina, natatalastas ko ang walang kaparang lumbay at kapait-paitang sakit na tumagos sa masintahin Mong puso sa loob ng tatlong araw ng Iyong pangungulila sa Iyong ginigiliw na si Hesus, nang ako ay maturuan Mo ng paghihinagpis dahil sa aking mga kasalanan na naging dahilan ng pagkawalay Mo sa Iyong Anak. Pinagsisisihan ko ang lahat at bawa’t kamalian ko at minamatamis kong mamatay muna sana ako bago magkasala sa Kaniya. Mula ngayon, kaibig-ibig na Ina, ay ipinangangako ko ang pagbabagong buhay at hindi na ako magkakasalang muli sa tulong ng Iyong mahal na Anak na dahil sa akin ay nagtiis ng di malirip na sakit at namatay na lipos ng karuhagian. Sa Iyo naman, Ina ko, ipinagmamakaawa ko na hingin Mo sa Kanya na pakamtan sa akin ang biyayang ito. Ipakita at ipaalala Mo ang dinalita Mong sakit sa pangungulila upang lalong mabalino ang Kaniyang masintahing puso. Siya nawa.

IKALAWANG ARAW
Nalulunod sa hapis na Ina, natatanto ko ang marahas na sakit na tumimo sa lyong puso. Na sa pagbabalik Mo sa lyong tahanan ay naraanan Mo ang kinatitirikan ng Krus na kinabitinan at kinamatayan ng kaibig-ibig Mong Anak na si Hesus. Sa aba ko, kaibig-ibig na Ina at iyong Krus na pinasan ng mahal Mong Anak sa balikat at pinasan naman ng nasugatan Mong puso ay ako nang siyang nagbigay dahil sa aking mga kasalanang mabigat, sapagka't sa pagtanggi kong pasanin ang Krus dahil sa aking kalagayan at mga katungkulan ay
pinanariwa kong muli ang sakit ninyong mag-Ina. Hingin Mo sa lyong makapangyarihang Anak na ipagkaloob sa akin ang katapangan ng loob sa pagyakap ng krus ng mga kahirapan at makamtan ko ang korona ng kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa, at ipagkaloob sa akin ang ninanasa kong kamtan dito sa pagnonobena. Siya nawa.

Humingi ng biyayang ibig kamtan at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang...

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa Iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati. Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PESAME PARA LA VIRGEN:
PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA:
Oh Inang labis ang kapighatian sa lahat ng ina sa mundo, bigyan Mo ako ng pahintulot na dumulog sa Iyong Mahal na harapan, sapagka’t nahihiya akong masakit at ang naging dahilan ng Iyong mga kalumbayan ay ang di mabilang kong mga kasalanan. Birheng Kabanal-banalan, Inang takbuhan ng mga kasalanan, mag-asal Ina Ka naman sa akin yayamang nagsisisi na ako at humihingi ng tawad. At yayamang pinatnugutan Mo ang Santa Iglesya sa loob ng tatlong araw, gawin Mo naman ngayon na ako ay magtagumpay sa aking mga kaaway. Paging-dapatin Mo ako, katamis-tamisang Ina, na mabilang sa Iyong mapapalad na alipin na nakikiramay at nakikisama sa Iyong pangungulila upang mabago ang masama kong buhay. Tulungan Mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan Mong Anak doon sa langit magpasawalang-hanggan. Siya nawa.

DALIT SA NANGUNGULILANG INA
Sa paa ng Krus,
nakatindig ang Ina,
Mata ay nagbabatis
sa Anak na Sinta.

Idalangin kami Birhen
Sa Anak Mong ginigiliw.

Puso Mo ay pinag-ulapan
ng sakit at kapaitan,
Ikaw ang siyang karamay,
ni Hesus sa kahirapan
Sa loob Mo at panimdim,
kalumbayan ay sapin-sapin.

Idalangin kami Birhen
Sa Anak Mong ginigiliw.

V. Ipanalangin mo kami Birheng lubhang Nalulumbay.
R. Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni
Hesukristong Panginoon namin.

OREMUS:
O Diyos, na sa Iyong paghihirap, ayon sa hula ng propetang si Simeon, ay tatarak ang balaraw sa katamis-tamisang kaluluwa ng maluwalhating Birhen at Inang si Maria; Itulot Mo, sa Iyong awa, na nawa kami, na umaalala at nakikiisa sa aming pamimintuho sa Kanyang kaluluwang tinigib ng hapis, sa pamamagitan ng karapatan at ng panalangin ng lahat ng mga banal na tapat na nakipagtiis sa paanan ng Krus, ay makinabang sa banal na bunga ng Mahal na Pasyon ni Kristo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo sa kaisahan ng Banal na Espiritu, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Siya nawa.

Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

Imprimatur:
Don Candido Ureta Manzanares
Agosto 3, 1861, Maynila
Artemio G. Casas, D.D.,
Episcopus Imusensis, Imus, Hulyo 15, 1967

Reimprimatur:
Luis Antonio G. Tagle, D.D.,
Episcopus Imusensis, Imus, Abril 12, 2011

Don Basilio Sancho de Santa Justa y Rufina
Arsobispo ng Maynila
80 araw na indulhensiya

Fray Juan Antonio de Orbigo y Gallego
40 araw na indulhensiya

Obispo Jeremias J. Harty
Arsobispo ng Maynila
ika-21 ng Oktubre 1909
100 araw na indulhensiya sa lahat ng mga gagamit ng mga panalanging nakasaad dito at karagdagang 100 sa mga magnonobena




UNANG ARAW NG PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA • REINA DE CAVITESa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at...
27/10/2026

UNANG ARAW NG PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA • REINA DE CAVITE

Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Lubhang namimighating Ina, natatalastas ko ang walang kaparang lumbay at kapait-paitang sakit na tumagos sa masintahin Mong puso sa loob ng tatlong araw ng Iyong pangungulila sa Iyong ginigiliw na si Hesus, nang ako ay maturuan Mo ng paghihinagpis dahil sa aking mga kasalanan na naging dahilan ng pagkawalay Mo sa Iyong Anak. Pinagsisisihan ko ang lahat at bawa’t kamalian ko at minamatamis kong mamatay muna sana ako bago magkasala sa Kaniya. Mula ngayon, kaibig-ibig na Ina, ay ipinangangako ko ang pagbabagong buhay at hindi na ako magkakasalang muli sa tulong ng Iyong mahal na Anak na dahil sa akin ay nagtiis ng di malirip na sakit at namatay na lipos ng karuhagian. Sa Iyo naman, Ina ko, ipinagmamakaawa ko na hingin Mo sa Kanya na pakamtan sa akin ang biyayang ito. Ipakita at ipaalala Mo ang dinalita Mong sakit sa pangungulila upang lalong mabalino ang Kaniyang masintahing puso. Siya nawa.

UNANG ARAW
Lubhang nahahapis na Ina ng lalong nagpakasakit na Anak, natatalastas ko ang dakila at lubhang mahapding sakit na dinamdam ng Iyong masintahing kaluluwa, nang ibaon na ang sugat-sugatang bangkay ng Iyong Anak sa libingan at matakpan ng mga maawaing tao ng isang malaki at mabigat na bato. Pagkalooban Mo ako alang-alang sa sakit at pangungulila ng masaganang biyaya at mangyaring lumambot ang matigas kong puso at matutong magbangon sa madilim na libingan ng aking mga kasalanan at mapasama sa libingan ng Iyong mahal na Anak, mapalibing naman ang masasamang hilig at layaw na pinipita ng katawan kong lupa, na mangyaring makamtan ko ang buhay na walang hanggan. At kung matutungkol sa lalong kapurihan ng Diyos, at sa kagalingan ng aking kaluluwa, ay ipagkaloob Mo sa akin ang biyayang ninanasa ko dito sa pagnonobena. Siya nawa.

Humingi ng biyayang ibig kamtan at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang...

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa Iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati. Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PESAME PARA LA VIRGEN:
PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA:
Oh Inang labis ang kapighatian sa lahat ng ina sa mundo, bigyan Mo ako ng pahintulot na dumulog sa Iyong Mahal na harapan, sapagka’t nahihiya akong masakit at ang naging dahilan ng Iyong mga kalumbayan ay ang di mabilang kong mga kasalanan. Birheng Kabanal-banalan, Inang takbuhan ng mga kasalanan, mag-asal Ina Ka naman sa akin yayamang nagsisisi na ako at humihingi ng tawad. At yayamang pinatnugutan Mo ang Santa Iglesya sa loob ng tatlong araw, gawin Mo naman ngayon na ako ay magtagumpay sa aking mga kaaway. Paging-dapatin Mo ako, katamis-tamisang Ina, na mabilang sa Iyong mapapalad na alipin na nakikiramay at nakikisama sa Iyong pangungulila upang mabago ang masama kong buhay. Tulungan Mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan Mong Anak doon sa langit magpasawalang-hanggan. Siya nawa.

DALIT SA NANGUNGULILANG INA
Sa paa ng Krus,
nakatindig ang Ina,
Mata ay nagbabatis
sa Anak na Sinta.

Idalangin kami Birhen
Sa Anak Mong ginigiliw.

Puso Mo ay pinag-ulapan
ng sakit at kapaitan,
Ikaw ang siyang karamay,
ni Hesus sa kahirapan
Sa loob Mo at panimdim,
kalumbayan ay sapin-sapin.

Idalangin kami Birhen
Sa Anak Mong ginigiliw.

V. Ipanalangin mo kami Birheng lubhang Nalulumbay.
R. Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni
Hesukristong Panginoon namin.

OREMUS:
O Diyos, na sa Iyong paghihirap, ayon sa hula ng propetang si Simeon, ay tatarak ang balaraw sa katamis-tamisang kaluluwa ng maluwalhating Birhen at Inang si Maria; Itulot Mo, sa Iyong awa, na nawa kami, na umaalala at nakikiisa sa aming pamimintuho sa Kanyang kaluluwang tinigib ng hapis, sa pamamagitan ng karapatan at ng panalangin ng lahat ng mga banal na tapat na nakipagtiis sa paanan ng Krus, ay makinabang sa banal na bunga ng Mahal na Pasyon ni Kristo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo sa kaisahan ng Banal na Espiritu, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Siya nawa.

Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

Imprimatur:
Don Candido Ureta Manzanares
Agosto 3, 1861, Maynila
Artemio G. Casas, D.D.,
Episcopus Imusensis, Imus, Hulyo 15, 1967

Reimprimatur:
Luis Antonio G. Tagle, D.D.,
Episcopus Imusensis, Imus, Abril 12, 2011

Don Basilio Sancho de Santa Justa y Rufina
Arsobispo ng Maynila
80 araw na indulhensiya

Fray Juan Antonio de Orbigo y Gallego
40 araw na indulhensiya

Obispo Jeremias J. Harty
Arsobispo ng Maynila
ika-21 ng Oktubre 1909
100 araw na indulhensiya sa lahat ng mga gagamit ng mga panalanging nakasaad dito at karagdagang 100 sa mga magnonobena




Address

Cavite
4100

Telephone

+639366266152

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tena't Magkarakol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Tena't Magkarakol:

Shortcuts

Share

Category

Nearby photography services