28/08/2026
R.I.P coach Luis Gornez Llanera aka Life's A Sport
Sad news today, condolences sa Family ni Coach. Isa ka sa mga unang unang taong Sumuporta kay B M P nung nag sisimula palang ako sa Photography and content creating.
Cellphone lang gamit ko sa pag picture at video pero nilapitan mo ako one time sa Tokwahan habang namimitik ako.. nag sisimula palang ako nung way back 2021
Grabe sobrang welcoming mo nun sa Photography kahit na cellphone lang gamit ko.. hindi ko na feel na hindi ako belong dahil sayo coach.
Ikaw ang isa sa mga dahilan nun bakit ako nag lakas ng loob mag patuloy sa Photography.
Ikaw din ang nag invite sakin nung may meet up ang mga photographer sa Tokwahan.. hangang sa Nameet ko na sila unti unti.. and from there.. isang hindi ko malilimutang experience ng buhay ko na.. may kaya pala akong gawin na hindi ko alam sa sarili ko na kaya ko.
And I am Thankful for that day of meeting you coach. 🥹♥️ Hinding hindi ko malilimutan yon. Apaka bait mong tao.
Hindi ko din malilimutan yung time na kinuhaan mo ako ng picture gamit yung Pangmalakasan mong DSLR Camera na nung time na yun nangangarap palang akong mag karoon..
First time ko din yon... Hayts..
Hangang sa Muli coach 😔 we will miss you .