Haunted Philippines (The Castlevania Halloween Freaks)

Haunted Philippines (The Castlevania Halloween Freaks) ghost pictures, gothic figures, horrifying stories .. this page contains mostly true philippine ghost stories and novels, scary images, gothic figures.

you can share and post your horrifying experiences in your life. .

Ako po si Dave, nagwowork po ako sa warehouse na ito dito sa Calamba. Isa po akong night shift na security guard na naka...
11/10/2024

Ako po si Dave, nagwowork po ako sa warehouse na ito dito sa Calamba. Isa po akong night shift na security guard na nakatalaga dito sa warehouse na ito. Kadalasan po pag ikaw ay panggabing roving guard ay nag iisa ka lamang po. Wala naman po ako ibang gagawin kundi bantayan ang warehouse, dahil wala naman pong nagtatrabaho na mga empleyado pag gabi. Kadalasan sa araw lamang sila nagtatrabaho. So ako po ang ginagawa ko lamang po ay mag ikot ikot at bantayan ang warehouse. Pero bukas naman po ang ilaw, at aircon sa loob pero iilan lamang pong mga ilaw ang binubuksan lang pag gabi.
Unang gabing nakaduty ako dito, sa una pa ay hindi pa ako naniniwala kasi wala naman akong nararamdaman. Eh sabi daw kasi ng mga iba ding nakaduty na panggabing gwardiya dito nakakakita daw sila ng isang bata at isang white lady na umiikot at umaakyat sa may office. (Kahit ang opisina pag gabi ay wala ding nagtatrabaho). Ngunit nung sumunod na araw, may isang mesa sa loob na pwede pahingahan at tambayan pagkatapos magroving, habang ako ay naglalaro sa aking cellphone, may tila mga yapak at tumatakbo sa harapan ko, ngunit wala naman akong nakikitang ibang tao maliban sa ako lamang ang nagbabantay nung oras na yun. Napatigil ako ng konti, sa pag aakalang guni guni ko lamang yun. Nagpatuloy ako sa paglalaro. Nakarinig na naman ako ng parang tumatakbo paikot ikot sa loob na para bang bata na naglalaro. Medyo kinikilabutan na ako. Ayaw ko sana tumayo, pero naglibot libot muli ako pero wala talaga ako maaninag na batang tumatakbo hanggang sa nararamdaman at naririnig ko muli ang pagtakbo na parang papalapit sa akin na wala namang tao. Dun na ako natakot at kumaripas ng takbo papalabas ng warehouse.
Mabuti at may isa din akong kasamang gwardiya na nakatalaga sa labas ng warehouse at sinabi ko na lamang sa kanya na siya na muna magroving sa loob. Ngunit maski yung kasama ko ay ayaw din niya magbantay sa loob dahil alam din niyang may nagmumultong bata sa loob.

Heto nga po pala yung actual na warehouse na pinagdudutyhan ko na may gumagalang kaluluwa kapag gabi.

Ang PUTOL NA KANDILA Monument na matatagpuan sa may Lungsod ng Calamba.Dito naganap ang karumal dumal na Doce De Pebrero...
07/08/2024

Ang PUTOL NA KANDILA Monument na matatagpuan sa may Lungsod ng Calamba.

Dito naganap ang karumal dumal na Doce De Pebrero na naganap noong Pebrero 12, 1945. Nang walang awang pinagpapatay ang mga residente at sinunog ang mga kabahayan ng mga sundalong Hapones noong WW2.

Ito ay isang bantayog kung saan dito sama samang inilibing ang mga bangkay noong naganap ang Doce De Pebrero, 1945..

Magpahanggang ngayon ay nakakaranas pa din ang mga residente dito ng mga kaluluwa ng mga biktima noon na humihingi ng hustisya at katarungan sa kanilang pagpaslang.

Patunay dito ang isa sa mga residente na ating nakapanayam, na sa tuwing mapapadaan siya sa monumentong ito tuwing gabi, ay nakakakita siya ng mga nagmumultong duguan at marumi ang mga kasuotan.

27/10/2023
27/10/2023

Mr. Adam Reyes as one of my favorite paranormal investigators.

"The ghosts of New Manila's Millionaire's Row, the spirits of 42 Broadway Avenue"A writer who grew up in the fabled stre...
30/10/2020

"The ghosts of New Manila's Millionaire's Row, the spirits of 42 Broadway Avenue"
A writer who grew up in the fabled streets of New Manila recalls the grandeur of their once elegant neighborhood, as well as the spirits and ghosts that haunted the houses in the area—including the one she grew up in: once the home of Iglesia ni Cristo leader Felix Manalo until it was taken over by the Japanese during the war and converted into a military garrison.
New Manila used to evoke a bygone era of elegance and gentility when rows of beautiful mansions lined its main streets. Formerly a part of vast landholdings then known as Hacienda de Magdalena, named after its developer, Doña Magdalena Ysmael Hemady, New Manila was from the start developed as “The Aristocratic Suburb,” an enclave of the rich and powerful. Broadway Avenue, then known as “Millionaires’ Row,” had the most magnificent mansions.
As recalled by Maur Aquino Lichauco, sister of Ninoy Aquino, when their family lived at 56 Broadway Ave. during the Pre-War Era, there were only very few houses on their street. “I think there were only about five or six houses. And one of our nearest neighbors then was Felix Manalo [who lived in 42 Broadway Ave.], and after Felix Manalo it was already Doña Magdalena Hemady’s house [20 Broadway Ave.].” On the opposite side of Broadway were the Cortes-Ochoa Residence [55 Broadway Avenue], the Dr. Jose Lerma Residence [51 Broadway Ave., now better known as Villa Caridad], and the LVN Studios empress Doña Narcisa “Sisang” B. de Leon’s residence [43 Broadway Ave.].

10/10/2020
Kuha ito sa isang bintana ng kotse sa labas ng isang abandonadong bahay sa Poblacion, Sto. Tomas, Batangas. Litrato daw ...
05/10/2019

Kuha ito sa isang bintana ng kotse sa labas ng isang abandonadong bahay sa Poblacion, Sto. Tomas, Batangas. Litrato daw umano ito ng isang batang nagmumulto sa naturang bahay. Animo'y imahe ng naaagnas na.

05/10/2019

ELEVATOR
By: Chris G

May gusto lang akong i-share na kwento. Tungkol ito sa Coco Palace Hotel pero based on my experience na naranasan ko 'to.
Yes as in naranasan ko, nasa lobby ako naglalakad that time mag-isa lang ako walang tao kasi halos lahat nasa 'taas na for the party. Halloween party. Naglalakad ako mag-isa syempre ang tahimik then parang pakiramdam mo anytime may bubulaga sa'yo. Except sa Receptionist at Guard ng Hotel as in yun lang ang tao sa front desk. So I walk in to the lobby bago ko pinindot yung open ng elevator lumingon muna ako, nakaramdam na ako ng kilabot that time. Then pagka-open ng elevator ako lang mag-isa, walang tao na lumabas dun so pumasok na ako. Pinindot ko na yung 5th floor. Nagtataka lang ako kada floor hihinto then wala namang tao na nakaabang or papasok. Nung nag-open siya walang taong pumasok then pipindutin ko na sana yung close nun pero nagbubukas talaga siya.
Lalabas na sana ako nun pero sabi ko last na pag bumukas kapa tatakbo na ako. Bulong ko sa sarili ko, di na siya nag-open nun after mag sarado then going to the 3rd floor nag-open nanaman siya.
"NATATAKOT NA AKO"
Bulong ko sa sarili ko, naulit yung nangyare sa 2nd floor. 10 mins. Din ang nakalipas bago ako nakarating sa 5th floor. Pag labas ko ng elevator di ko na alam pero nasalubong ako ng isa kung kakilala the he said,
"Uy,Namumutla ka?" out of my mind sinabi ko sa kanya yung nangyare sa elevator.
"Sira ata yung elevator kada floor ba talaga siya hihinto? Kahit wala naman pumipindot." I said bigla siyang tumawa.
"HUh? Hindi naman baka nagkataon lang?" He replied
"Nagkataon? Palagi ko nararanasan? Nagkataon?" I answered.
Naglalakad na kami then lumingon ako sa elevator dun ko napansin ang biglang pagbukas nito at nagulat ako sa nakita ko.
"Bata" nag wave siya sa akin na "Bye" .
Dun ako natakot na kaya kinausap ko yung kaibigan ko.
"WALA KA PABANG NARARANASAN DITO? KAHIT MINSAN?" I asked.
"MINSAN SA ELEVATOR KUSANG MAGBUBUKAS, THEN MAGSASARA BIGLA"
"A KID" bulong ko sa sarili ko.
Alam ko na kapag nagsabi ako pagtatawanan niya lang ako. Kaya di nalang ako nagkwento. Nag-umpisa na pala yung party kanina pa. Habang naka upo sa chair bigla akong nakaramdam na naiihi. So dahil gagamit ako ng CR lumabas ako, binalikan ko yung elevator, dun ako nakarinig ng tunog ng sapatos kaya sinundan ko yun. Tapos nakita ko yung bata na naglalaro ng bola hinahabol-habol niya. Nagising nalang ako bigla ang daming tao sa harapan ko. Dun ako natauhan, nahimatay pala ako because sa nangyare kanina.

History ng Coco Palace Hotel. Matatagpuan ito sa San Pablo City, Laguna. Ang lupang kinatatayuan ng gusaling ito, dating himpilan ng mga sundalong Hapones.

03/10/2019

DOSE DE PEBRERO ROTUNDA
By: AJ Fandilio

Alam nyo ba ang istorya ng Dose de Pebrero?

Sa mga taga Calamba City na tulad ko, alam nila ito.

Pebrero 1945, mahigit 3, 000 kalalakihang taga Calamba ang paninlang na dinukot, tinipon, pinagmartsa at magkatapos tinipon muli sa isang lugar na kung tawagin ay Brgy. Real (dito sa Calamba), at dun pinagbabaril ng mga kawal Hapones sa paraang hindi makatarungan.

Ngayon, ang Brgy. Real ay may nakalagay doon na bantayog ng Dose de Pebrero Rotunda, isang paalala para sa mga biktima ng World War 2 Massacre.

Isa na ngayon itong kinatatakutang lugar tuwing sasapit ng gabi. Kadalasan sa mga dumadaan dun, pinakakitaan ng mga kaluluwa ng mga namatay at ang sundalong Hapones na nakatayo sa bantayog.

Personak experience ko to, kamakailan lang, habang nagmomotor kami ng mga barkada ko pauwi, ng mapadaan kami sa Dose de Pebrero Rotunda dakong alas 1 ng madaling araw. Pero noong mga oras na yun marami pa din namang mga nadaang sasakyan, ngunit naging agaw ng atensyon ko noon mapadaan kami doon, may nakita akong isang sundalong naka unipormeng pang Hapones, nakatayo ito sa bantayog. Nanlilisik ang kanyang mga mata at duguan. Di kalaunan, nakita din un ng mga kasamahan ko, sa sobrang takot, napabilis ang pagtakbo namin na noong isa namin kasamahan ay kamuntikang sumemplang sa sobrang takot.
Mula noon, sa tuwing aabutin kami ng disoras ng gabi ay hindi na kami dadaan pa doon sa lugar na yun.

24/09/2019

MARCOS TWIN MANSIONS
By: Chealsea Aguilar

Hello po sa mga readers, hindi ko na po masyado pahahabain pa ang kwento, pero ibabahagi ko po sa inyo ang naranasan po naming magkakaklase ng nagkaroon po kami ng practice ng dula-dulaan na naisipan po namin gawing place ang makasaysayang Marcos Twin Mansions ng Cabuyao.

Nangyari po ito kamakailan lamang (September 15, 2019), habang nagsasagawa po kami ng aming activity sa school nang para bang tila may umaaligid ligid sa kinatatayuan namin. Highschool students po kami sa isang pampublikong paaralan sa Sta. Rosa. Sa kagustuhan naming ma-perfect ang aming pinagpapraktisan, hindi na lamang muna namin pinapansin. Maya maya pa'y namahinga muna kami sa isang hallway. Bandang 5:30pm na noon, malapit nang magdilim, nagpaalam ang isa naming kaklase na iihi lang daw muna sa CR doon. Habang papalakad siya sa hallway ay may napansin daw siyang isang babaeng nakaputing belo naglalakad papunta daw ng main door. Sinundan daw niya ito, akala daw niya ordinaryong tao yung pala napansin na lamang niyang multo pala ito dahil sa biglang naglaho habang papasok sa main door. Napasigaw siya sa takot nang ikinagulat namin sa kanya. Nagtatakbo siya papunta samin at ikinuwento nga niya ang kanyang nakita. Sa una hindi talaga kami naniwala, sinabihan pa namin siyang nasisiraan ng ulo. Para matiyak namin na totoo ang kanyang kwento, pinuntahan namin ang main door at pinasok namin ang loob. Sa guest room pa lamang ay iba na ang pakiramdam namin. Nagkatuwaan pa kaming matatapang daw kami, kapitkamay lang kami magkakaklase ano mang mangyayari sa amin. Ghost busters daw ika nga tawagan namin sa isa't isa at imbis na umuwi na kami dahil tapos na ang activity namin, lakas loob at pinagtripan namin imbestigahan ang naturang mansyon kung totoo nga ba ang kwentong kababalaghan doon.
Inabutan na kami ng 7:00pm, madilim na ang paligid, ngunit mag kakaunti din namang pailaw ang paligid ng mansyon. Naupo kami sa isang malambot na sopa at nagkakatuwaan. Maya pa'y sa gitna ng masayang kulitan at tawanan namin, may naririnig kaming nagpapatugtog ng piano. Tinanong namin ang isa't isa kung mag nawala ba sa hanay namin, subalit kumpleto naman kami at wala naman kaming ibang kasama. Pinuntahan namin ang kinaroroonan ng may nagpapatugtog at napansin na lang namin na tumutugtog mag-isa ang piano ng walang musician. Doon kami kinilabutan, nagtaasan ang aming balahibo at sa sobrang takot, nagtakbuhan kami hanggang sa main door. Yung dalawa naming kasamahan nakakita daw ng lalaking nakabarong sa isang bintana. Samantalang ako, habang naglalakad kami sa hallway isang white lady nakatayo sa malapit sa statua ni Marcos. Dali dali kami nagtatakbo papalabas, hanggang sa makauwi kami.

Maging sa labas daw mismo ng mansyon, dahil nga sa liblib at masukal at sobrang tahimik na lugar, madalas daw tuwing gabi, may mga gumagalang iba't ibang elemento. Magpahanggang ngayon, patuloy pa din ang pagdagsa ng mga turista doon at minsan doon nagshoshooting ang ilang mga horror movies gaya ng "Haunted Mansion", ngunit maging ang mga staffs at casts ng mga nagshoshoot dun ay may kanya kanya din karanasan ng kababalaghan doon.

03/10/2018

MISTERYO SA STARMALL ALABANG STORIES:

Repost from page "Mga Kwentong Multo"

1. Roving
By: Mr. Nice Guy 28

Pasintabi po sa mga members dito, at dahil buwan na naman ng katatakutan ngayon, nais ko po ishare sa inyo ang experience ko.
Isa po akong GUARD ON DUTY na rumoronda minsan sa Starmall Alabang, at kadalasan schedule na binibigay sakin ay closing. Yun po bang 10pm hanggang 7am. Naaassign naman po aq minsan ng pang araw. Bago lang po akong gwardya sa Starmall Alabang. Mga nasa 4 na araw pa lang ako.

Marami na po akong karanasang kababalaghan sa naturang shopping mall na yan. Dating sementeryo ang kinatatayuan niyan bago tayuan ng shopping mall. Ang mga multo jan ay walang pinipiling oras, kahit oras pa ng opening, nagpapaligid ligid sila at kung tawagin sila'y MISTERY SHOPPERS. Sa may CR sa baba, lalo na kapag nag-iisa, nagpaparamdam ang lalaking nakabarong at duguang babae. Kaya kadalasan ang mga tao dun nagpapasama. Mas matindi sa may sinehan at sa may CR ng sinehan. Habang nanonood, hindi mo inaakalang tumatabi sayo ang mga kaluluwang nakikinood din. Napakalakas talaga ng loob ng mga multong ito, na biruin mo kahit maraming tao, nagpaparamdam pa din sila.

Heto po experience ko, lalo na roving po ako ng closing time. Pumapasok ako sa loob kadalasan, kahit wala ng tenant oh mga empleyado sa loob. Iniikot ko ang buong paligid ng mall, para sa seguridad, at baka may mga makapasok na mga magnanakaw oh ano man. Madalas ako nakakarinig sa may sinehan na animo'y mga nanonood, ngunit nakakapagtaka dahil close na nga ang mall at wala na ni isang tao pa. Maliban sa aming mga gwardya. Tatlo kaming roving, nakaassign ako sa loob, yung dalawa sa labas. At kahit yung dalawa, hindi naman pumapasok sa loob dahil sa labas lang talaga sila nagroroving. At dahil malakas ang loob ko, tumungo ako sa may sinehan. Hindi pa man ako nakakapasok sa pintuan, biglang tumigil. Doon na ako nakaramdam ng kilabot. dali dali akong bumaba. Habang pababa ko, nakakaramdam ako ng tila may sumusunod sa akin. At dahil sa sobrang tindi ng kilabot ko, napatakbo ako hanggang exit door ng mall. Napatingin ako sa isang stall, nakakita ako ng dalawang lalaking nakatayo, nanlilisik ang tingin nila sakin. Sa kanang bahagi, babaeng nakalutang. Napasigaw ako sa sobrang takot palabas hanggang sa makita ko ang dalawa kong kasamang gwardya na nagpapatrolya sa labas. Naikuwento ko sa dalawa ang nangyari sakin. Pinakalma nila ako. Ikinuwento din nila sakin ang mga karanasan nila sa mall. Dahil matatagal na silang nagtatrabaho, nasanay na daw sila.

2. Scary Movie
By: SupladithaXx

Isa naman po akong estudyante sa San Pedro College of Business and Arts. Noong Sept., block buster pa noon ang movie na "The Nun". Nagkayayaan kaming magkakaklase manood ng sine sa Starmall Alabang. Apat kaming magkakaklase na magkakasama. Habang nakasakay kami ng jeep from school namin papuntang Alabang, nagkwento ang isa naming kaklase, na may magmumulto daw talaga sa may sinehan. Eh syempre hindi talaga namin pinaniwalaan at pinagtawanan namin siya. Hindi namin upyung iniintindi dahil sa matinding excitement namin manood ng "The Nun", pagkakataon na namin kasi yun.

Habang papasok na kami sa may sinehan, yung kaklase naming nagkwento samin sa jeep, nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Hindi pa kami nakakaupo, tila may tinitingnan siya sa may gilid. Tinatapik niya kami, nakakita daw siya ng babaeng nakaputing nakatayo. Paglingon namin sa tinutukoy niya, wala naman kaming nakita. Pinagtawanan na naman namin siya sa ikalawang pagkakataon. Dito na ako nagsimulang makaexperience ng makapanindig balahibong karanasan. Nagsimula na ang palabas. Habang nanood kami, nakaramdam ako ng tila napakalamig na hangin at ito' y naramdaman din ng aking mga kasamahan. Hindi na lang namin pinansin, dahil napakaraming nanonood, itsapwera lang sa kanila. Nasa kalagitnaan na ng panonood, nakapansin ako sa may bandang gilid na may babaeng nakaputi na nakatayo. Lumalakad sa harapan ng screen. Hindi man lang nakakapansin ng mga manonood. Ngunit ako, kitang kita ko mismo naglalakad sa harapan. Kasabay ng pananakot sa palabas, sumabay din ang babaeng multo sa sinehan. Ako at ang kaklase kong nagkukwento samin ang tanging nakakita. Nagtaka din ang dalawa kong kasamahan kung bakit nanginginig na ako. Sinabi ko na lang na giniginaw na ako.

Natapos ang palabas, sabay sabay kaming nagsilabasan. Habang papalabas pa lang kami, biglang may sumigaw, isa sa mga nanonood sa sinehan, pagkakabukas ng ilaw, nakakita daw siya noon ng babaeng nakaputi na nakatayo naman sa may gilid.

Patuloy pa din hanggang ngayon ang pagpaparamdam ng mga kaluluwang hindi matahimik sa Starmall Alabang.

3. Parking Loop Area
By: Zhen Sherwin

Kamakailan lang ko lang heto naranasan. 9:30 in the evening, halos pasara na ang mall. So after shopping, syempre yung kotse namin nakapark sa may 3rd floor ng parking loop. Yung anak ko, excited ng umuwi, sa halip na magsabay kami papuntang parking area, tumakbo siya papunta dun at napahiwalay sa akin. Madilim ang paligid, may ilan ilan namang mga nakapark na mga sasakyan, ngunit hindi naman karamihan. Hinanap ko ang anak ko, tawag ako ng tawag sa pangalan nya, dahil sa sobrang pag-aalala. Nang biglang makarinig ako ng sigaw. Napag-isip ko, anak ko yun. Hanggang sa nakita ko siya sa may kotse namin, habang nakasigaw may tinitingnan siya. Sabi daw niya nakakita daw siya dun ng lalaking nakabarong at babaeng nasa loob ng kotse na nakatitig daw sa kanya. Hindi ko nakita yung sinasabi niyang lalaking nakabarong, ngunit paglingon ko sa isang kotseng sinasabi niya, dun nako nagulat at kinilabutan. Nakatitig na takaga samin yung babaeng nakaputi na ang sama ng tingin samin. Tila pinapahiwatig na umalis na kami sa lugar na yun. Sa sobrang takot, ang mga pinamili namin, bigla ko na lang inihagis lahat sa loob ng kotse at dali daling umalis. Habang dumadaan na kami sa may loop pababa, may biglang dumaan sa unahan na lalo kong kinatakot. Binilisan ko ang pag andar ng kotse para lang makalabas agad.

30/09/2018

UP LOS BAÑOS
By: Nevermore

Lumaki ako sa Los Baños, Laguna (Specifically sa loob ng UP). Sobrang daming kwento at urban legends na ang narinig ko gusto ko lang sana i-share ito sa inyo plus personal experience ko.
Located ang UPLB sa paanan ng bundok Makiling (Mount Makiling). Pinangalan sa isang diwata na siyang nagpo protekta sa bundok at nagbabantay sa mga hayop na nakatira dito. Hikers ang madalas makakita sa kanya minsan matanda at minsan ay isang magandang babae. Nagpapakita daw ito pagkatapos ng bagyo para linisin ang bundok at magtanim ng mga bagong puno. (Fairy nga ng forest e).
Yung mga tao na hindi nirerespeto ang bundok ay madalas ay nililigaw niya (Peak 2 yung name nung hiking spot doon). Meroon ding river don na tinatawag na Flat Rocks, may mga namatay at naaksidente na don dahil bigla bigla na lang rumaragasa ang tubig mula sa bundok sabi ng iba si Maria Makiling ang may gawa non. (Kaya dati nung nalaman na nag hiking kami ng mga kaibigan ko sa flat rocks nagalit Mama ko buti daw di nag pakita si Maria Makiling sa amin. haha).
So kung may diwata siyempre mas marami pang story sa loob ng campus ng UPLB sa loob ba naman ng 107 years (1909-2018) marami ng namatay dahil sa Japanese war at iba pang causes so ito yung mga story na hindi alam ng iba.

THE NEVER ENDING BRIDGE.
Located sa right wing ng UPLB madadaanan mo ito kapag sumakay ka ng UP Kanan. Marami ng aksidente ang nangyari pero halos pare pareho lang ang scenario, yung mga kotse dire-diretso lang sila at nababanga. Sa dulo nung bridge ay may daan pa kaliwa at kanan walang daan na pa diretso pero halos lahat ng aksidento doon ay pa diretso ang punta para bang sa tingin nila di pa natatapos yung tulay. Meroon statue si Maria Makiling sa tapat mismo nung bridge may kasama siyang mga hayop and stuff ang ibang mga driver ay nagugulat kaya nababanga kasi yung statue ay nalapit sa kanila.
May sidewalk din dito kaya malamang may nadaan. Favorite spot to ng mga manyak at magnanakaw pero favorite spot din to ni ate na nakikita ng iba sa gabi. Makakasalubong na lang siya ng mga nadaan dito nakatitig sa harapan nila tapos kapag narining mo yung sound na pinapagawa sayo ng doctor kapag pinapanga nga ka tumakbo ka na. Dahan dahan kasi nagbubukas yung bibig nung babae hangang umabot yung upper lip niya sa noo at yung lower lip sa leeg. Creepy as f*ck.

MAQUILING SCHOOL INCORPORATED
Since 1924, located inside UPLB. Alumnus ako dito kaya may mga konting experiences din ako. Natigil operation ng school nung Japanese War dahil ginawa itong Garrison ng mga hapon sabi pa ng iba naging Ospital daw ito noon.
Grade 4 ako noon nung umuso ang Bloody Mary (Yung mag bloody mary ka ng 13 times sa harap ng salamin then lalabas siya para sabihin ang future or tuparin wish mo pero kapalit nito e sasapian ka or mamatay ka). Dahil mga kids pa kami noon ti-nry namin yon sa CR ng elementary building. 3 kami non. Typical na bata nag tatawanan pa kami non then nag simula na yung kaibigan ko. Nung 1st hangang 10th time na nag chant kami ng bloody mary wala talagang nangyari then nung pang 11 na bigla na lang humangin sa loob ng Rest room. Legit s**t walang kahit isang bintana sa RR na yon at hindi din pwede pumasok ang hangin kasi may papasok pa bago ka makarating sa pintuan. Edi medyo nangilabot na kami then nung pang 12 na bigla na lang namatay yung ilaw. Nagtakbuhan na kami palabas di na namin tinuloy o ginawa pa ulit yon.
Grade 5 ako noon. 7 am dapat nasa school na kasi 7:15 ay may flag ceremony. Bata pa lang ako talagang tamad na ako so late ako. Buong school nasa labas na, wala ng tao sa mga classrooms. ako naman dumiretso na ako sa room ko tapos di na ako sumunod sa flag cem, may assignment pa kasi na hindi ko ginawa e terror pa naman yung teacher. Habang nag susulat ako may nakita ko sa peripheral vision ko na may tumakbo sa labas ng bintana. Di ko na lang pinansin then na realize ko f*ck lahat nga pala ng studyante na sa flag cem, walang daan papunta don at puro matataas na damo lang ang nandon. wews
Grade 6 every afternoon makakarining kaming lahat ng babaeng naiyak. Hindi iyak e parang hagulgol ng batang babae. Buong classroom maririnig yon lalo na yung malapit sa bintana (Ka hilera ng classroom ko nung grade 5 classroom ko nung grade 6). Sasabihin na lang ng teacher namin na wag na lang namin pansinin.
May mga instances din na naiiwan kami sa hapon dahil mga cleaners kami. One time may narinig kaming nahulog na upuan sa kabilang classroom. So ako tinignan ko kung may tao pa sa mga katabing classrooms siguro mga 10 classroom na magkakatabi yon tinignan ko lahat at wala namang tao. Naka lock na yung mga pintuan. nakauwi na pala yung ibang cleaners ng iba pang section.

PILI DRIVE
Located sa left wing ng UPLB. Same with Balete drive may nagpapakita din dito sa mga puno ng PILI NUTS. May batang lalaki, babaeng naka puti tsaka lalaking walang ulo. Madami na ang naaksidente dito. May namatay na din. (Malapit sa may engineering building para sa mga uplb students). Na featured na rin ito noon sa show ni Noli DeCastro na magandang gabi bayan.

CARILLON TOWER
Located sa freedom park inside UPLB. Dito nag shooting sila Angelica Panganiban para sa last scene ng movie nila na White Lady (2006). Bawal pumasok sa loob ng tower dahil may mga cases na dito nagpapakamatay mga ilang studyante. Minsan makikita na lang na may naglalakad sa stairs paakyat sa tuktok ng tower o kaya minsan bigla na lang may nasigaw.

MARIANG BANGA
Statue ni Maria Makiling. Located papasok ng freedom park pagkalagpas ng s***m bridge. (Amoy s***m kasi lagi don kaya tinawag ng mga locals na s***m bridge). Statue ni Maria Makiling na may hawak na banga sa kanan na kamay niya. Minsan makikita na lang na nasa kaliwa yung banga minsan naman nasa ulo niya yung banga na hawak niya.

D.L UMALI HALL/AUDITORIUM
Located sa harap ng freedom park. Dito madalas ganapin ang mga play, graduation at conference. May bata na nagpapakita sa gilid ng stage. Batang babae na naka ponytail, naka dress at may bag pack na teddy bear
MARGARET SAGE BUILDING
Located inside the Christian School International. Class room siya ng elem pero originally isa siyang missionary residence back in 1923. Regalo ni Margaret Sage yung building. Minsan may maririnig na lang na tunog ng kadena sa loob nung building. (Yung kadena na may bola na bakal na kinakabit sa ankle ng preso noon). Naglalakad lang nag gagala sa loob nung building. May 2nd floor din yon na kahoy ang sahig kaya rinig na rinig ng mga janitor yung foot steps sa second floor.

MENS AND WOMENS DORM
Located sa gilid ng freedom park. Kwento ito ng isang Prof na dating nag aral sa UPLB. Hell Week noon sa UPLB (Hell Week ang tawag ng mga students kapag exams na nila. Sabay sabay talaga ang mga requirements kaya ang iba di na natutulog). Nag aaral siya non para sa exams niya kinabukasan iba kasi talaga hirap ng mga exams e. Past 1 am noon at nasa lobby siya ng dorm. Siya na lang natirang nag aaral kasi yung ibang dormers umuwi na sa mga probinsya nila dahil tapos na exams nila e yung exam niya ay Saturday morning. So tinatamaan na siya ng antok non kaya pumasok muna siya ng room niya para mag timpla ng kape. Paglabas niya may nakaupo ng bata sa dulo nung table. Nakasubsob sa table at naiyak. (Nakatawa na siya habang kinukwento niya sa akin to). So kinakausap niya daw yung bata at tinatanong "Anong pangalan mo?", "Nasaan mga magulang mo?", at "Saan ka nakatira?" pero di nasagot yung bata nakasubsob pa din. Dahil matapang naman siya pinabayaan niya na lang at tinuloy daw pag re-review niya. Nasagi niya yung highlighter niya kaya nalaglag sa sahig nung pinulot niya tinignan niya yung ilalim ng mesa niya nandun pari yung bata naka khaki na shorts pero walang binti. Eto na yung nakaka gago. Pag angat niya kaharap na niya yung bata mga 6 inches lang ang distance ng mukha niya dun sa bata dahil sa gulat napamura at nalaglag pa siya sa upuan. Dumating yung guard tinatanong kung ano nangyari sinabi niya yung tungkol sa bata pero nung hinanap nung guard yung bata wala ng nakitang bata sa table.
At yung daan sa gitna ng women's at men's dorm. Yung ibang studyante daw dito kapag naglalakad ng mag isa sa gabi magugulat na lang kasi biglang may nasulpot na lalaki sa harapan nila minsan sa likod. Naglalakad lang naman pero out of nowhere mawawala din naman.

HUMANITIES BUILDING
Located sa likod ni Oblation. May class room sa basement nito e sa left at right side di ko lang alam kung sa left or right side nagpapakita yung babaeng laging nasa likod nakaupo. Di mo mapapansin kasi parang studyante lang din siya pero kung tatanungin mo mga bloc mates mo walang may kilala sa kanya kahit isa. Minsan naman batang lalaki na nakatayo sa likod ang nakikita ng mga professor tuwing may lecture sila.

UPLB MAIN LIBRARY
Hell Week noon at dahil di pa masyadong uso ang internet, library ang main source ng information. Malaki yung main library ng UPLB e hangang 2nd or 3rd floor at may basement pa ata. So may studyante noon na nag re-research para sa thesis niya. Hindi niya napansin ang oras at inabot na siya ng pagsasara ng library. Dahil sa laki din nung library di na din nalibot ng guard daw noon ang buong building para i check kung may tao pa o wala. Naiwan yung babae sa loob ng building ng mag isa. The next day pag check nung guard may isang sapatos sa main entrance ng library. Nilibot niya yung buong library. May mga section yung library na punit punit na yung mga libro. Nahanap niya yung kapares ng sapatos sa may right side ng building then sa iba't ibang lugar ang ID, Bag, at notebook. Nakita niya yung babae na naka upo at nanlalaki yung mata habang nag ha- hum.

BAKER HALL
Located sa freedom park. Since 1927. Eto na ata pinaka haunted na lugar sa buong UPLB. Na feature na din ito sa Magandang gabi bayan. Ginawa itong garrison noong japanese war. Yung gilid nito may basketball court then yung loob may stage at basketball court na pwedeng gawing volleyball court. Sa gitna ng basketball court at baker hall ay may daan papunta sa likod ng baker hall. Masisilip mo doon yung basement ng baker hall kung saan nakatambak mga lumang upuan, table,at kung ano pa. May maliit din na landmark sa likod.
Sa magandang gabi bayan dun sa likod na yun at sa basketball court may nagpapakita. Minsan sobrang ingay dito akala mo may mga nagpaparty pero kung papasukin mo wala talagang tao.
Personal Experience ko to. So papunta kaming elbi ng mga kaibigan ko non para mag celebrate ng birthday nung isa ko pang kaibigan. Pagdating namin sa elbi ay wala pa yung isa naming kasama (5 kami noon kulang ng isa) so ang ginawa namin hinintay muna namin siya e galing pang QC yon kaya matatagalan pa. Sabi ko mag ghost hunting na lang kami. Dahil local ako alam ko kung saan may nababalitang may na nagpaparamdam. Dumiretso na kami sa Baker Hall. Ewan ko ba bakit nung gabi yun isa lang ang nagana na street lamp dun sa basketball court. Dumaan kami doon sa gitna na hall at court. Sabi ko "dito yung may nagpaparamdam daw eh." Nauuna kaming tatlo tapos yung 2 duwag naming tropa nasa likod. Habang sinisilip namin yung basement bigla na lang tumakbo yung dalawa. Sinundan namin yung dalawa. Yung isa kang tropa nanlalaki yung mata as in tapos pawis na pawis. Tinanong ko bakit kayo tumakbo sabi ng tropa ko may babae sa likod ng kaibigan namin nakaputi mahaba ang buhok tapos nakaakbay sa kanya pagtingin niya dun sa babae bigla daw may malamig na hangin na humampas sa mukha niya kaya siya napatakbo. Eh di kaming tatlo nagtawanan pero siya sobrang seryoso pa din. "Legit mga tol di ako nagbibiro mamatay man ako" sabi niya. Naniwala na ako kaya naisipan na lang namin na wag na ituloy. Lasing na lasing kami ng gabing yon di ko alam kung tanda pa nila to.

PS: Para sa mga taga elbi dyan baka may alam pa kayong story i share niyo na. interested talaga ako sa mga ganitong kwento at urban legends e. Search niyo po yung mga places para makita niyo yung mga picture at hitsura nung building na sinasabi ko. Stories sa lower campus pa lang ng uplb yang mga yan. Di ko pa naririnig yung mga stories sa upper campus. Mas nakakatakot don e. Mga old dorms + hospital sa gubat.
Hi sa mga taga elbi! Tara sa square.
-19XX
Laguna

Address

Calamba City, Laguna
Calamba
2074

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Haunted Philippines (The Castlevania Halloween Freaks) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share