23/07/2026
Isa sa mga pinaka magandang ibon sa Pilipinas na hindi mo kailangang lumayo sa siyudad para makita.
Ang mga Black-naped Monarch (BNM) ay maaari ring makita sa kalapit lungsod ng Kalakhang-maynila, kagaya ng mga mapupunong lugar sa Taytay, Cainta, Antipolo o kahit mismo sa Quezon City.
Ang mga BNM ay sexually dimorphic species, ibig sabihin ang mga lalaki at babaeng ibon ay magkakaiba ng itsura; ang mga lalaki ay may kulay puti sa dibdib at purong asul ang likod, buntot, ulo at pakpak, ang mga lalaki din ay may itim na balahibo sa batok na wala sa mga babaeng BNM.
Ang balahibo ng mga babaeng BNM ay kulay brown sa likod, pakpak at buntot, asul naman sa ulo at puti sa dibdib.
Native sa Pilipinas ang mga BNM ngunit makikita din ito sa mga kalapit na bansa sa timog-silangang Asya.
Black-naped Monarch
Hypothymis azurea
Baras, Rizal