19/08/2026
#2 Filipiniana
Ang kasuotang Filipiñiana ay isang mahalagang bahagi ng ating kulturang Pilipino. Sa bawat disenyo, tela, at detalye nito, makikita ang kagandahan ng ating kasaysayan at ang mga kaugaliang minana natin sa mga naunang salinlahi. Hindi lamang ito isang kasuotan, kundi isang paraan ng pagpapakita ng ating pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
Ito ay suot ng dangal, pagkatao, at pagkakakilanlan. At sa pagsusuot nito, ipinapakita niyang siya ay bahagi ng kasaysayan na patuloy na nabubuhay.