10/10/2024
" Pagtitiis"
Masakit na ang sitwasyon,
Kailangan na rin naman tayo sa kumunikasyon,
Maayos pa ba ang ating relasyon?
Tinitiis ko nalang ang bawat sakit,
Upang ang pagsasama nati'y huwag lang
mawagti,
Kailangan pa ba natin itong ipilit?
Kahit puno na ng hapdi at pait?
Sa bawat araw, pahirap nang pahirap
Ang pagmamahal na nawala, saan ko na ba mahahanap?
Mananatili bang ganito ang pagsasama?
Pilit nalang na pawang madugong pahina sa istorya?
Hanggang kailan ko ba ito titiisin?
Sakit ay akin pa kayang kakayanin?
Sarili nama'y pagod na rin,
Maisasalba pa ba ang binuong pag-ibig natin?