21/03/2026
LOTUS GARDEN I LAKE SEBU, SOUTH COTABATO
Para sa mga T'boli sa Lake Sebu, ang lotus flower ay tinatawag nilang "Sawa". Hindi lang ito basta magandang bulaklak para sa mga turista; malalim ang kaugnayan nito sa kanilang kultura at kapaligiran. Simbolo ng Kapayapaan, Kagandahan at bahagi ng kanilang Tradisyunal na Pamumuhay.
Ang mga bulaklak na ito ay bumubuka lamang mula pagsikat ng araw hanggang bandang 9:00 ng umaga. Pagdating ng tanghali, sarado na ang mga talulot nito.
Narito ang mga dapat mong malaman:
1. Pinakamagandang Oras ng Pagbisita
5:30 AM hanggang 7:00 AM: Ito ang golden hour para makita ang libu-libong lotus na kulay pink habang malamig pa ang simoy ng hangin.
Best Months: Karaniwang masagana ang mga bulaklak mula Hunyo hanggang Oktubre, bagama't mayroon din nito sa ibang buwan.
2. Paano Pumunta sa Lotus Garden
Saan ang lokasyon? Ang pinakasikat na puntahan ay sa tapat ng Punta Isla Lake Resort o sa mga komunidad sa paligid ng lawa.
Sakay ng Owong (tradisyunal na bangkang kahoy ng T'boli).
Boat Ride: ₱350 bawat tao (kasama na ang Damit, isang tradisyunal na Kegal T'boli na suot ng prince/princess para sa photoshoot). Ang bangkero na mismo ang Photographer, kayo na bahala mag bigay ng tip.
3. Paano ang Biyahe (Transportasyon)
Kung galing ka sa labas ng South Cotabato: By Air (Geneal Santos Airport) at By Land magpunta sa GenSan (Bulaong Terminal): Sumakay ng van direkta papuntang Lake Sebu (mga 2 oras na biyahe).
Kung magmula naman sa Koronadal (Marbel): Sumakay ng bus o van papuntang Surallah, tapos sumakay ng jeep o van pa-Lake Sebu.
Local Transport: Pagbaba sa terminal ng Lake Sebu, sumakay ng habal-habal (motorcycle taxi o Bao-Bao/Tuktuk) at sabihing pupunta ka sa Lotus Garden o sa iyong napiling resort.
4. Tips para sa Mas Masayang Trip
Mag-overnight: Dahil kailangang maaga ang gising, mas mainam na matulog na sa Lake Sebu para hindi ka magmadali sa biyahe.
Magdala ng Cash: Wala masyadong ATM sa mismong town ng Lake Sebu, kaya siguraduhing sapat ang dala mong pera bago umakyat/pumunta.
Igalang ang Kalikasan: Huwag pitasin ang mga bulaklak. Ang mga ito ay sagrado at bahagi ng kabuhayan at kultura ng mga T'boli.
Tourguide/Bao-Bao Driver : Sir Josue Walan 09759293135
Hotel: Nag stay kami sa Dolores Lake Resort near Punta Isla (Lotus Flower)