31/08/2026
Unang Araw: Kababaang-Loob ng Isang Bata
"Tularan natin ang kababaang-loob ni Maria na buong pusong naglingkod sa Diyos.”
Salita ng Diyos:
“Kung sino ang magpapakababa na gaya ng batang ito, siya ang pinakadakila sa kaharian ng langit.” (Mateo 18:4)
Panalangin:
O Maria, turuan mo kaming maging mapagpakumbaba tulad mo noong ikaw ay bata. Sa kabila ng mga biyayang iyong tinanggap, nanatili kang payak at masunurin sa Diyos. Tulungan mo kaming alisin ang kayabangan sa aming puso at yakapin ang tunay na kabutihan. Amen.
Pagninilay:
Sa panahon ngayon, maraming tao ang naghahangad ng kasikatan at papuri. Ang halimbawa ng Batang Maria ay paalala na ang dakilang biyaya ng Diyos ay dumarating sa mga may pusong mapagpakumbaba at bukas sa Kanyang kalooban.