30/05/2023
dios ko po.. maawa naman po sila hahah.. shoot and edit pa yun ah hahahaha
'SANA PO MATUTO PO TAYONG MAGPRESYO NG TAMA'
Ganito ang panawagan ng netizen na si Cristopher matapos ibahagi ang nakita niyang post sa isang Facebook group kung saan may isang client na naghahanap umano ng videographer sa halagang P1,000.
"May naghahanap na client ng videographer for 1k, which is totally impossible. Nakakatawa siya pero as a content creator and nasa ganitong business field, medyo nakaka-offend at nakakainis 'yung mga ganitong tao kasi alam mo naman 'yung hirap at oras na ginugugol mo sa ganitong project/work tapos babaratin mo ng husto. Pero syempre tawa nalang tayo kasi meron talagang mga ganitong tao at hindi talaga sila mawawala," kuwento ni Cristopher sa PSND.
"Sana po matuto po tayong magpresyo ng tama. You can lowball every kind of job pero sana 'yung may kikitain naman. Kung ganyan singil mo, magpainit nalang ako sa labas tapos manlimos hahaha. Pero ayun, hopefully some clients know how [much is the] price and ask right," wika pa niya.
(Cristopher Sadaba/Facebook)