SLU Tanglaw Hilaga

SLU Tanglaw Hilaga Sandigan ng Pagbabalita, Tanglaw Hilaga🧭

Sa aming Punong Patnugot...👏🙌🥰
06/02/2026

Sa aming Punong Patnugot...👏🙌🥰

Enero 28, 2026 –  Isang simple subalit makabuluhang programa ang inilaan at inihandog para sa mga itinuturing na pangala...
28/01/2026

Enero 28, 2026 – Isang simple subalit makabuluhang programa ang inilaan at inihandog para sa mga itinuturing na pangalawang magulang ng mga mag-aaral, ang mga G**O. Inumpisahan ito sa Banal na Misa na pinanguhanan ni Rev. Fr. Ronald Magbanua, CICM na sinundan ng mga palaro at iba't ibang pakulo na inihanda ng mga mag-aaral na inayos at inihanda ng Samahan ng Nagkakaisang Mag-aaral (SANAMA) sa patnubay ng kanilang tagapayo na si Bb. Evermi Candiao. Hindi mailarawan ang sayang nadarama ng mga g**o at mga kawani sa natatanging araw na inilaan para sa kanila bilang pagpupugay at pasasalamat sa dedikasyon sa kanilang propesyon bilang mga g**o at kawani sa Katolikong institusyon; sa hindi matatawarang pagtulong at paggabay na matuto ang mga mag-aaral hindi lamang sa mga paksang aralin kundi maging sa mga ARAL ng buhay .

MALIGAYANG ARAW NG MGA G**O! Mahal namin kayo🥰

Handa na ba kayong bumangon, pumasok, at muling matuto? 🧑‍🏫👩‍💻🖼️: Viado, L.
04/01/2026

Handa na ba kayong bumangon, pumasok, at muling matuto? 🧑‍🏫👩‍💻

🖼️: Viado, L.

24/12/2025

Hatid namin sa inyo sa araw ng Pasko... 🎄🎁🌟

Matapos ang araw ng nag-aapoy na kompetisyon, dedikasyon, at sportsmanship sa pagitan ng apat na koponan na pinamunuan n...
12/12/2025

Matapos ang araw ng nag-aapoy na kompetisyon, dedikasyon, at sportsmanship sa pagitan ng apat na koponan na pinamunuan ng kanilang lider, Pavolos - Gng. Roxan Deponio, Vibora Resilientia - Gng. Karen Joy Viernes, Sidlak - Gng. Michelle Fababier, at Ignis Vulpinaris - G. Honorio Manzano, handa na nating ibahagi ang opisyal na resulta sa ginanap na JHS Intramurals 2025.
Narito ang talaan ng mga nagkamit ng karangalan sa iba't ibang patimpalak!
Cheering: Vibora Resilientia
Pakulo: Vibora Resilientia
Best drummer: Pavolos
Best Cheerleader: Pavolos
Most Disciplined: Pavolos
Cheerdance: Ignis Pulvinaris
Mr. Intramurals: Ignis Pulvinaris
Ms. Intramurals: Sidlak
Overall champion: Pavolos

Isang mainit na pagbati sa lahat ng nakibahagi para sa tagumpay ng gawain na pinamunuan ni G. Alejandro P. Pablico, prinsipal ng BEdS


10/12/2025

Kakaba-kaba ka na ba?🤨
Kinakabahan ka na ba?😬

3, 2, 1…💣💥

24/11/2025
Kultura, Sining, at Pagnenegosyo: SLU BEdS-HS, Nagsanib-Puwersa sa Isang Makulay na PagdiriwangOktubre 17, 2025 — Naging...
19/10/2025

Kultura, Sining, at Pagnenegosyo: SLU BEdS-HS,
Nagsanib-Puwersa sa Isang Makulay na Pagdiriwang

Oktubre 17, 2025 — Naging isang makulay at masiglang pagtitipon ng iba't ibang kultura ang Saint Louis University Basic Education School HS (SLU BEdS-HS) matapos na idaos ang isang pambihirang pagdiriwang para sa Indigenous People's Month, United Nations Day, at Entreprenuership Day.

Sa temang “Ating Pandayin ang Kinabukasan, Gabay ang Katututong Katarungan at Karapatan,” ipinamalas ng paaralan ang kanilang malalim na pagpapahalaga sa katutubong karunungan at pandaigdigang pagkakaisa sa isang programang pumuno sa Charles Peter Covered Court ng musika, sayaw, at sining.

Sinimulan ang pagdiriwang sa isang taimtim na panalangin, na agad sinundan ng isang mapang-akit na Culture Dance na nagpakita ng mayamang tradisyon ng Pilipinas. Nagbigay ng pambungad na pananalita si G. Alejandro P. Pablico, ang prinsipal ng BEdS, at binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pag-alaala at pagbibigay-pugay sa mga katutubong komunidad bilang pundasyon ng kinabukasan.

Sunod-sunod na pagtatanghal mula sa iba't ibang antas ang bumighani sa mga manonood. Namangha ang mga mag-aaral sa parada ng mga banner na naglarawan ng mga tema ng katarungan at karapatan na masusing iginuhit at kinulayan ng mga mag-aaral mula sa Baitang 8. Naghandog ng isang musikal na presentasyon ang mga mag-aaral ng Baitang 9, at nakiisa sa pag-awit ang buong komunidad. Isa sa pinakainabangang bahagi ng programa ay ang pagrampa ng mga piling mag-aaral mula sa Baitang 10. Suot ang mga malikhaing kasuotan na gawa mismo ng kani-kanilang klase, ipinakita nila ang pagiging mapamaraan at artistikong pagdisenyo ng mga kasuotan. Hindi rin nagpahuli ang Society of Performing Arts (SPA), na nagpamalas ng kanilang kahusayan sa isang makapangyarihang pagtatanghal, na nagpakita ng iba't ibang kultura sa pamamagitan ng galaw at sayaw.

Umalingawngaw ang hiyawan at tawanan sa buong court nang simulan ang Community Dance. Inanyayahan ng mga mananayaw ang mga g**o at mag-aaral na makiisa, na lumikha ng isang di malilimutang sandali ng pagkakaisa at saya. Sa pagtatapos ng programa, kinilala at pinarangalan ang mga nagwagi sa iba't ibang patimpalak, bago muling nagsalita si G. Pablico para sa kanyang pangwakas na pananalita.

Ngunit hindi doon natapos ang kasiyahan. Ang pagdiriwang ay nagbigay-daan din sa Entrepreneurship Day, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maglibot sa iba't ibang booth. Pinangunahan ito ng mgaklase mula sa ika-11 Baitang, na nagpakita ng kanilang mga produkto at serbisyo. Lalo pang nagbigay-sigla sa kaganapan ang presensya ng Etag TV, na aktibong nakisalamuha sa mga mag-aaral at g**o.

Ang pinagsamang pagdiriwang na ito ay hindi lamang nagpakita kung gaano kakulay ang kultura ng bawat tribo at bansa, kundi nagpatunay rin na sa SLU BEdS, ang bawat tradisyon—maliit man o malaki—ay binibigyang-halaga, tinitingala, at hindi kailanman kinakalimutan.

Pagkilala:
✍️: Zarate, G.
📸:Gng. E.Cadiao, Gng. M.Pugoy, Alim, C., Bonifacio, R., Daccog, K., Jacob, P., Mataya, C., Penaso, F., Rojo, M.

Kumusta? Nag-aalangan ka ba sa kalalabasan ng grado mo? Kinakabahan ka ba? Anuman ang iyong nararamdaman, karamay mo ako...
10/10/2025

Kumusta? Nag-aalangan ka ba sa kalalabasan ng grado mo? Kinakabahan ka ba? Anuman ang iyong nararamdaman, karamay mo ako, nandito lang, sumusuporta at naghihintay sa iyo. Sa susunod na markahan, babawi tayo!🫂💙

Pagkilala:
🖼️: Viado, L.

Address

CM RECTO SAINT JOSEPH VILLAGE
Baguio City
2600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SLU Tanglaw Hilaga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share