Third Wind Stories

Third Wind Stories Cycling, running, and outdoor stories that go beyond speed.

Third Wind Stories is about finding strength, purpose, and peace in motion—when the second wind runs out, we keep going. 🌊🏃‍♂️🚴‍♂️☀️

Kahapon sa Resilience Workshop sa BGH Compound, hindi lang puro lecture ang nakuha namin—parang paalala rin siya na mins...
17/05/2026

Kahapon sa Resilience Workshop sa BGH Compound, hindi lang puro lecture ang nakuha namin—parang paalala rin siya na minsan kahit pagod, tuloy lang sa buhay.

Salamat kay Ma’am Beth sa very engaging na facilitation, at kay Sir Myles ng Bike Scouts na tuloy-tuloy sa paggawa ng ganitong klaseng meaningful events para sa community. Ang ganda lang makita na may mga taong consistent sa pagbigay ng oras para makatulong at makapag-inspire sa iba.

Salamat din sa Baguio team—solid yung samahan, kwentuhan, at good vibes buong workshop. Minsan, hindi mo namamalayan na may matututunan ka pala habang nage-enjoy lang kasama ang mabubuting tao. 💙

15/05/2026

“Paano kung may biglang mangailangan ng tulong sa ride? 🚴‍♂️❤️
Hindi sapat ang lakas ng padyak—mahalaga rin marunong rumesponde.

Join us this Sunday, May 17 | 8AM–11AM
📍BGH Compound Covered Court

FREE BLS Workshop by Bike Scouts 🚑
Basic Life Support — simpleng kaalaman na pwedeng makasagip ng buhay.

REGISTER HERE: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdBvClro7Nrpzys_vrZCvpJRl0Rr0r-hIZqjZGJo56SsHe3Cw/viewform

VENUE LOCATION:
https://www.google.com/maps/dir/16.4021088,120.5961273/16.398666,120.597683/@16.40039,120.596202,541m/data=!3m2!1e3!4b1!4m2!4m1!3e9?entry=ttu&g_ep=EgoyMDI2MDUxMy4wIKXMDSoASAFQAw%3D%3D

Kita-kits, mga ka-padyak! ”

🚲 NEW VIDEO NA!Mula Baguio hanggang Bacnotan hanngang Luna then Balaoan, tinahak namin ang mga highways, backroads, farm...
07/05/2026

🚲 NEW VIDEO NA!

Mula Baguio hanggang Bacnotan hanngang Luna then Balaoan, tinahak namin ang mga highways, backroads, farm trails, forest paths, at isang lihim na shortcut papuntang Occalong Falls 🌿💧

Hindi lang ito tungkol sa pagdating sa falls—kundi sa buong byahe mismo: yung mga ahon, putik, tahimik na kalsada, at mga sandaling mapapahinto ka na lang kasi sobrang ganda ng paligid.

Folding bikes, pero full experience ang adventure.

📍 Occalong Falls Adventure | La Union Backroads Ride
Panoorin dito: https://youtu.be/k1rfL5QImSk

Kung trip mo ang cycling, nature, at totoong raw adventures—para sa’yo ‘to.

Salamat sa suporta! 🙌

La Union cycling adventure with a decision to skip the main road and take a backroute to Occalong Falls.From quiet barangay roads, farmland trails, forested ...

Meron namang gantong signage — bawal ang bikes at motorcycles sa Session Road. Hindi siya bagong rule, actually. Matagal...
02/05/2026

Meron namang gantong signage — bawal ang bikes at motorcycles sa Session Road. Hindi siya bagong rule, actually. Matagal na itong naka-base sa mga lumang ordinansa ng Baguio, way back pa. Parang naging part na siya ng sistema over time, kahit hindi naman lagi napapansin o napag-uusapan.

Pero interesting din kasi hanggang ngayon, hati pa rin ang opinion ng mga tao tungkol dito. May mga nagsasabi na okay lang yung restriction — para sa traffic flow, safety, at control sa dami ng sasakyan sa Session. Gets din naman, especially sa ganung klaseng kalsada.

At the same time, may mga nagtatanong din—bakit kasama ang bikes? Sa panahon ngayon na mas pinupush ang sustainable at people-friendly transport, parang ang dating sa iba, outdated na yung ganitong rule. Lalo na kung ini-encourage naman ang cycling sa ibang lugar.

Seeing this sign, napapaisip lang ako kung rule lang ba siya na sinusunod… or isa siya sa mga bagay na pwede na ring i-revisit.

Kayo, anong tingin niyo? Okay lang ba na ganito pa rin hanggang ngayon, or panahon na para baguhin?

“Tito, pa fix ng bike ko.”Test riding this bike after a quick fix - chain is not dropping, brakes all set.Mukha ng succe...
28/04/2026

“Tito, pa fix ng bike ko.”
Test riding this bike after a quick fix - chain is not dropping, brakes all set.
Mukha ng success.
Thanks .bdua 📸

Ride a Bike, Save the Earth! I am encouraging you to share and spread awareness about taking care of our own planet, our...
23/04/2026

Ride a Bike, Save the Earth! I am encouraging you to share and spread awareness about taking care of our own planet, our home, Earth 🌎. Climate change is the defining crisis of our time and it is happening even more quickly than we feared, “the climate emergency is a race we are losing, but it is a race we can win”.
Let us say out loud to world leaders, We should start saving Mother Earth!



Photo 📸 credits: Zepoh Creation miss yah bro

Sa mga nakakaalam nitong lugar na ’to, alam nyo na.Lower Brookside — pababa na kurbada pa kanan. Yung tipong naka-bwelo ...
16/04/2026

Sa mga nakakaalam nitong lugar na ’to, alam nyo na.

Lower Brookside — pababa na kurbada pa kanan. Yung tipong naka-bwelo ka na, tuloy-tuloy na sana… tapos biglang may sasalubong sayo na drainage sa gilid.

Hindi siya yung simpleng kanal lang. Lampas sa mismong linya na supposedly para sa outer lane. Pag tinamaan mo ‘yan habang naka-bwelo, delikado. Isang maling tama lang, pwede ka na sumemplang.

At bilang siklista,
Anong gagawin mo?

Kung didiretso ka sa gilid — risk mo yung drainage.
Kung iiwas ka — mapipilitan kang kumain ng konting lane pakaliwa.
Eh kung may sasakyan sa likod mo?

Yan yung mga sitwasyon na hindi nakikita ng iba sa daan.
Kaya minsan mapapansin nyo, may cyclist na hindi dumidikit sa pinaka gilid. Hindi dahil pasaway — kundi dahil nagbabasa siya ng kalsada.

Hindi lahat ng “bike lane” o outer lane ay safe. Minsan, hazard pa nga.

Kaya sana next time na may makita kayong cyclist na medyo nakausog sa lane, baka may iniiwasan lang din siya — lubak, kanal, o tulad nito.

At sana bigyang pansin ng City Engineering Office- Baguio yung ganitong mga spot. Maliit tingnan, pero malaking risk lalo na sa mga naka dalawang gulong.

Hindi naman kailangan maging cyclist para maintindihan — kailangan lang makita kung ano yung nakikita namin sa daan.

Ingat sa lahat. 🚲

15/04/2026

Napapanahon na ba talaga para bigyan ng priority ang cycling sa Baguio City?

Hindi ito rant. Reflection lang habang nakikita natin ang kalsadang unti-unting nagbabago—yung bike lanes na may simula pero walang tuloy, ordinances na umabot lang sa second reading, at markings na nawala bago pa man naging sistema.

Sa lungsod na laging paakyat, traffic, at siksikan—baka hindi tanong kung “kaya ba ng bike ang Baguio,” kundi kung binigyan ba natin siya ng chance maging safe at normal na option.

Hindi laban ng sasakyan at bisikleta.
Kundi usapan ng choice, safety, at future ng mobility natin.

Para kanino ba talaga ang kalsada?

Address

Baguio City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Third Wind Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Third Wind Stories:

Share