17/08/2026
Una sa lahat, maraming-maraming salamat sa tatlong taong naging inspirasyon, gabay, at parte ng photography journey ko. Hindi lang kayo nagturo sa akin kung paano kumuha ng magandang larawan may mga aral kayong iniwan na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin.
Ate Brojan Bolalin maraming salamat, Ate Gwy, sa guidance at sa pagtuturo sa akin kung paano kumuha ng magandang shot. Ikaw ang isa sa mga unang taong nag guide sa akin sa pagpo-post at pagkuha ng larawan ng isang subject.
Aminado ako, masakit minsan kapag sinasabihan mo akong “pangit ang kuha mo” noong nagsisimula pa lang ako. 😅 Pero habang tumatagal, na-realize ko na may dahilan pala ang bawat criticism mo. Dahil doon, natuto akong mag-improve, maging mas mapanuri sa bawat kuha, at tanggapin na hindi lahat ng unang gawa natin ay magiging maganda pero bawat pagkakamali ay opportunity para gumaling.
Sa isa ko namang idol sa photography, Ate Fraginal, maraming salamat dahil noong debut ko, naglaan ka ng oras para ma-photoshoot ako sa Plaza Iriga. Doon ko mas nakita kung gaano kaganda ang mundo ng photography, at doon ko rin naisip na gusto ko rin maging photographer balang araw.
Isa sa mga pinaka-na-adopt ko sa’yo, Ate, ay ang pagkuha ng magandang angle sa isang subject. Doon ko natutunan na minsan, hindi naman pangit ang subject kailangan lang nating hanapin ang tamang anggulo para makita ang ganda nito. 📸
Super thankful ako dahil nakapag-photoshoot tayo noon, at nakakatuwang alalahanin na kinabukasan, tumama pa sa atin ang Bagyong Christine. 😅 Kahit ganoon, naging memorable pa rin ang experience na iyon at isa iyon sa mga moments na hindi ko makakalimutan sa journey ko.
At syempre, last but definitely not the least, maraming salamat, Kuya Paulo Balang! ❤️
Salamat sa biglaang semi-seminar tungkol sa photography. Kahit parang biglaan lang, naging malaking bagay sa akin ang pagkakataong iyon. Noong nag-video demo kayo, ako mismo ang naging student mo, at doon ako nakakuha ng maraming bagong kaalaman tungkol sa photography.
Marami akong natutunan mula sa paraan ng pag-demo mo, sa pag-explain ng proseso, at sa mga bagay na dapat kong mas pagtuunan ng pansin bilang isang aspiring photographer. Simple man ang moment na iyon, malaking dagdag iyon sa confidence at knowledge ko.
Doon ko lalo na-realize na ang photography ay hindi lang basta pagpindot ng shutter. Kailangan mong matutong tumingin, umunawa ng light, humanap ng magandang angle, mag-observe, mag-practice, at higit sa lahat, maging open sa pagtanggap ng mga bagong kaalaman.
Lesson Learned 📸
Sa journey ko, natutunan ko na hindi natin kailangang maging magaling agad. Minsan, kailangan muna nating dumaan sa pangit na shots, maling angles, criticism, at mga pagkakamali bago natin makita kung gaano na tayo kalayo sa dati nating sarili.
Criticism can hurt, but it can also build you.
Mistakes can disappoint you, but they can also teach you.
And guidance from others can become the foundation of your growth.
Kaya sa lahat ng taong nagbigay sa akin ng advice, criticism, guidance, time, at knowledge maraming-maraming salamat. Hindi man ninyo alam, bawat maliit na lesson na itinuro ninyo ay unti-unting bumubuo sa photographer na gusto kong maging.
Hindi ko makakalimutan ang mga taong tumulong sa akin noong nagsisimula pa lang ako. ❤️
From being someone who simply takes pictures, I’m slowly becoming someone who understands the story behind every shot.
Maraming salamat, Ate Gwy, Ate Rochell, at Kuya Paulo. 🫶🏻📸
Dadalhin ko ang lahat ng lessons na natutunan ko habang nagpapatuloy ako sa journey na ito.
Hindi pa ako magaling. Hindi pa ako perfect. Pero patuloy akong matututo, patuloy na magpa-practice, at patuloy na pipitik.
One shot at a time. One lesson at a time. One story at a time. 📸❤️
God bless po sa inyong tatlo! 🫶🏻