05/08/2026
Parada tayo team Lugaw!
Sa kabila ng masamang panahon patuloy pa rin nagdiwang ang mga Atimonanin noong ika-2 ng Agosto. Ginanap ang paradang bayan bilang parte ng pagdiriwang para sa Tagultol Fishing Festival 2026 sa bayan ng Atimonan, Quezon.
Nagsama-sama ang bawat Atimonanin upang magpakitang gilas, magbigay kulay at magpasigla. Hindi naging hadlang ang masamang panahon upang ituloy ang pagdiriwang ng mga Atimonanin.
“No one can stop the happiness of an Atimonanin.”