27/09/2026
Gawa muna tayo pera para may pambayad kurinti at pambili ng pagkain ng mga posa!!
Ito yung ilan sa mga bagay (sa tingin ko) na hindi nauunawaan ng mga taong nagsasabi o nag-iisip na: "PINDOT PINDOT LANG NAMAN YAN!"
1. Hindi libre ang gamit.
Camera, lenses, batteries, memory cards, bags, lights, microphones, tripods at kung anu-ano pang accessories. Hindi yan kasama sa libreng trial version ng buhay.
2. Hindi libre ang kuryente.
Yung computer na pang-edit, monitor, chargers, aircon habang nag-e-edit... lahat yan may ambag sa kuryente.
3 Hindi libre ang storage.
Memory cards, SSDs, hard drives at cloud storage. Lalo na kapag ilang daang GB ang nauuwi sa isang shoot.
4. Hindi "kuha lang" ang trabaho.
May preparation bago ang event. Check ng gear, batteries, memory cards, settings, location, schedule at kung anu-ano pa.
5. Hindi natatapos sa pag-click ng shutter.
Pagkatapos ng shoot, may culling, backup, sorting, editing, color grading, exporting at uploading.
6. May oras na kinakain.
Yung 2-hour event na nakikita nila, hindi ibig sabihin 2 hours lang ang ginugol mo sa trabaho.
7. May maintenance at depreciation.
Camera at lenses hindi immortal. May cleaning, repairs, replacement, accessories at eventually, upgrades.
8. Kailangan mong matutong gamitin ang gamit mo.
Hindi porke may mahal kang camera, automatic maganda na ang kuha. Kailangan pa rin ng experience, lighting, composition, exposure, audio, editing at problem-solving.
9. May gastos sa pagpunta sa trabaho.
Gasolina, toll, parking, Grab, pagkain at kung minsan accommodation. Hindi tayo nagte-teleport papunta sa event.
10. At higit sa lahat, oras at effort ang binebenta mo.
Hindi lang yung pagpindot ng shutter ang trabaho.
Binabayaran mo yung oras, experience, gamit, preparation, creativity at kakayahang mag-produce ng output na kailangan ng client.
Kaya oo... PINDOT PINDOT LANG. π
Pero bago ka makapindot, may gastos. Pagkatapos mong pumindot, may trabaho. At bago ka makauwi, may bills ka pang kailangang bayaran.