02/11/2023
3 | VIRAL NGAYUN BUNTIS NA DRIVER PINAGMUMURA NG ISANG LALAKE 🤬🤬🤬
Ayon sa Buntis na Driver ay pinarada niya ang kotse sa harap ng isa pang sasakyan dahil kinakailangan niya na pumunta sa CR at walang available na parking lot kaya nag iwan na lang siya ng note sa kotse niya na may contact # nya at nakalagay sa note ang reason kung bakit pumarada ito(dahil para umihi). Pero pagbalik niya, kinompronta siya ng galit na pamilya at pinagmumura siya.
Dagdag pa ng buntis, may mga damage ang sasakyan niya mula sa pamilya at naghain na siya ng reklamo sa Airport Police Department Terminal 3 section. Iimbestigahan din ng Manila International Airport Authority ang mga security guard sa area.
Ayon sa uploader:
"Nangyari po ito kanina lang sa NAIA 3 parking lot. 4 months pregnant po ako at dahil po ihing ihi na po ako at walang available na parking space, nagdecide po ako na magpark sa harap ng ibang sasakyan pero nagiwan po ako ng note na nakalagay na magccr lng po ako at iniwan ko din po ung cp number in case na may lalabas po na sasakyan ay macontact nila ako. Nakareceived po ako ng tawag sa isang babae at nagmamadali po ako na bumalik sa sasakyan kasama ang 11yrs old kong anak pero palapit pa lang po kmi ay pinagmumura na po nila ako. Galit na galit po sila dahil nakaharang ung sasakyan ko at pinagsisipa pa nila. Humihingi po ako ng pasensya sa kanila pero tuloy pa din po ung pagmumura nila sakin. Sinabi ko din na buntis po ako at need ko lang po tlaga magcr pero pinagmumura pa din nila ako at sinabihan ako na wala daw silang pakialam kung buntis ako. Pilit pa po nila binubuksan ung pinto ng sasakyan ko at sinisira ung side mirror habang lumilipat na ako ng pwesto. Makikita nyo din po jan na nagdirty finger pa po sakin ung isa nilang kasama. Sobrang takot ko po para sa safety ko at ng anak ko kaya hindi ko po nakuha ung plate no. ng sasakyan nila. Nagreport po ako sa airport police pero wala daw pong cctv sa parking area. Sana po ay matulungan nyo ko na ma-identify ang mga taong ito at mapanagot po sila sa maling ginawa nila sa akin at sa anak ko.