Zel Verano

Zel Verano Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Zel Verano, Sipalay.

( PAHAYAG 11 : 16 ) At ang dalawampu't apat ( 24 ) na matatandang pinuno na nakaupo sa kani-kanilang trono sa harapan ng...
26/02/2026

( PAHAYAG 11 : 16 ) At ang dalawampu't apat ( 24 ) na matatandang pinuno na nakaupo sa kani-kanilang trono sa harapan ng Diyos ay nagpatirapa at sumamba sa kanya.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

1️⃣ Sa pag-iisip sa aking pananampalataya sa Diyos noong araw, nadarama ko sa puso ko ang malaking utang na loob. Dahil hindi ko hinanap ang katotohanan, napakarami kong pinagsisihan. Itinaas ako ng Diyos para gawin ang aking tungkulin, ngunit hindi ko alam maging maalalahanin sa Kanyang kalooban. Gumawa at nangaral ako para lamang makipagpaligsahan sa iba. Nagustuhan ko na tinitingala at iniidolo ako ng iba. Pinaglingkuran ko ang Diyos sa pangalan, pero ang totoo’y itinataguyod ko ang aking sarili. Inalerto at binalaan ako ng mga salita ng Diyos, pero hindi ko pinansin. Hindi patitinag, nagmadali ako para lamang sa mga gantimpala, para sa korona. Ang aking pagsisikap para sa pangalan at katayuan ay kasuklam-suklam sa Diyos.

2️⃣ Itinago ng Diyos ang Kanyang mukha at nahulog ako sa kadiliman na walang mapuntahan. Gaya ng isang naglalakad na bangkay, parang mga taon ang mga araw na nagdaan sa buhay ko. Sa gitna ng mga pagsubok, tinanggap ko ang paghatol ng Diyos at nagnilay sa aking sarili, noon ko lamang napagtanto na napakamapagmataas ko at naiwala ko na ang lahat ng katwiran. Wala ako ng katotohanan at ipinagyabang ko ang aking sarili—sobrang nakakahiya! Dapat sumpain ng Diyos ang aking kalikasan, gaya ng sa arkanghel. Nanginginig sa takot, nagpatirapa ako sa harap ng Diyos sa lubhang pagsisisi. Napakarebelde at palaban sa Diyos, paano ako magiging marapat na tawaging tao? Nais kong tanggapin ang paghatol ng Diyos at makamit ang pagbabago sa aking disposisyon.

3️⃣ Sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, nalaman ko na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid. Sa puso ko, iginagalang at sinusunod ko ang Diyos, at medyo isinasabuhay ko ang wangis ng tao. Ngayon ko lang nalaman na kung walang pagbabago sa disposisyon, hindi ako karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Nagpapasalamat ako sa napapanahong paghatol ng Diyos na naghatid sa akin sa ilalim ng Kanyang pangangalaga. Ngayo’y natikman ko na ang pag-ibig ng Diyos, na tunay na tunay at totoong-totoo. Diyos ko, hindi na ako muling maghihimagsik laban sa Iyo o palulungkutin Ka. Ang tanging nais ko ay pahalagahan ang mga huling oras na ito at maging isang bagong tao, hindi para igalang ako ng iba, kundi para mapalugod lamang ang Iyong kalooban, para mamuhay ayon sa Iyong mga salita at dakilain Ka at patotohanan Ka sa lahat ng bagay.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

゚ .

( PAHAYAG 10 : 5 - 6 ) At itinaas ng anghel na nakita kong nakatuntong sa dagat at sa lupa ang kanyang kanang kamay at n...
16/02/2026

( PAHAYAG 10 : 5 - 6 ) At itinaas ng anghel na nakita kong nakatuntong sa dagat at sa lupa ang kanyang kanang kamay at nanumpa sa pangalan ng Diyos na nabubuhay magpakailanman na siyang lumikha ng langit, lupa, dagat, at ng lahat ng naroroon. Sinabi ng anghel, “Hindi na magtatagal!

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

"Dakila ang mga gawa ng Makapangyarihang Diyos! Kamangha-mangha! Kahanga-hanga! Tumunog ang pitong trumpeta, humayo ang pitong kulog, at ibinuhos ang pitong mangkok—ang mga ito’y agad na lantarang mabubunyag, at hindi magkakaroon ng pagdududa. Araw-araw ay dumarating sa atin ang pag-ibig ng Diyos. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makapagliligtas sa atin; kung makatatagpo tayo ng kasawian o ng pagpapala ay lubusang nakasalalay sa Kanya, at tayong mga tao ay walang paraan upang pagpasyahan ito. Yaong mga buong-pusong nag-aalay ng kanilang mga sarili ay tiyak na tatanggap ng saganang mga pagpapala, habang yaong mga naghahangad na pangalagaan ang kanilang mga buhay ay mawawalan lang ng kanilang buhay; ang lahat ng bagay at lahat ng usapin ay nasa mga kamay ng Makapangyarihang Diyos. Huwag na ninyong ihinto ang inyong mga hakbang. Dumarating ang malaking pagbabago sa langit at lupa, kung saan walang paraan ang tao para magtago. Wala siyang ibang pagpipilian kundi tumangis sa mapait na sakit. Sumunod ka sa gawain na ginagawa ng Banal na Espiritu ngayon. Dapat maging malinaw sa loob mo ang tungkol sa hakbang kung saan umunlad ang Kanyang gawain, nang hindi na kinakailangang paalalahanan ng iba. Bumalik ka ngayon sa presensya ng Makapangyarihang Diyos nang madalas hangga’t kaya mo. Hingin mo sa Kanya ang lahat. Tiyak na bibigyan ka Niya ng kaliwanagan sa loob mo at, sa mahahalagang sandali, pangangalagaan ka Niya. Huwag kang matakot! Pagmamay-ari na Niya ang iyong buong pagkatao. Sa Kanyang proteksyon at Kanyang pangangalaga, ano ang dapat mong katakutan? Malapit na ngayon ang katuparan ng kalooban ng Diyos, at sinumang matatakutin ay malamang na mabibigo lang. Ang sinasabi Ko sa iyo ay ang katotohanan. Idilat mo ang espirituwal mong mga mata: Maaring magbago ang langit sa isang iglap, ngunit ano ang dapat mong ikatakot? Sa pinakabahagyang galaw ng Kanyang kamay, kaagad mawawasak ang langit at lupa. Kaya’t anong mapapala ng tao sa pag-aalala? Hindi ba’t nasa kamay ng Diyos ang lahat? Kapag inutusan Niya na magbago ang langit at lupa, magbabago ang mga ito. Kapag sinabi Niya na gagawin tayong ganap, magagawa tayong ganap. Hindi kailangan ng taong mag-alala, kundi dapat mahinahong magpatuloy. Gayunpaman, hangga’t kaya mo, dapat kang makinig at maging mapagbantay. Maaaring magbago ang langit sa isang iglap! Gaano man kadilat ang mga mata ng tao, wala siyang gaanong makikita. Maging mapagmatiyag ka na ngayon. Naganap na ang kalooban ng Diyos, natapos na ang Kanyang proyekto, nagtagumpay na ang Kanyang plano, at nakarating na lahat ng Kanyang mga anak na lalaki sa Kanyang trono. Sama-sama silang hahatol sa lahat ng bansa at lahat ng lahi kasama ng Makapangyarihang Diyos. Yaong mga nang-uusig sa iglesiya at namiminsala sa mga anak na lalaki ng Diyos ay makatatagpo ng matinding kaparusahan: Tiyak iyan! Yaong mga taos-pusong nagkakaloob ng kanilang mga sarili sa Diyos, na nananangan sa lahat, tiyak na mamahalin silang lahat ng Diyos hanggang sa buong walang-hanggan, nang hindi kailanman nagbabago!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Volume I

,

,

,

,

,

,

゚ .

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos   1️⃣ Sa pag-iisip sa aking pananampalataya sa Diyos noong araw, nadarama ko sa puso ko a...
20/01/2026

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

1️⃣ Sa pag-iisip sa aking pananampalataya sa Diyos noong araw, nadarama ko sa puso ko ang malaking utang na loob. Dahil hindi ko hinanap ang katotohanan, napakarami kong pinagsisihan. Itinaas ako ng Diyos para gawin ang aking tungkulin, ngunit hindi ko alam maging maalalahanin sa Kanyang kalooban. Gumawa at nangaral ako para lamang makipagpaligsahan sa iba. Nagustuhan ko na tinitingala at iniidolo ako ng iba. Pinaglingkuran ko ang Diyos sa pangalan, pero ang totoo’y itinataguyod ko ang aking sarili. Inalerto at binalaan ako ng mga salita ng Diyos, pero hindi ko pinansin. Hindi patitinag, nagmadali ako para lamang sa mga gantimpala, para sa korona. Ang aking pagsisikap para sa pangalan at katayuan ay kasuklam-suklam sa Diyos.

2️⃣ Itinago ng Diyos ang Kanyang mukha at nahulog ako sa kadiliman na walang mapuntahan. Gaya ng isang naglalakad na bangkay, parang mga taon ang mga araw na nagdaan sa buhay ko. Sa gitna ng mga pagsubok, tinanggap ko ang paghatol ng Diyos at nagnilay sa aking sarili, noon ko lamang napagtanto na napakamapagmataas ko at naiwala ko na ang lahat ng katwiran. Wala ako ng katotohanan at ipinagyabang ko ang aking sarili—sobrang nakakahiya! Dapat sumpain ng Diyos ang aking kalikasan, gaya ng sa arkanghel. Nanginginig sa takot, nagpatirapa ako sa harap ng Diyos sa lubhang pagsisisi. Napakarebelde at palaban sa Diyos, paano ako magiging marapat na tawaging tao? Nais kong tanggapin ang paghatol ng Diyos at makamit ang pagbabago sa aking disposisyon.

3️⃣ Sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, nalaman ko na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid. Sa puso ko, iginagalang at sinusunod ko ang Diyos, at medyo isinasabuhay ko ang wangis ng tao. Ngayon ko lang nalaman na kung walang pagbabago sa disposisyon, hindi ako karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Nagpapasalamat ako sa napapanahong paghatol ng Diyos na naghatid sa akin sa ilalim ng Kanyang pangangalaga. Ngayo’y natikman ko na ang pag-ibig ng Diyos, na tunay na tunay at totoong-totoo. Diyos ko, hindi na ako muling maghihimagsik laban sa Iyo o palulungkutin Ka. Ang tanging nais ko ay pahalagahan ang mga huling oras na ito at maging isang bagong tao, hindi para igalang ako ng iba, kundi para mapalugod lamang ang Iyong kalooban, para mamuhay ayon sa Iyong mga salita at dakilain Ka at patotohanan Ka sa lahat ng bagay.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

゚ .

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos   1️⃣ Sa buong panahong iyon ng pananampalataya sa Panginoon, nakatuon lamang ako sa pagp...
19/01/2026

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

1️⃣ Sa buong panahong iyon ng pananampalataya sa Panginoon, nakatuon lamang ako sa pagpapaliwanag ng mga teoriya ng Biblia; hindi ako nagpasakop kailanman sa Kanyang mga salita at mga utos. Nagpagal ako, ngunit ginawa ko lamang iyon para makapagkamit ng katayuan at mga gantimpala. Sa kabila ng pamumuhay sa kasalanan, umasa pa rin ako sa pagdadala sa akin sa kaharian ng langit sa pagdating ng Panginoon. Matapos maranasan ang paghatol ng mga salita ng Diyos, nagising ako mula sa aking mga panaginip; ngayon, nakikita ko na ako ay pangit, kasuklam-suklam, at napakatiwali. Nagsalita ako ng maayos na doktrina at ipinangalandakan ang sarili saanman ako magpunta. Pinalamutian ko ang aking sarili sa doktrina upang linlangin ang iba, maging ang sarili ko. Hindi ko isinasabuhay ang realidad ng mga salita ng Diyos; wala akong wangis ng tao. Bagama’t lumalakad ako sa landas ng mga Fariseo, ipinapalagay ko pa rin ang sarili ko na matapat. Napakapalad ko na ang paghatol ng mga salita ng Diyos ay niyugyog ako hanggang magising! Nakikita ko na ngayon ang lalim ng aking katiwalian, at na kailangan ko ang paghatol at pagpapadalisay ng Diyos.

2️⃣ Ang paghatol ng Diyos ay hinahayaan ako na makita nang malinaw ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan. Punong-puno ang tao ng mga kuro-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos, at malamang na ipagkakanulo Siya anumang oras. Kung walang mga pagsubok upang ibunyag ang kalikasan ng isang tao, walang sinuman ang malinaw na makakakita nito. Ang sangkatauhan ay napakalalim na nagawang tiwali, at hindi madadalisay ang mga tao nang hindi sumasailalim ng paghatol. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay ipinahahayag nang buo sa loob ng Kanyang paghatol, at Siya ang nagpapasya sa kahihinatnan ng mga tao batay sa kung taglay nila ang katotohanan o hindi. Gaano man sila nagdurusa, wala itong kabuluhan maliban kung nakamit na nila ang katotohanan. Sa pagdanas lamang ng paghatol at pagkamit ng katotohanan maaaring papurihan ng Diyos ang mga tao. Ang paggamit ng Diyos ng paghatol at pagkastigo upang dalhin sa tao ang kaligtasan ay napakamakabuluhan. Anong karangalan ito na malaman ang pagiging matuwid at kabanalan ng Diyos! Ang paghatol Niya ang nagliligtas sa akin at pumupukaw sa aking puso. Nagpasya ako na hanapin ang katotohanan at isabuhay ang realidad upang luwalhatiin at patotohanan ang Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos “Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpa...
15/01/2026

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Yaong mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno yaong mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila mapagmamasdan ang Diyos? Kung sinusubukan mo lamang na hawakan ang nakaraan, sinusubukan lamang na panatilihin ang mga bagay sa kung ano sila sa pamamagitan ng hindi paggalaw, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan na at itapon ang kasaysayan, kung gayon hindi ka ba magiging palaging laban sa Diyos? Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit nakaupo kang walang imik na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Cordero? Paano mo mabibigyang-katwiran na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mong mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka nila maaakay para mahanap mo ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay ang mga titik na magbibigay lamang ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay. Napagyayaman lamang ng mga banal na kasulatang binabasa mo ang dila mo at hindi ng mga salita ng pilosopiyang makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi sa mga landas na makapaghahatid sa iyo sa pagkaperpekto. Hindi ba nagdudulot sa iyo ng pagmumuni-muni ang pagkakaibang ito? Hindi ba pinagtatanto ka nito sa mga hiwagang sumasaloob? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung walang pagdating ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasiyahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, kung gayon, na ihinto mo ang pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan para makita kung sino ngayon ang nagpapatupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi kailanman makakamit ang buhay”

( “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ).

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos “Patuloy ang Diyos sa Kanyang mga pagbigkas, na gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan at pa...
14/01/2026

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Patuloy ang Diyos sa Kanyang mga pagbigkas, na gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan at pananaw upang pagsabihan tayo kung ano ang dapat nating gawin habang, kasabay nito, isinasatinig ang nilalaman ng Kanyang puso. Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan ng buhay, na ipinapakita sa atin ang daan na dapat nating tahakin, at binibigyang-kakayahan tayo na maunawaan kung ano ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, nagsisimula tayong magtuon sa tono at paraan ng Kanyang pagsasalita, at hindi sinasadyang nagsisimula tayong magkainteres sa kaloob-loobang damdamin ng ordinaryong taong ito. … Walang sinuman maliban sa Kanya ang nakakaalam sa lahat ng ating iniisip, o may napakalinaw at ganap na pagkaintindi sa ating likas na pagkatao at diwa, o makakahatol sa pagkasuwail at katiwalian ng sangkatauhan, o nakapagsasalita sa atin at nakagagawa sa atin na kagaya nito sa ngalan ng Diyos sa langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang pinagkakalooban ng awtoridad, karunungan, at dangal ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos ay lumalabas, nang buung-buo, sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makapagpapakita sa atin ng daan at makapaghahatid sa atin ng liwanag. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makapaghahayag ng mga hiwagang hindi pa naipaalam ng Diyos mula noong paglikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makapagliligtas sa atin mula sa pagkaalipin kay Satanas at sa ating sariling tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos. Ipinapahayag Niya ang nasa kaibuturan ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Nagsimula na Siya ng isang bagong kapanahunan, isang bagong panahon, at nagpasimula ng isang bagong langit at lupa at bagong gawain, at naghatid Siya sa atin ng pag-asa, na nagwawakas sa ating naging pamumuhay sa kalabuan at hinahayaang lubos na mamasdan ng ating buong pagkatao, nang buong kalinawan, ang landas tungo sa kaligtasan. Nalupig na Niya ang ating buong pagkatao at naangkin ang ating puso. Mula noong sandaling iyon, nagkamalay na ang ating isipan, at tila muling nabuhay ang ating espiritu: Ang ordinaryo at hamak na taong ito, na namumuhay sa ating paligid at matagal na nating tinanggihan—hindi ba Siya ang Panginoong Jesus, na lagi nang nasa ating isipan, sa paggising man o sa panaginip, at ating kinasasabikan gabi’t araw? Siya nga! Siya talaga! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay!”

( “Pagmamasid sa Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ).

゚ .

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos “Binubuo ni Satanas ang reputasyon nito sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga tao, at mad...
14/01/2026

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Binubuo ni Satanas ang reputasyon nito sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga tao, at madalas nitong ipinakikita ang sarili nito bilang isang tagapanguna at huwaran ng pagkamakatuwiran. Sa ilalim ng pagpapanggap na ito ay nagbabantay sa pagkamakatuwiran, pinipinsala nito ang mga tao, nilalamon ang kanilang mga kaluluwa, at ginagamit ang lahat ng uri ng paraan upang pamanhirin, linlangin, at buyuin ang tao. Ang layunin nito ay pasang-ayunin ang tao at pasunurin sa masamang pag-uugali nito, upang sumama rito ang tao sa paglaban sa awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Gayunman, kapag naging malinaw na ang isang tao hinggil sa mga pagbabalak, pakana at kasuklam-suklam na mga palabas nito at ayaw nang magpatuloy na tapak-tapakan at lokohin nito o patuloy na alipinin nito, o maparusahan at mawasak na kasama nito, binabago ni Satanas ang dating malasantong anyo nito at pinupunit ang huwad na maskara nito upang ibunyag ang tunay nitong mukha, na masama, malisyoso, pangit at mabagsik. Wala itong ibang nais kundi lipulin yaong lahat ng tumatangging sundin ito at yaong mga lumalaban sa masasama nitong mga puwersa. Sa puntong ito, hindi na makakapagpakita si Satanas ng isang mapagkakatiwalaan at maginoong anyo; sa halip, mabubunyag ang tunay na pangit at maladiyablong anyo nito sa likod ng pag-aanyong tupa.”

( Lucas 5 : 32 ) Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi.( Lucas 15 : 7...
13/01/2026

( Lucas 5 : 32 ) Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi.

( Lucas 15 : 7 ) Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kay sa siyam na pu't siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi.

( Mateo 4 : 17 ) Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.

( Mga Gawa 3 : 19 ) Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon.

( Pahayag 2 : 16 ) Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.

( Juan 8 : 34 - 35 ) Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man.

( Mateo 18 : 3 ) Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, at hindi pa nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, ang dating ikaw, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—napakasuwerte mo naman! Nalagpasan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangan ay ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalagpasan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos.”

12/01/2026

Al Maha Island

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos “Mayroon ka lamang matatamo mula sa iyong pananampalataya sa Diyos kung ituturing mo iton...
12/01/2026

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Mayroon ka lamang matatamo mula sa iyong pananampalataya sa Diyos kung ituturing mo itong pinakadakilang bagay sa iyong buhay, mas mahalaga pa kaysa pagkain, damit, o anupaman! Kung naniniwala ka lamang kapag may panahon ka, at hindi mo kayang ilaan ang buong pansin mo sa iyong pananampalataya, at kung palagi kang nakalublob sa kalituhan, wala kang mapapala.” “Mayroong ilang tao na ang paniniwala ay hindi kailanman kinikilala sa puso ng Diyos. Sa madaling salita, hindi kinikilala ng Diyos na mga alagad Niya sila, dahil hindi Niya pinupuri ang kanilang paniniwala. Para sa mga taong ito, ilang taon man nila nasunod ang Diyos, hindi kailanman nagbago ang kanilang mga ideya at pananaw; para silang mga hindi mananampalataya, sumusunod sa mga prinsipyo at paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay ng mga hindi mananampalataya at sa mga batas para patuloy na mabuhay at pananampalataya. Hindi nila kailanman tinanggap ang salita ng Diyos bilang kanilang buhay, hindi kailanman naniwala na ang salita ng Diyos ay katotohanan, hindi kailanman nilayon na tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, at hindi kailanman kinilala ang Diyos bilang kanilang Diyos. Ang tingin nila sa paniniwala sa Diyos ay libangan ng baguhan, na tinatrato Siya bilang isang espirituwal na pagkain lamang; sa gayon, hindi nila iniisip na mahalagang subukan at unawain ang disposisyon o diwa ng Diyos. … Ano ang tingin ng Diyos sa gayong mga tao? Ang tingin Niya sa kanila ay mga hindi mananampalataya.”

゚ .

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos  “Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihi...
10/01/2026

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga kayang tumanggap ng katotohanan, nguni’t para sa mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang”

( “Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa” ).

Address

Sipalay
6113

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Zel Verano posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Zel Verano:

Share