Bisita ni San Jose - Ilog Bakod San Miguel, Bulacan

Bisita ni San Jose - Ilog Bakod San Miguel, Bulacan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bisita ni San Jose - Ilog Bakod San Miguel, Bulacan, Camera/Photo, San Miguel.

08/04/2025

: Ang Pagdiriwang ng Viernes Dolores sa Tahanan ng Lunas 2025

Ang Biyernes ng Pitong Hapis o mas kilala bilang "Viernes Dolores" ay ang huling Biyernes sa panahon ng Kwaresma bago sumapit ang Linggo ng Palaspas. Sa natatanging araw na ito ay pinararangalan natin ang Mahal na Birheng Maria, ang Inang Nagdadalamhati at ginugunita ang Pitong Hapis ng Mahal na Ina. Ang lahat ay hinihikayat na magsuot ng ITIM gayon din ang pagsusuot ng ITIM NA BELO para sa mga kababaihan bilang pakikiisa sa hapis ng Mahal na Ina.

Santa Maria, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasakit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako niya sa krus, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.




01/04/2025

: Bukas, ika-1 ng Abril, Martes, ay gaganapin ang Parish Lenten Recollection sa pangunguna ni Rdo. P. Jowel Karlo San Luis; susundan ng Kumpisalang Bayan katuwang ang mga panauhing pari sa ganap na ika-4:00 N.H.

Ang lahat ay malugod na inaanyayahan sa makabuluhang gawaing ito na humihimok sa ating magnilay, manalangin at magbalik-loob sa Panginoon ngayong panahon ng Kwaresma.




Ang pagdalaw at pag ikot ng Imahen ng Niño Hesus sa Sitio Ilog Bakod 2021Sa mga bahay po na napuntahan, Maraming salamat...
29/12/2021

Ang pagdalaw at pag ikot ng Imahen ng Niño Hesus sa Sitio Ilog Bakod 2021

Sa mga bahay po na napuntahan, Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa ating mga Altar Servers at sa Imahen ng Niño Hesus.

PANALANGIN SA STO. NIÑO HESUS

: O, BANAL NA SANGGOL, Diyos na Makapangyarihan at bukal ng mga biyaya, kami ay naninikluhod sa Iyong harapan. Buong puso kaming sumasamba at nagsisisi sa aming mga kasalanan. Iniaalay namin sa Iyo ang aming sarili. Itulot Mo na kami ay matulad sa Iyong Kabanalan. Gawin Mo kaming maamo, mababa ang loob, matiisin, malinis, maunawain sa kapwa at masunurin sa kalooban Mo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan Mo, kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen!

:O, BANAL NA SANGGOL,

: KAAWAAN MO PO KAMI!

19/12/2021

Address

San Miguel

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bisita ni San Jose - Ilog Bakod San Miguel, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category