12/03/2017
Our hearts and prayers are with baby Franco. Pakatatag ka, kapit lang baby Franco!
https://m.facebook.com/francosjourney/photos/a.1437929036512643.1073741828.1437909186514628/1658532091119002/?type=3
3 days napong ok si Franco, nakakatawa na siya, nakikipag high five na, fist bump, malakas nadin siyang kumaen. Pwede na dapat siyang palabasin kahapon kaya lang sobrang manas niya po at nilalagnat siya.
Then kaninang 10 a.m bumili kami ng food niya excited pa si nanay kasi makakaen na siya ng hot cake, pero nagulat kami kasi all of a sudden bigla po siyang namumutla tumitirik uli yung mata niya, pero this time yung pag hihirap niyang huminga is sobra umabot po ng 1hour na parang in pain siya, wala siyang pinupu na blood.
11 a.m pumunta napo ang resident doctor at nag sabi po na kinakailngan na siyang i intubate dahil sobrang hirap napo siyang huminga, nilagyan siya ng tubo na para bang hindi niya nararamdaman, tinutuskan siya ng swero para mabigyan agad ng gamot, nakakatakot kasi sa itsura ni Franco parang wala napo siyang nararamdaman.
12:30 dumating yung doctor niya at inexplaine lahat nung ngyayare kay Franco. Hindi napo tlga maganda ang Liver ni Franco. Ung mga lab test niya kahapon is super ok, wala pong paramdam na bigla bigla nlng mangyayare sa kanya yung sa ganitong sitwasyon, Hemoglobin count from 88 down to 22. So sobra po yung bleeding niya inside.
5:30 ngayong hapon sinabihan po kami na bumababa po ung cardiac niya to 40 wich is hindi po napaka ganda, kasi anytime po pwedeng tumigil ang tibok ng puso niya.
Napaka traydor na sakit ang Biliary atresia.
Napaka sakit po sa isang magulang na makita si Franco na hirap na hirap na! Pero patuloy po siyang nalaban. Kaya sana po muli kaming humihingi ng dasal at bigyan niyo po muli si Franco ng lakas, na malagpasan po muli ang kanyang pinag dadaanan. Maraming salamat po!