Tagum City Da'wah Volunteer

Tagum City Da'wah Volunteer ๐Ÿ“ทISLAMIC VIDEOS
๐Ÿ“ท PHOTOGRAPHER

Sa Mga Nais Tumulong mag P.m po Kayu sa Page.
25/07/2026

Sa Mga Nais Tumulong mag P.m po Kayu sa Page.

24/07/2026

Shiekh Salman Sarguilla

23/07/2026

Surah AL-Bayyinah

OFFICIAL PRAYER TIMETABLE | SAFAR 1448HDarul Ifta Wadda'wah Association โ€“ Region XIAlแธฅamdulillฤh, the official Prayer Ti...
16/07/2026

OFFICIAL PRAYER TIMETABLE | SAFAR 1448H

Darul Ifta Wadda'wah Association โ€“ Region XI
Alแธฅamdulillฤh, the official Prayer Timetable for
Safar 1448H (Julyโ€“August 2026) for Davao City is now available.

๐Ÿ“… 1 Safar 1448H: Thursday, 16 July 2026
May Allah ๏ทป accept our prayers, keep us steadfast upon the Sunnah, and grant us blessings throughout this month.

Please share this timetable with your family and community so that everyone may observe the prescribed prayers on time.

ุฅู† ุงู„ุตู„ุงุฉ ูƒุงู†ุช ุนู„ู‰ ุงู„ู…ุคู…ู†ูŠู† ูƒุชุงุจุง ู…ูˆู‚ูˆุชุง
"Indeed, prayer has been decreed upon the believers at specified times."
(Qur'an 4:103)

HINDI NAKAKATAWA KUNDI NAKALULUNGKOT ANG KALAGAYAN NG DIBORSIYO NG MAG-ASAWA. AT ISA ITO SA TAGUMPAY NI SHAYTAN. Mga pan...
06/07/2026

HINDI NAKAKATAWA KUNDI NAKALULUNGKOT ANG KALAGAYAN NG DIBORSIYO NG MAG-ASAWA. AT ISA ITO SA TAGUMPAY NI SHAYTAN.

Mga panganib na maaaring kaharapin ng isang diborsiyadang babae (Muslimah):

1. Maaaring samantalahin ng mga taong may masamang layunin, emosyonal man o pinansyal.

2. Maaaring mahikayat sa mga ipinagbabawal na relasyon dahil sa kalungkutan o paghahanap ng pagmamahal.

3. Maaaring maging paksa ng tsismis at maling paghusga ng mga tao.

4. Maaaring makaranas ng matinding lungkot, stress, o depresyon.

5. Kung may mga anak, maaaring maging mabigat ang responsibilidad sa pagpapalaki sa kanila nang mag-isa.

6. Maaaring mapalayo sa pananampalataya kung mawawalan ng tamang gabay at mabuting samahan.

Itinuturo ng Islam na ang diborsiyo ay hindi nagpapababa sa dangal ng isang babae. Nararapat siyang igalang, pangalagaan ang kanyang dangal at pananampalataya, at umasa kay Allah.

Sinabi ni Allah:
"At sinumang may takot kay Allah, gagawan Niya siya ng daan palabas (sa kanyang mga suliranin), at pagkakalooban siya ng kabuhayan mula sa paraang hindi niya inaasahan."
Surah At-Talaq 65:2โ€“3

Nawa'y pangalagaan ni Allah ang lahat ng mga Muslimah at gabayan sila tungo sa kabutihan at katatagan sa pananampalataya. Ameen.

nass

ุฃูŽุตู’ุจูŽุญู’ู†ูŽุง ุนูŽู„ูŽู‰ูฐ ููุทู’ุฑูŽุฉู ุงู„ู’ุฅูุณู’ู„ูŽุงู…ู ุŒ ูˆูŽุนูŽู„ูŽู‰ูฐ ูƒูŽู„ูู…ูŽุฉู ุงู„ู’ุฅูุฎู’ู„ูŽุงุตู ุŒ ูˆูŽุนูŽู„ูŽู‰ูฐ ุฏููŠู’ู†ู ู†ูŽุจููŠูู‘ู†ูŽุง ู…ูุญูŽู…ูŽู‘ุฏู ุŒ ูˆูŽุนูŽู„...
03/07/2026

ุฃูŽุตู’ุจูŽุญู’ู†ูŽุง ุนูŽู„ูŽู‰ูฐ ููุทู’ุฑูŽุฉู ุงู„ู’ุฅูุณู’ู„ูŽุงู…ู ุŒ ูˆูŽุนูŽู„ูŽู‰ูฐ ูƒูŽู„ูู…ูŽุฉู ุงู„ู’ุฅูุฎู’ู„ูŽุงุตู ุŒ ูˆูŽุนูŽู„ูŽู‰ูฐ ุฏููŠู’ู†ู ู†ูŽุจููŠูู‘ู†ูŽุง ู…ูุญูŽู…ูŽู‘ุฏู ุŒ ูˆูŽุนูŽู„ูŽู‰ูฐ ู…ูู„ูŽู‘ุฉู ุฃูŽุจููŠู’ู†ูŽุง ุฅูุจู’ุฑูŽุงู‡ููŠู’ู…ูŽ ุญูŽู†ููŠู’ูู‹ุง ู…ูู‘ุณู’ู„ูู…ู‹ุง ูˆูŽู‘ู…ูŽุง ูƒูŽุงู†ูŽ ู…ูู†ูŽ ุงู„ู’ู…ูุดู’ุฑููƒููŠู’ู†ูŽ.

Kami ay nagising sa fitratil (relihiyon ng) Islam, at sa salita ng I'khlas (Kadalisayan ng Panananampalataya [Shaha-dah]), at sa relihiyon ng ating Propeta Muhammad, at sa relihiyon ng ama nating Ibrahem (Abraham), na siya ay makatotohanan (sa pagsamba sa Allah) at Muslimat hindi kasama sa mga nagtatambal (sa Allah).

26/06/2026

Wag kalimutan
โ€œ fa inna maโ€™al โ€™usri yusra โ€
Sa bawat hirap, may ginhawa.

26/06/2026

ANG LINDOL AY TANDA

Walang pag-aalinlangan na ang pagdami ng mga lindol ay kabilang sa mga palatandaan ng nalalapit na Oras (Araw ng Paghuhukom).

Ito ay batay sa isinalaysay ni Imam Al-Bukhari at iba pa na sinabi ng Sugo ng Allฤh ๏ทบ:
Hindi darating ang Huling Oras hanggang sa mawala ang kaalaman, dumami ang mga lindol, maging mabilis ang paglipas ng panahon, lumitaw ang mga fitnah (mga pagsubok at kaguluhan), dumami ang harj (na siyang pagpatay) at dumami sa inyo ang kayamanan hanggang sa ito ay umapaw.

Ang hadith na ito ay nagpapaalala sa atin na ang mga lindol at iba pang pangyayari ay mga tanda na dapat mag-udyok sa atin na magbalik-loob sa Allฤh, dagdagan ang pagsamba, at paghandaan ang Kabilang-Buhay. ๐Ÿคฒ๐Ÿป

ARAW NG ASHURAANG SUNNAH AT MGA BID-AHุงู„ุญู…ุฏ ู„ู„ู‡ ุฑุจ ุงู„ุนุงู„ู…ูŠู†ุŒ ูˆุจุนุฏ:Ang araw ng Ashurah (ุนุงุดูˆุฑุงุก) ay ang ika-10 ng Muharra...
19/06/2026

ARAW NG ASHURA
ANG SUNNAH AT MGA BID-AH

ุงู„ุญู…ุฏ ู„ู„ู‡ ุฑุจ ุงู„ุนุงู„ู…ูŠู†ุŒ ูˆุจุนุฏ:

Ang araw ng Ashurah (ุนุงุดูˆุฑุงุก) ay ang ika-10 ng Muharram.

โ–ช๏ธANG SUNNAH SA ARAW NG ASHURA:

- PAG-AAYUNO

Isinalaysay ni Ibn Abbas (RadiyAllahu Anhuma):

ุฃูŽู†ู‘ูŽ ุฑูŽุณููˆู„ูŽ ุงู„ู„ู‡ู ุตูŽู„ู‘ูŽู‰ ุงู„ู„ู‡ู ุนูŽู„ูŽูŠู’ู‡ู ูˆูŽุณูŽู„ู‘ูŽู…ูŽ ู‚ูŽุฏูู…ูŽ ุงู„ู’ู…ูŽุฏููŠู†ูŽุฉูŽ ููŽูˆูŽุฌูŽุฏูŽ ุงู„ู’ูŠูŽู‡ููˆุฏูŽ ุตููŠูŽุงู…ู‹ุง ูŠูŽูˆู’ู…ูŽ ุนูŽุงุดููˆุฑูŽุงุกูŽุŒ ููŽู‚ูŽุงู„ูŽ ู„ูŽู‡ูู…ู’ ุฑูŽุณููˆู„ู ุงู„ู„ู‡ู ุตูŽู„ู‘ูŽู‰ ุงู„ู„ู‡ู ุนูŽู„ูŽูŠู’ู‡ู ูˆูŽุณูŽู„ู‘ูŽู…ูŽ: ยซู…ูŽุง ู‡ูŽุฐูŽุง ุงู„ู’ูŠูŽูˆู’ู…ู ุงู„ู‘ูŽุฐููŠ ุชูŽุตููˆู…ููˆู†ูŽู‡ูุŸยป ููŽู‚ูŽุงู„ููˆุง: ู‡ูŽุฐูŽุง ูŠูŽูˆู’ู…ูŒ ุนูŽุธููŠู…ูŒุ› ุฃูŽู†ู’ุฌูŽู‰ ุงู„ู„ู‡ู ูููŠู‡ู ู…ููˆุณูŽู‰ ูˆูŽู‚ูŽูˆู’ู…ูŽู‡ูุŒ ูˆูŽุบูŽุฑู‘ูŽู‚ูŽ ููุฑู’ุนูŽูˆู’ู†ูŽ ูˆูŽู‚ูŽูˆู’ู…ูŽู‡ูุŒ ููŽุตูŽุงู…ูŽู‡ู ู…ููˆุณูŽู‰ ุดููƒู’ุฑู‹ุงุŒ ููŽู†ูŽุญู’ู†ู ู†ูŽุตููˆู…ูู‡ูุŒ ููŽู‚ูŽุงู„ูŽ ุฑูŽุณููˆู„ู ุงู„ู„ู‡ู ุตูŽู„ู‘ูŽู‰ ุงู„ู„ู‡ู ุนูŽู„ูŽูŠู’ู‡ู ูˆูŽุณูŽู„ู‘ูŽู…ูŽ: ยซููŽู†ูŽุญู’ู†ู ุฃูŽุญูŽู‚ู‘ู ูˆูŽุฃูŽูˆู’ู„ูŽู‰ ุจูู…ููˆุณูŽู‰ ู…ูู†ู’ูƒูู…ู’.ยป ููŽุตูŽุงู…ูŽู‡ู ุฑูŽุณููˆู„ู ุงู„ู„ู‡ู ุตูŽู„ู‘ูŽู‰ ุงู„ู„ู‡ู ุนูŽู„ูŽูŠู’ู‡ู ูˆูŽุณูŽู„ู‘ูŽู…ูŽุŒ ูˆูŽุฃูŽู…ูŽุฑูŽ ุจูุตููŠูŽุงู…ูู‡ู. [ู…ุณู„ู…: 1130]

Nang dumating ang Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) sa Madinah, natagpuan Niya ang mga Hudyo na nag-aayuno sa araw ng Ashura, at Kanyang sinabi sa kanila: โ€œAno itong araw na pinag-aayunuhan niyo?โ€ Kanilang sinabi: โ€œIto ay araw na dakila, iniligtas ni Allah dito si Musa at ang mga tauhan Niya, at nilunod si Fir-awn at ang mga tauhan niya, at pinag-ayunuhan ito ni Musa bilang pasasalamat, at (kaya) pinag-aayunuhan namin ito.โ€ At sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam): โ€œKami ang mas may karapatan at mas malapit kay Musa kaysa sa inyo.โ€ At pinag-ayunuhan ito ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam), at ipinag-utos Niya ang pag-aayuno nito.

At ang gantimpala ng pag-aayuno sa araw ng Ashura, ay sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) na:

ยซูŠููƒูŽูู‘ูุฑู ุงู„ุณู‘ูŽู†ูŽุฉูŽ ุงู„ู’ู…ูŽุงุถููŠูŽุฉูŽ.ยป [ู…ุณู„ู…: 1162]

โ€œKapatawaran sa taon na lumipas.โ€

At may nabanggit na mga antas ng pag-aayuno sa Ashura:

UNANG ANTAS: Pag-aayunuhan lamang ang araw ng Ashura, ibig sabihin ay isang araw lamang, ang ika-10 lamang. At iyan ay batay sa mga naturang Hadeeth.

PANGALAWANG ANTAS: Pag-aayunuhan rin ang araw bago ito, ibig sabihin ay dalawang araw, ang ika-9 at ika-10. At iyan ay batay sa Hadeeth na sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) na:

ยซู„ูŽุฆูู†ู’ ุจูŽู‚ููŠุชู ุฅูู„ูŽู‰ ู‚ูŽุงุจูู„ู ู„ูŽุฃูŽุตููˆู…ูŽู†ู‘ูŽ ุงู„ุชู‘ูŽุงุณูุนูŽ.ยป [ู…ุณู„ู…: 1134]

โ€œKung ako ay mananatili pa hanggang sa susunod (na taon), ay tiyak na aking pag-aayunuhan ang ika-siyam.โ€

PANGATLONG ANTAS: Pag-aayunuhan ang araw bago ito at pagkatapos nito, ibig sabihin ay tatlong araw, ang ika-9, ika-10, at ika-11. At iyan ay batay sa Hadeeth na sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) na:

ยซุตููˆู…ููˆุง ูŠูŽูˆู’ู…ูŽ ุนูŽุงุดููˆุฑูŽุงุกูŽ ูˆูŽุฎูŽุงู„ููููˆุง ูููŠู‡ู ุงู„ู’ูŠูŽู‡ููˆุฏูŽ ุตููˆู…ููˆุง ู‚ูŽุจู’ู„ูŽู‡ู ูŠูŽูˆู’ู…ู‹ุง ูˆูŽุจูŽุนู’ุฏูŽู‡ู ูŠูŽูˆู’ู…ู‹ุง.ยป [ุงู„ุจุฒุงุฑ ููŠ ู…ุณู†ุฏู‡: 5238ุŒ ุงู„ุจูŠู‡ู‚ูŠ ููŠ ุงู„ุณู†ู† ุงู„ูƒุจุฑู‰: 8406]

โ€œPag-ayunuhan niyo ang araw ng Ashurah, at salungatin niyo dito ang mga Hudyo, mag-ayuno kayo bago ito ng isang araw, at pagkatapos nito ng isang araw.โ€

At kung ano ang mas mainam sa tatlong antas na nabanggit, ay hindi nagkaisa ang ating mga Ulama.

Si Ibnol Qayyim, Ibn Hajjar, at gayundin si Shaykh Ibn Othaimeen (Rahimahumullah), ay kanilang sinabi na ang pinakamainam ay ang pag-ayunuhan ang tatlong araw, ang ika-9, ika-10, at ika-11. At kabilang sa kanilang batayan ay ang Hadeeth na naturan sa Pangatlong Antas.
[Yundhar: Zadol Ma-ad: 2/72, Fathol Bariy: 4/246, Fatawa liqaol bal al-maftuh lil Ibn Othaimeen: 95/13]

Gayundin, na maaaring sabihin kung bakit mas mainam ang pag-ayunuhan ang tatlong araw (ika-9, ika-10, at ika-11) ay dahil mainam ang magparami ng ayuno sa buwan ng Muharram. Tulad sa Hadeeth na sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) na:

ยซุฃูŽูู’ุถูŽู„ู ุงู„ุตู‘ููŠูŽุงู…ู ุจูŽุนู’ุฏูŽ ุฑูŽู…ูŽุถูŽุงู†ูŽ: ุดูŽู‡ู’ุฑู ุงู„ู„ู‡ู ุงู„ู’ู…ูุญูŽุฑู‘ูŽู…ู.ยป [ู…ุณู„ู…: 1163]

โ€œAng pinakamainam na ayuno pagkatapos ng Ramadan, ay ang buwan ni Allah na ang Muharram.โ€

At gayundin, na nasabi ni Shaykh Ibn Othaimeen (Rahimahullah), na kung pag-aayunuhan ang tatlong araw ay makakamit ang kainaman ng pag-aayuno nang tatlong araw bawat buwan.

At may iba pang pananaw hinggil sa kung ano ang mas mainam sa mga naturang antas. Gayunpaman, ito ay hindi na dapat pinagbabangayan pa. Alinman ang piliin sa mga antas na nabanggit, maging ang Ashura lamang, ay maaari rin, tulad ng naturan sa Unang Antas, at iyan ay walang kawalan. Bagkus, ang tunay na kawalan ay ang lumipas ang araw ng Ashura na hindi ito napag-ayunuhan.

โ–ช๏ธMGA BID-AH NA NAGAGANAP SA ARAW NG ASHURA:

- Pagsasagawa ng mga pagsamba dahil sa araw ng Ashura, tulad ng Qiyamol Layl o Tahajjud, pagsa-sadaqah, at pagbasa ng Surah na nabanggit dito ang pangalan ni Musa sa Fajr ng Ashura.

- Pagbisita sa mga libingan sa araw ng Ashura.

- Paghahanda ng mga pagkain dahil sa araw ng Ashura, tulad ng pagluluto na labas sa nakasanayan, o pagkatay.

- Pagbibigay ginhawa sa pamilya sa araw ng Ashura, dahil bibigyan daw siya ni Allah ng kaginhawaan sa buong taon.

- Paliligo dahil sa araw ng Ashura, dahil hindi daw siya magkakasakit sa buong taon.

- Paglalagay ng Kuhl (eyeliner) sa mga mata sa araw ng Ashura, dahil mapapangalagaan daw ang mga mata sa buong taon.

- Pagdadalamhati sa araw ng Ashura, dahil sa araw na ito pinaslang si Al-hussayn na anak ni Ali (RadiyAllahu anhuma).

Ang lahat ng iyan ay walang batayan, bagkus mga kasinungalingan. Sinabi ni Shaykhol Islam Ibn Taymiyyah (Rahimahullah):

ยซูˆูŽูƒูŽู…ูŽุง ูŠูŽุฐู’ูƒูุฑููˆู†ูŽ ูููŠ ููŽุถูŽุงุฆูู„ู ุนูŽุงุดููˆุฑูŽุงุกูŽ... ูˆูŽูƒูู„ู‘ู ู‡ูŽุฐูŽุง ูƒูŽุฐูุจูŒ ุนูŽู„ูŽู‰ ุฑูŽุณููˆู„ู ุงู„ู„ู‘ูŽู‡ู -ุตูŽู„ู‘ูŽู‰ ุงู„ู„ู‘ูŽู‡ู ุนูŽู„ูŽูŠู’ู‡ู ูˆูŽุณูŽู„ู‘ูŽู…ูŽ-ุ› ู„ูŽู…ู’ ูŠูŽุตูุญู‘ูŽ ูููŠ ุนูŽุงุดููˆุฑูŽุงุกูŽ ุฅูู„ู‘ูŽุง ููŽุถู’ู„ู ุตููŠูŽุงู…ูู‡ู.ยป [ู…ู†ู‡ุงุฌ ุงู„ุณู†ุฉ ุงู„ู†ุจูˆูŠุฉ ููŠ ู†ู‚ุถ ูƒู„ุงู… ุงู„ุดูŠุนุฉ ุงู„ู‚ุฏุฑูŠุฉ: 7/39]

โ€œAt gayundin na kanilang binabanggit ang mga kainaman ng Ashuraโ€ฆ at lahat ng iyan ay pagpapasinungaling sa Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam); walang wasto (na nabanggit) sa Ashura maliban sa pag-aayuno dito.โ€

At sinabi naman ni Shaykh Ibn Othaimeen (Rahimahullah) hinggil sa araw ng Ashura:

ยซูˆูŽูƒูŽู…ูŽุง ุฃูŽู†ูŽู‡ู ู„ูŽูŠู’ุณูŽ ูููŠู‡ู ุดูŽูŠู’ุกูŒ ู…ูู†ู’ ุดูŽุนูŽุงุฆูุฑู ุงู„ุฃูŽุนู’ูŠูŽุงุฏู ููŽู„ูŽูŠู’ุณูŽ ูููŠู’ู‡ู ุดูŽูŠู’ุกูŒ ู…ูู†ู’ ุดูŽุนูŽุงุฆูุฑู ุงู„ุฃูŽุญู’ุฒูŽุงู†ู ุฃูŽูŠู’ุถู‹ุงุ› ููŽุฅูุธู’ู‡ูŽุงุฑู ุงู„ุญูุฒู’ู†ู ุฃูŽูˆู ุงู„ููŽุฑูŽุญู ูููŠ ู‡ูŽุฐูŽุง ุงู„ูŠูŽูˆู’ู…ู ูƒูู„ูŽุงู‡ูู…ูŽุง ุฎูู„ูŽุงูู ุงู„ุณู‘ูู†ู‘ูŽุฉูุŒ ูˆูŽู„ูŽู…ู’ ูŠูŽุฑูุฏู’ ุนูŽู†ู ุงู„ู†ู‘ูŽุจููŠู‘ู ุตูŽู„ู‘ูŽู‰ ุงู„ู„ู‘ูŽู‡ู ุนูŽู„ูŽูŠู’ู‡ู ูˆูŽุณูŽู„ู‘ูŽู…ูŽ ูููŠ ู‡ูŽุฐูŽุง ุงู„ูŠูŽูˆู’ู…ู ุฅูู„ู‘ูŽุง ุตููŠูŽุงู…ูู‡ู.ยป [ู…ุฌู…ูˆุน ูุชุงูˆู‰ ูˆุฑุณุงุฆู„ ุงู„ุนุซูŠู…ูŠู†: 2/297]

โ€œAt tulad ng wala sa araw na ito ang anumang diwa ng pagdiriwang, ay wala rin dito ang anumang diwa ng mga pagdadalamhati. At ang paghayag ng pagdadalamhati o pagsasaya sa araw na ito ay pawang salungat sa Sunnah. At walang nabanggit hinggil sa Propeta (SallAllahu alayhi wa sallam) sa araw na ito maliban sa pag-aayuno dito.โ€

ูˆุงู„ู„ู‡ ุฃุนู„ู….

โœ๏ธ: Amer M. Pundogar

Address

Tagum City
8100

Telephone

+639632395741

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tagum City Da'wah Volunteer posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Tagum City Da'wah Volunteer:

Shortcuts

Share