09/06/2026
Kabilang sa mga unang nagpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol ang mga opisina nina Senate President Alan Peter Cayetano at Senator Pia Cayetano. Kasama sa relief at assessment operations sina Mayor Lorelie Geronimo-Pacquiao, ABC President Alberto “Bobby” Dapidran Pacquiao, Cong. Elmer Katulpos ng 1Tahanan Partylist, at Maria Lourdes Casabuena upang tiyaking makarating ang tulong sa mga nangangailangang residente.
Bangon, Mindanao!