09/08/2026
TOP 3 SA FLOOD CONTROL vs. METRO MANILA
Sa 2026 Flood Control allocation, nangunguna ang Region III – Central Luzon na ₱400 milyon, sinundan ng Region XI – Davao na ₱307.06 milyon, at Region V – Bicol na ₱282.64 milyon. Samantala, ang Metro Manila ay ₱155.17 milyon lamang.
Kapansin-pansin ito dahil pare-parehong nakakaranas ng matinding pagbaha ang mga lugar na ito. Mas mataas nang malaki ang inilaan sa Central Luzon, Davao at Bicol kumpara sa Metro Manila. Kaya ang tanong: Kung pare-parehong binabaha, bakit ganito kalaki ang agwat ng flood-control allocation? Ang halaga ng pondo ay isang bagay—pero mahalaga ring tingnan kung saan napunta ang mga proyekto, ilan ang proyekto, at sino ang mga contractor.