19/04/2026
*Anonymous Confession*
*From*: ‘Yung tropa mong laging nauuna umuwi sa inuman
*To*: Ikaw na nagagalit kasi “KJ ka, uwi ka na naman”
6pm pa lang, nagpapaalam na ko. “May pasok pa ko bukas e.”
Totoo ‘yun. Pero kalahati lang.
‘Yung totoo: 7:30pm kasi ‘yung gamot ni tatay.
Ako lang nagbabantay. Nastroke siya last year. Hindi na makatayo mag-isa.
Pag na-late ako, iihi siya sa higaan. Tapos iiyak siya sa hiya.
Tapos iiyak ako kasi wala akong magawa.
Kaya pag nag-aaya kayo ng 2nd round, ng 3rd round,
Gusto kong sumama. Gustong-gusto.
Kayo lang ‘yung tumatawa kasama ako. Sa bahay, tahimik. Amoy Vicks at gamot.
Pero pag pinili ko kayo, siya ‘yung mag-isa. At hindi ko kaya ‘yun.
Minsan naiinis ako. Sa kanya. Sa sitwasyon. Sa sarili ko.
Bakit ako? Bakit ngayon? 24 pa lang ako.
Tapos makokonsensya ako kasi iniisip ko ‘yun. Siya ‘yung may sakit, ako ‘yung nagrereklamo.
*Advice ni malengay sa’yo* 😭
Kung may tropa kang laging “maaga umuwi,” wag mo agad tawaging KJ.
Baka may inuuwian siyang mas mabigat sa hangover. 🙂
Yung “may pasok ako bukas” minsan code ‘yun for “may buhay akong sinasalba.”
At kung ikaw ‘yun, yung laging kailangang umuwi,
Walang masama sa mapagod.
Walang masama sa mainis.
Walang masama sa umiyak sa CR.
Pero sana dumating ‘yung araw na ‘pag umuwi ka, pahinga ‘yung sasalubong sayo.
Hindi resposibilidad.
Ang lungkot lang kasi, habang tumatanda tayo,
‘Yung “uwian na” hindi na tungkol sa curfew.
Tungkol na sa kung sino ‘yung hindi pwedeng maiwang mag-isa.