28/02/2026
March is Fire Prevention Month
🔥 MARSO 2026: BUWAN NG PAG-IWAS SA SUNOG 🔥
📌 "SA PAG-IWAS SA SUNOG, HINDI KA NAG-IISA
"
📌 BARANGAY PANSOL, LUNGSOD NG QUEZON – "SA PAG-IWAS SA SUNOG, TAYONG LAHAT ANG BIDA NG LIGTAS NA KOMUNIDAD!"
✨ INPOWERED BY: BRGY. PANSOL FIRE BRIGADE ✨
🏠 PARA SA INYONG MGA TAHANAN:
- Iwasan ang octopus wiring – Huwag pagsamahin ang maraming gamit sa isang saksakan
- Patayin ang kuryente ng mga gamit na hindi ginagamit – Lalo na ang charger, flat iron, at electric stove
- Itago ang mga posporo at lighter – Sa lugar na hindi maabot ng mga bata
- Linisin ang kusina pagkatapos magluto – Alisin ang mga dumi at mantika sa kalan at kawali
- Panatilihing bukas at walang harang ang mga daanan palabas – Bawal magtapon ng basura sa hagdan at fire exit
🏫 PARA SA MGA PAARALAN AT OPISINA:
- Suriin araw-araw ang mga fire extinguisher – Tiyaking nasa tamang lokasyon at gumagana
- Isagawa ang monthly fire drill – Alam dapat ng lahat ang tamang ruta ng paglabas sa gusali
- Iwasan ang pagkakalat ng papel at iba pang sunog-prone na bagay – Itabi sa ligtas na lalagyan
- Maglagay ng "No Smoking" sign sa mga ipinagbabawal na lugar – Iwasan ang paninigarilyo malapit sa mga bagay na madaling masunog
🛒 PARA SA MGA PAMILIHAN AT ESTABLISIMYENTO:
- Panatilihing malinis ang mga pasilyo at emergency exit – Dapat walang harang kahit kailan
- Magkaroon ng tamang signage para sa fire exit – Maliwanag at madaling makita
- Turuan ang mga empleyado ng tamang paggamit ng fire extinguisher – Gamitin ang "T.P.A.S.S" method:Twist, Pull, Aim, Squeeze, Sweep
- Iwasan ang paggamit ng overloaded extension cords – Palitan agad ang mga sira na kable
📞MGA EMERGENCY HOTLINE, QUEZON CITY:
- 911
- QC Hotline: 122
- BRGY. PANSOL FIRE BRIGADE / FIRE STATION: (02) 836-12258
- BFP Loyola Fire Station: 09764755591
- BFP Krus Na Ligas Fire Station: 09761854218