25/07/2025
Oportunidad β madami rito ay akin nang nakita, natagpuan, ngunit patuloy na tinalikuran.
Sa larangan ng pagsulat, hindi ko alam kung ako ay para saan, ano ang pakinabang, at ano ang nais patunayan.
Marami nang oportunidad ang kumatok sa'king pintuan, ngunit tila marami pa ring hadlang, marami pa ring dahilan upang hindi ko ito pagbuksan.
Hindi ko rin alam kung ano ang aking estilo, kung may nagkakainteres ba sa'king mga gawa. Wala akong ideya kung para saan ba talaga 'ko, at hindi pa rin alam kung may kinabukasan ba'ko rito.
Isa lang naman ang dahilan kung bakit, sa kabila nito, ay patuloy pa ring nagpapatuloy β nais ko lamang maging magaling, kahit sa iisang bagay. Maging inspirasyon sa iba, at makamit ang pinanghawakang salita: na ako ay balang araw makikilala bilang isang magaling na manunulat.
Marami na'kong sinayang β at ilan pa kaya ang tatangkaing sasayangin?
Hindi ko ito binibilang, dahil ayoko nang isipin.
Sa larangang ito, isa lamang ang aking katanungan:
Para rito nga ba ako?