15/12/2022
KASIMBAYANAN Outreach Activity at Project R.E.A.L, patuloy na isinasagawa ng Tagbilaran City PNP
Tagbilaran City, Bohol - Patuloy na isinasagawa ng mga tauhan ng Tagbilaran City Police Station ang KASIMBAYANAN Outreach Activity at Project R.E.A.L (Reading Enhancement, Assessment and Literacy) Police Mobile Library at Palugaw ni Manang Hepe sa Dampas Elementary School, Dampas District, Tagbilaran City, Bohol nito lamang ika-13 ng Disyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng naturang estasyon sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Regie Palis Real, Chief of Police na aktibong sinuportahan ng Pamahalaang Lungsod ng Tagbilaran City sa pamumuno ni City Mayor Jane Yap katuwang ang Dalareich Polot, Mcdonald's, Bohol Bankers Association, Criminology Inters ng BIT-TC, University of Bohol at ni Pastor Reysam Carvero (TCPS Life Coach).
Kabilang sa mga naging kaganapan sa naturang aktibidad ay ang pamimigay ng libreng lugaw at mga librong babasahin na lubos na makakatulong para sa mga mag-aaral ng Dampas Elementary School.
Sa pamamagitan ng KASIMBAYANAN Program ng Pambansang Pulisya at Project R.E.A.L na pinagsikapang isagawa ng naturang grupo ay nakapaghatid ang mga ito ng tulong at saya para sa kanilang mga kababayan lalo na sa mga bata na kanilang lubos na pinapahalagahan upang magsilbing inspirasyon sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.