08/12/2023
"MAMA at PAPA, AKO'Y UUWI NA"
"MA, PA, kamusta?
Ako'y nangungulila sa inyong aruga,
Arugang minimithi, ay matutuoad ko na,
Ngiti at yakap na hinihiling, ay aking makakamit sa paguwi."
"Araw nalang ang hihintayin, kayo ay makakasama ko narin.
Nakatakda na ang petsa sa paguwi ko sa aking probinsya, "Mama at Papa, Ako'y Uuwi na."
Ako'y abangan nyo sa kalsada, upang sa pagsalubong ko, ay pupunuin ko kayo ng yakap at halik."
"Ngunit sa isanf iglap ang katagang, "Mama at Papa, Ako'y uuwi na" ay naglaho nalang na parang bula.
Dahil sa isang trahedya, na di ko inakala doon na pala ang aking huling hininga."
"Ang katagang, "Mama at Papa, Ako'y uuwi na" ay kailanman di na mangyayari pa.
Ang isang hiling na sila'y makapiling, sa isang panaginip nalang pala maipaparating.
Ang isang masayang Disyembre, na puno ng ligaya at magiging masayang alaala san, magiging isang bangungot pala sa aking pamilya."
"Mama at Papa, Ako'y uuwi na", ngunit hindi sa ating tahanan, kung saan magiging kumpleto sana ang buong pamilya sa hapunan.
Kundi "Mama at Papa, Ako'y uuwi na" sa lugar kung saan ako maghihintay sa inyo, na makasama kayo ng habangbuhay, matagal man ang pagaantay, pero sigurado ako doon kumpleto tayo at di na tayo maghihiwalay kailanman."
"ANG DISYEMBRENG PUNO NGBTRAHEDYA"
"MAGIINGAT KAYO PALAGI AT MAGDASAL, SAAN MAN NAROROON, SAAN MAN PUPUNTA"
"WAG KALIMUTAN MAGDASAL KAY DIYOS AMA"
R.I.P sa mga nasawi ππ