Kawayanan Dance Troupe

Kawayanan Dance Troupe “Indayog ng Katawan, Sayaw ng Kasaysayan”

Isang maindayog na araw sa ating lahat!Nitong nakaraang ika-19 ng Oktubre ay ginanap sa Meycauayan Sports Complex  ang 𝙞...
26/10/2026

Isang maindayog na araw sa ating lahat!

Nitong nakaraang ika-19 ng Oktubre ay ginanap sa Meycauayan Sports Complex ang 𝙞𝙠𝙖-𝟐𝟑 𝑻𝒂𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒏𝒈 𝑷𝑪𝑪𝑴.

Bilang pakikiisa sa dakilang pagdiriwang na ito, ang 𝑲𝒂𝒘𝒂𝒚𝒂𝒏𝒂𝒏 𝑫𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑻𝒓𝒐𝒖𝒑𝒆 - 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝒐𝒇 𝑴𝒆𝒚𝒄𝒂𝒖𝒂𝒚𝒂𝒏 ay nagtanghal ng "La Jota Macadeña" at “Culebra“ bilang bahagi ng pagbubukas ng kanilang programa at mga gawain sa nasabing pagdiriwang.

Masdan ang mga larawan kaugnay ng nasabing gawain.

Isang maindayog na araw sa ating lahat!Nitong nakaraang ika-04 ng Oktubre ay ginanap sa Parokya ni San Francisco ng Assi...
09/10/2026

Isang maindayog na araw sa ating lahat!

Nitong nakaraang ika-04 ng Oktubre ay ginanap sa Parokya ni San Francisco ng Assisi ang 𝙞𝙠𝙖-𝟒𝟒𝟖 𝙩𝙖𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝘿𝙖𝙠𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙥𝙨𝙞𝙩𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙞 𝙎𝙖𝙣 𝙁𝙧𝙖𝙣𝙘𝙞𝙨𝙘𝙤 𝙣𝙜 𝘼𝙨𝙨𝙞𝙨𝙞. Ang nasabing parokya ang isa sa mga pinakamatatandang simbahan sa ating lalawigan at naging tanggulan ng mga bayani ng Meycauayan.

Bilang pakikiisa sa dakilang pagdiriwang na ito, ang 𝑲𝒂𝒘𝒂𝒚𝒂𝒏𝒂𝒏 𝑫𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑻𝒓𝒐𝒖𝒑𝒆 - 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝒐𝒇 𝑴𝒆𝒚𝒄𝒂𝒖𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝑵𝒂𝒛𝒂𝒓𝒆𝒏𝒖𝒔 𝑪𝒐𝒍𝒍𝒆𝒈𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝑯𝒐𝒔𝒑𝒊𝒕𝒂𝒍 𝑭𝒐𝒖𝒏𝒅𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑰𝒏𝒄., 𝑱𝒐𝒉𝒏 𝑷𝒂𝒖𝒍 𝑩𝒆𝒏𝒆𝒅𝒊𝒄𝒕 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒐𝒍 𝒐𝒇 𝑴𝒆𝒚𝒄𝒂𝒖𝒂𝒚𝒂𝒏 𝑰𝒏𝒄., 𝑻𝒓𝒊𝒃𝒐 𝑺𝒂𝒏𝒅𝒖𝒈𝒐 𝑺𝒂𝒏𝒃𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑶𝑮 (𝑴𝑪𝑽𝑩 𝑨𝒍𝒖𝒎𝒏𝒊), 𝒂𝒕 𝑴𝒆𝒚𝒄𝒂𝒖𝒂𝒚𝒂𝒏 𝑪𝒐𝒍𝒍𝒆𝒈𝒆 𝑽𝒂𝒓𝒔𝒊𝒕𝒚 𝑩𝒂𝒏𝒅 𝒏𝒂 𝒌𝒊𝒏𝒖𝒎𝒑𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒏𝒊 𝑩𝒂𝒏𝒅 𝑴𝒂𝒔𝒕𝒆𝒓 𝑨𝒓𝒊𝒆𝒍 𝑪𝒐𝒏𝒕𝒓𝒆𝒓𝒂𝒔 𝑴𝒆𝒓𝒄𝒂 ay muling itinanghal ang "𝗦𝗨𝗚𝗨𝗥𝗔𝗡" bilang bahagi ng 𝙎𝘼𝙔𝙄𝙉𝘿𝘼𝘼𝙉 na isinagawa mula sa ating bahay pampamahalaan hanggang sa simbahan.

Masdan ang mga larawan kaugnay ng nasabing gawain.

28/09/2026
Pangorganisasyong Tsart ng Kawayanan Dance Troupe.
14/09/2026

Pangorganisasyong Tsart ng Kawayanan Dance Troupe.

06/08/2026


Credit to Fly Drone PH

Isang Maindayog na Araw sa Lahat! Muling nagbigay ng karangalan ang Kawayanan Dance Troupe sa pamamagitan ng pagtanggap ...
04/08/2026

Isang Maindayog na Araw sa Lahat!

Muling nagbigay ng karangalan ang Kawayanan Dance Troupe sa pamamagitan ng pagtanggap sa paanyayang magtanghal bilang bahagi ng Fiesta ng Nuestra Señora de los Angeles de Meycauayan at sa pagdating ni Rdo. Padre Edwin Peter R. Dionisio, OFM, Kura Paroko ng Most Holy Redeemer Parish, Brixton Hill, Quezon City, sa Parokya ng San Francisco de Assisi, Lungsod ng Meycauayan, Bulacan.

Noong Agosto 2, 2026, buong puso naming inihandog ang makulay at masiglang pagtatanghal ng mga katutubong sayaw na Jota Moncadeña at Culebra, bilang pagpapakita ng mayamang kultura, tradisyon, at pagmamahal sa sining ng sayaw.

Lubos ang aming pasasalamat sa tiwala at pagkakataong maging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito. Patuloy naming isusulong ang kulturang Pilipino sa bawat indak at himig.


Isang mapagpalayang araw po sa lahat!Buong galak at karangalan naming ibinabahagi ang matagumpay na pagsasagawa ng Sugur...
23/05/2026

Isang mapagpalayang araw po sa lahat!

Buong galak at karangalan naming ibinabahagi ang matagumpay na pagsasagawa ng Suguran Dance recording bilang bahagi ng dokumentasyon at pangangalaga sa ating mayamang pamana ng sining at kultura.

Ang nasabing materyal ay inihanda para sa pagpapasa sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) bilang ambag sa pagpapanatili at pagpapahalaga sa mga katutubong sayaw at tradisyong Pilipino na sumasalamin sa ating kasaysayan at pagkakakilanlan bilang isang bansa.

Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang mapahalagahan at maipagpatuloy ng susunod na henerasyon ang ating mga kulturang pamana.

Maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi at sumuporta sa proyektong ito.

Address

Meycauayan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kawayanan Dance Troupe posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share