07/03/2026
“ TULAY NG ALAALA ”
Sa ilalim ng lilim ng matatandang puno, tahimik na dumadaloy ang batis sa ibaba ng munting tulay sa parke.
May mga tulay na hindi lamang nagdurugtong ng dalawang pampang kundi naguugnay din ng kahapon at ngayon. Sa bawat hakbang sa ibabaw nito, may mga kwentong dumaan, mga alaalang saglit lamang, mga pangarap na pinagusapan, at mga tawanan na hindi madaling makalimutan.
Sa likod ng lente, ang mga sandaling ito ay hindi lamang tanawin. Sila’y mga alaala na dapat ingatan at panatilihin sa guniguni.
📸: Kodak Pixpro FZ55 | Raw output
Captured by: Gabrielle Ashley E. Ortañez