18/03/2026
Kung ang bawat isa ay nagagawa ang kanya-kanyang tungkulin,
disin sana mas maayos ang mundong ginagalawan ng bawat isa, disin sana walang karagdagang responsibilidad ang mga g**o sa pagdidisiplina sa mga bata.
Pero hindi, kaakibat ng pagtuturo nila ay siya ding pagbibigay disiplina sa mga bata, pagtatama ng pagkakamali ng mga bata o pagtuturo ng tama at ng kung anong mali, na madalas o minsan hindi kayang punan ng mga magulang.
Kaya madalas maikumpara ang noon at ngayon, dahil kita din naman ang mga resulta ng mga nagdaang panahon.
Malaking usapin ang "RESPETO" na syang TILA nawawala sa henerasyon ngayon.
Pero saan nga ba nag-uupisa ang lahat, saan nga ba unang natututo ang mga kabataan?
Sa loob ba ng tahanan, o sa loob ng paraalan?
Sa hinaharap na suliranin ng mga bawat g**o sa kasalukuyang henerasyon,
NAIINTINDIHAN PA BA NATIN KUNG GAANO KABIGAT ANG RESPONSIBLIDAD NG ISANG TINATAWAG NA PANGALAWANG MAGULANG?
Kung atin na lamang tatanggalin ang responsibilidad, ang pagiging "Pangalawang Magulang", at ang layunin na lamang ay magturo ng iba't ibang agham? Sa ganitong paraan ba ay mas mapapabuti natin ang buhay ng ating mga minamahal na mga anak?
Kaya pa bang itama kung anong pagkakamali at ng mga bagay na ang mga g**o lamang ang may alam.
Sa ganitong suliranin, nabibigyan pa ba ng mga g**o ng oras ang kanilang sarili, ang kanilang pamilya, sapat ba ang kinikita nila sa pang ara-araw na kanilang kinakaharap.
SA NAKIKITA NG KARAMIHAN AY MAY NATATANGGAP naman silang PERA kaya dapat lang, na siyang TUNAY, pero lingid sa kaalaman ng karamihan (ANG MGA G**O ANG MAKAKAPAGSABI).
Sa mga karapatan at kapangyarihang naibibigay sa mga bata at sa kanilang mga magulang, mayroon din bang proteksyon sa mga g**ong ginagawa ang kanilang tyngkulin ng tama, at ang layunin lamang ay maging PANGAWALANG MAGULANG.
Oo nga't marami din naman ang mga umaabuso sa kanilang pagiging g**o, pero mas marami parin ang mga g**o na ang gusto ay mapabuti ang mga buhay ng mga kabataan, maituro kung ano ang mga bagay na kanilang kakaharapin sa loob at labas ng paaralan.
MALAWAK ANG MUNDONG ating ginagalawan, sana'y lahat ay magkaroon ng pantay na karapatan. Mayroong pagtutulungan ng mga MAGULANG at mga nagsisilbimg PANGALAWANG MAGULANG.
AT SA MGA KABATAAN, madami tayong matututunan hindi lamang sa kasalukuyan at sa mga bagong kaalaman, ngunit pati sa ating nakaraan. Hayaan natin ang ating sarili na matuto, na mabago para sa kung anong nakakabuti sa atin. HINDI TAYO PERPEKTO pero kaya nating maging tama, para ikakaunland at sa mas maayos na mundong ating tinatahak.
Do you know what an AI (Artificial Intelligence) can not do, TO DO EXACTLY WHAT IT SAYS.
Huwag nating hayaang mawala ang mga bagay na napakahalaga sa ating buhay, HINDI ang DIPLOMA, HINDI ang PERA, kundi mga magandang aral sa ating buhay.
SA MGA G**O, MAGING MATATAG TAYO. 😇💙
(Sana'y mabigyan ng tamang solusyon ang mga kinakaharap natin ngayon).