Capt. Marlon Cataquis

Capt. Marlon Cataquis Seafarer / Lifestyle / Triathlon Journey / Habits
(1)

Some people may laugh and some people may not understand.Bakit ka magbabayad para mapagod?Bakit gigising ka ng 3 or 4 in...
07/09/2026

Some people may laugh and some people may not understand.

Bakit ka magbabayad para mapagod?
Bakit gigising ka ng 3 or 4 in the morning para mag-swim, mag-bike, at tumakbo?

Bakit mo pipiliin yung long training hours, sakit ng katawan, puyat minsan, disappointment, at pressure… kung puwede ka namang matulog nang mahaba at mag-relax?

I get it.

Kung nasa labas ka lang at pinapanood mo kami, minsan mapapaisip ka talaga:

“Bakit nila ginagawa sa sarili nila ’yan?”

Pero after experiencing triathlon, especially IRONMAN, doon ko na-realize na hindi lang pala katawan ang tine-train mo.

Yung isip mo rin.

Tinuturuan ka nitong kumilos kahit hindi ka motivated.

Tinuturuan ka nitong sundin yung plano kahit pagod ka na.

Tinuturuan ka nitong tanggapin na minsan hindi mo makukuha yung result na gusto mo.

And instead na gumawa ng excuses, you learn to ask:

“Ano yung kailangan kong i-correct?”

For me, ito yung isa sa pinakamalaking binago ng IRONMAN sa akin.

Hindi dahil naging mas malakas lang katawan ko.

But because little by little, it taught me how to become more honest with myself.

Kapag kulang ang training, tanggapin mo.

Kapag mali ang pacing, learn from it.

Kapag nag-fail yung nutrition plan, study it.

Kapag hindi mo nakuha yung target mo, masakit siyempre.

Pero hindi doon nagtatapos.

You go back.

You check.

You improve.

Then you try again.

And somehow, dala mo rin pala yung discipline na ’yan pag-uwi mo.

Sa business.

Sa pamilya.

Sa pressure.

Sa mga desisyon na hindi mo alam kung tama ba.

Sa mga araw na gusto mong umatras dahil pagod ka na mentally.

IRONMAN does not remove problems.

Hindi rin ibig sabihin na dahil finisher ka, automatic strong ka na sa lahat.

Pero tinuturuan ka nitong harapin yung mahirap nang hindi agad tumatakbo palayo.

That is why when I saw this 2027 Season Pass, hindi lang race registrations ang nakita ko.

I saw another opportunity to rebuild myself.

Right now, honest ako sa sarili ko.

I am starting again.

Zero swim.

Zero bike.

And rebuilding my run.

Malayo pa.

Maraming trabaho.

And that is exactly why this excites me.

Because once again, I get to prove to myself that improvement is possible when you are willing to start where you really are—not where you wish you were.

My long-term goal is KONA.

Pero hindi ko kailangang magpanggap na malapit na ako.

The responsibility today is much simpler:

Train.
Listen to my coaches.
Recover.
Stay consistent.
Correct the mistakes.
Improve one thing at a time.

Maybe some people will still laugh.

And maybe some people will never understand why we willingly choose something this difficult.

That’s okay.

Because sometimes, the real value of IRONMAN is not the medal.

Not the shirt.

Not even the finish line.

It is discovering who you become while trying to reach it.
🏊‍♀️🚴🏃🏻‍♂️🥇

Plan your 2027 race season early and save along the way. 🏊🚴🏃

The Sunrise Events IRONMAN Season Pass lets you secure multiple races in one package at a fixed early-season rate. Your pass is based on discounted Day One/Tier 1 pricing, so you can lock in your rate before individual race prices move to higher tiers.

Choose the pass that fits your 2027 goals:
All Events Pass [₱110,000]
Includes 1 x IRONMAN Philippines, 2 x IRONMAN 70.3, and 3 x 5150 events
IRONMAN 70.3 Events Pass [₱60,000]
Includes 3 x IRONMAN 70.3 events
5150 Events Pass [₱25,000]
Includes 3 x 5150 events

And there’s more coming in 2027. 👀 The new Sunrise Events Season Score will track your race participation and performance across the season, allowing you to see how you rank against athletes in your Age Group and across the overall field. Full details will be announced early next year.

Lock in Day One rates. Plan your season. Race more. Save more.
Secure your 2027 Season Pass and get your race calendar sorted early.

06/09/2026

Kung tumakbo ka sa SANTE Barley Leg 3 today, baka maka-relate ka dito. 😅

Nag-antay ka rin ba na tumila yung ulan… or sumugod ka agad na parang, “Bahala na, ulan ka lang… runner ako!” 😂

Tapos pagdating sa baha, biglang naging SANTE Barley Run x Tinikling Challenge.

Natapos ko yung 32KM, pero mas importante, marami akong na-realize na mali sa ginawa ko.

Late arrival. Kulang sa warm-up. Nag-experiment sa gels during race day. Walang maayos na electrolyte plan. Late carb-loading. At akala ko kaya ko pang ibalik yung HR ko sa Zone 2 after 21KM.

Hindi pala ganun kasimple.

And that’s the lesson.

May plano ka, yes. Pero kailangan marunong ka ring mag-check at mag-adjust based sa actual na nangyayari.

Hindi lahat ng race kailangan mabilis.

Sometimes, you race to learn.

Act. Check. Improve one thing. Then repeat.

Congratulations sa lahat ng SANTE Barley Leg 3 runners.

Ano yung biggest lesson mo today?

02/09/2026

🏃‍♂️☀️ RUN WITH US THIS SATURDAY!

Let’s start the weekend with good miles, good vibes, and great company! 🧡

Join the CYR Run Club Community Run this Saturday at Café Y Ruedas, Intramuros.

📍 Café Y Ruedas, Intramuros
⛈️ Rain or
☀️ Shine
🗓️ Saturday, August 29, 2026
🕔 5:00 AM Assembly / Catch-up Time
🕕 6:00 AM Kick-off / Run Time
☕ Free coffee & pandesal before the run
🚗 Free parking inside — limited slots, first come, first served

Whether you’re a regular runner or just getting started, everyone is welcome! Let’s run, connect, and keep moving together. 🙌
Progress, not perfection. See you at the start line! 🏃‍♀️🏃‍♂️

29/08/2026

May vision ka. May pangarap ka. Pero wala ka pang pera, experience, or complete plan.

So mapapatanong ka talaga: “Lord, paano?”

Maybe faith is not about knowing everything. Maybe it is trusting enough to take the next step.

You decide. You try. You make mistakes. You learn. Then you take the next step.

28/08/2026

Yesterday was one of the best days of my life… and surprisingly, wala naman itong kinalaman sa business, pera, or any achievement.

Grabe… minsan yung future na dati pinag-uusapan lang natin, unti-unti palang nagiging realidad.

Continue dreaming. Continue praying. Act. Check. Improve one thing, then repeat the process. 😇🙏😎

GUSTO MO NG TAHIMIK NA BUHAY? 5 SIMPLE TIPS PARA MAS MAKAHINGA KAHabang tumatanda tayo, mapapansin mo na hindi pala laha...
22/08/2026

GUSTO MO NG TAHIMIK NA BUHAY? 5 SIMPLE TIPS PARA MAS MAKAHINGA KA

Habang tumatanda tayo, mapapansin mo na hindi pala lahat ng problema kailangang patulan, hindi lahat ng tao kailangang i-please, at hindi lahat ng bagay kailangang kontrolin.

Minsan, ang kailangan lang natin ay bawasan ang mga bagay na kumukuha ng peace of mind natin.

1. Matutong magsabi ng “hindi.”
Hindi pagiging selfish ang pagprotekta sa oras at energy mo. Hindi mo kailangang pumayag sa lahat para lang walang magalit sa'yo.

2. Huwag mong gawing problema ang opinyon ng lahat.
Kahit anong gawin mo, may masasabi at masasabi ang ibang tao. Piliin mong pakinggan ang mga taong tunay na mahalaga sa buhay mo.

3. Bawasan ang pagkukumpara sa sarili sa iba.
May kanya-kanya tayong timeline. Hindi porke't nauuna sila, nahuhuli ka na. Ang importante, may progress ka kumpara sa dating ikaw.

4. Piliin kung anong problema ang deserve ng energy mo.
Hindi lahat ng argumento kailangang sagutin. Hindi lahat ng misunderstanding kailangang ipaliwanag. Minsan, mas mahalaga ang katahimikan kaysa mapatunayan mong tama ka.

5. Matutong makuntento habang patuloy na nangangarap.
Puwede kang mangarap ng mas magandang buhay habang nagpapasalamat sa kung anong meron ka ngayon.

Sa huli, ang tahimik na buhay ay hindi ibig sabihin na wala ka nang problema.

Ang tunay na peace of mind ay kapag natutunan mong hindi lahat ng problema kailangan mong dalhin.

Habang tumatanda tayo, minsan hindi na pera, gamit o validation ang pinakamasarap makuha.

Kundi yung makatulog ka sa gabi nang magaan ang isip at tahimik ang puso.

THE WORLD SAW MY SUCCESS, BUT NOBODY SAW MY FATHER’S STRUGGLE.Nakikita ng mga tao ang graduation ng anak mo.Nakikita nil...
22/08/2026

THE WORLD SAW MY SUCCESS, BUT NOBODY SAW MY FATHER’S STRUGGLE.

Nakikita ng mga tao ang graduation ng anak mo.

Nakikita nila ang diploma, magandang trabaho, bagong bahay, at mga achievement niya.

Pero hindi nila nakikita kung ano ang pinagdaanan ng isang ama para makarating doon ang anak niya.

Lalo na kung isa kang seaman o OFW.

Hindi nila nakita ang mga birthday na hindi mo nadaluhan.

Hindi nila nakita ang Pasko at Bagong Taon na nasa barko ka habang ka-video call lang ang pamilya.

Hindi nila nakita ang puyat, overtime, init sa engine room, pagod sa deck, homesickness, at mga araw na gusto mo nang umuwi pero kailangan mong tapusin ang kontrata.

Hindi rin nila alam kung ilang beses mong gustong bumili ng para sa sarili mo pero sinabi mong:

“Sa susunod na lang. Mas kailangan ng mga bata.”

ANG BIGAT NA HINDI NAKIKITA

Sa likod ng isang ama, may pasan na:

Trabaho. Utang. Bills. Kinabukasan. Sacrifices. Worries. Sleepless nights.

Pero sa harap ng anak niya, sinusubukan pa rin niyang ipakitang:

“Okay lang si Papa.”

Dahil minsan, ganun magmahal ang isang ama.

Tahimik.

Hindi palaging sinasabi kung gaano kabigat.

Basta ang alam niya, kailangan niyang itulak pataas ang mga anak niya—kahit siya mismo ang mapagod sa pag-akyat.

At balang araw, kapag nakamit na ng anak mo ang mga pangarap niya, baka maraming magsabi:

“Ang galing naman ng batang 'yan.”

At tama sila.

Pero sana maalala rin natin…

Sa likod ng maraming matagumpay na anak ay may isang ama na ilang taon ding tahimik na lumaban para mabigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng mas magandang buhay.

Kaya para sa lahat ng seaman, OFW at tatay na patuloy na nagsasakripisyo:

Maaaring hindi makita ng mundo lahat ng paghihirap mo ngayon.

Pero balang araw, kapag nakita mong nakatayo na sa sarili nilang mga paa ang mga anak mo…

Maiintindihan mo kung para saan lahat ng bigat na pinasan mo.

Hindi man ikaw ang may hawak ng tropeo,

bahagi ka ng bawat tagumpay na maaabot nila.

“Balang araw, maiintindihan din ng pamilya mo yung mga sacrifices mo sa ibang bansa.”Kabaro, hindi lahat ng sakripisyo n...
21/08/2026

“Balang araw, maiintindihan din ng pamilya mo yung mga sacrifices mo sa ibang bansa.”

Kabaro, hindi lahat ng sakripisyo natin nakikita ng mga taong nasa bahay.

Hindi nila nakikita yung alarm na tumutunog habang mahimbing pa ang tulog ng lahat. Yung katawan mong pagod pero kailangan mo pa ring bumangon para sa duty. Yung Pasko, birthday, graduation at simpleng hapunan na gusto mong makasama sila—pero hanggang video call ka lang.

Minsan maririnig mo pa:

“Buti ka pa, nasa abroad.”
“Malaki naman sahod mo.”
“Padala ka naman.”

Pero hindi nila alam kung ilang beses mong tinitingnan ang natitirang araw sa kontrata.

Hindi nila alam kung ilang problema ang kinikimkim mo dahil ayaw mong mag-alala sila.

At minsan, kahit ikaw ang nangangailangan ng makakausap, sasabihin mo na lang sa video call:

“Okay lang ako dito. Huwag kayong mag-alala.”

Hindi tayo nagbabarko dahil gusto nating malayo.

Nagbabarko tayo dahil may mga taong gusto nating bigyan ng buhay na mas maganda kaysa sa buhay na kaya nating ibigay kung susuko tayo.

Kaya kapit lang, Kabaro.

Baka hindi nila lubos maintindihan ngayon.

Pero sana balang araw, kapag nakita na nila kung saan napunta ang lahat ng pagod, lungkot at panahong nawala sa atin…

maintindihan nilang bawat araw na malayo tayo ay isang araw na pinili nating magsakripisyo para sa kanila.

“Huwag na huwag mong sisirain ang sarili mo gamit ang sarili mong salita.”Kabaro, minsan hindi ibang tao ang pinakamabig...
20/08/2026

“Huwag na huwag mong sisirain ang sarili mo gamit ang sarili mong salita.”

Kabaro, minsan hindi ibang tao ang pinakamabigat nating kalaban—sarili natin.

“Hindi ako magaling.”
“Hanggang rating na lang siguro ako.”
“Wala akong naiipon.”
“Napag-iiwanan na ako.”
“Baka hindi talaga para sa akin ’to.”

Kapag pagod ka sa duty, napagalitan ng senior, bumagsak sa exam, hindi natanggap sa agency, o nakikita mong mas mabilis umaangat ang ibang kabaro, madaling magsalita nang masama tungkol sa sarili.

Pero tandaan mo: kung paulit-ulit mong sinasabihan ang sarili mong wala kang mararating, darating ang panahon na ikaw mismo ang maniniwala rito.

Palitan natin.

“Hindi pa ako magaling, pero matututo ako.”
“Wala pa akong malaking ipon, pero magsisimula ako.”
“Hindi ako natanggap ngayon, pero mag-aapply ulit ako.”
“Mabagal man ang progress ko, umaabante pa rin ako.”

Kabaro, marami nang pressure sa buhay-barko. Huwag mo nang dagdagan sa pamamagitan ng pagiging kalaban ng sarili mo.

Hindi mo kailangang maging perfect.

Kailangan mo lang patuloy na matuto, bumangon, at maniwala na may mas magandang bersyon ka pang puwedeng maging.

20/08/2026

Address

HXQH+RV3, Victoria St, Intramuros, Manila, 1002 Metro Manila
Manila
1002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Capt. Marlon Cataquis posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share