26/10/2025
Kahit ang dilim ay may ganda din.💞
Marami ang nagsasabing nakakatakot ang dilim,marahil dahil wala itong ibang kulay o anyo, ano nga ba makikita ng iyong mga mata sa kadiliman kung tila binubulag nito ang iyong paningin,
Kung ang mga mata mo ay walang makita dahil sa dilim, subukan mo na lamang ipikit ang mga ito, at humanap ng liwanag sa puso mo, gamitin mo ang puso mo upang makaaninag nang kahit kaunting liwanag para rito, doon makikita mo at masasabi mong...kahit ang dilim ay may ganda din.
Ang aking panulat
Liah...✍️