11/07/2025
TRIP REPORT: Onboard DLTB's Stallion Express (and bonus storytime!)
After ng dalawang araw na escapade natin in Bicolandia, we took DLTB's Lazyboy Class pabalik ng Metro Manila from Legazpi.
DLTB's Lazyboy Class, also known as "Stallion Express" is usually scheduled to depart from Legazpi at 06:30PM. Super comfortable ng upuan at halos naka-lie flat ang mga upuan. Similar sa mga business class offerings kapag naka-eroplano ka. Sobrang amazed din ako sa seatbelt sa bawat upuan dahil pang-eroplano talaga. Malamig din ang aircon all the way, kaya naman always bring your blanket for a more comfortable journey.
Travel time lasted for almost 13 hours to PITX, and we made several stopovers along the way sa Libmanan, Calauag at sa may Talipan. And here's where our storytime comes in!
During our 2nd stop sa Calauag, bumaba ako ng bus para makapag-inat ng kaunti. Naging habit ko na everytime na mag-iistop over kami, pinipicturan ko rin yung bus na sinasakyan ko. Yes, di sapat ang isang picture lang!
So after that stopver sa Calauag, pagbalik ko sa kinauupuan ko, dun ko na realize na parang naiwan ko yung cellphone ko sa kalsada. Bilang isang introvert at paalis na din kami by that time, hinayaan ko na lang na "maiwan" yung phone ko sa location. Nung mga panahon na yun, di na ako nakatulog sa biyahe habang ina-absorb ang realidad na wala na talaga ang phone ko.
Pagdating ko sa bahay, naisipan kong i-check ang Find my Mobile service ng phone ko, out of curiosity kung saan na nakarating yung phone ko (since yung katabi naming bus is papunta ng Leyte). To my surprise, nasa Quezon City ang last location ping ng phone ko! So, dun ko narealize na all along, naisakay ko pa sa bus yung phone ko at nahulog ito somewhere!
Dun ko naisipan na sadyain yung garahe ng DLTB at hanapin sa mismong bus na ito yung phone, baka sakaling andun pa. And to my surprise, naipit sa armrest yung phone!
Sa bus crew ng DLTB 28R, isang MARAMING MARAMING SALAMAT PO sa inyong tulong para mahanap yung phone ko! Maging way nawa itong post na ito na makarating ito sa DLTB Management para mabigyan kayo ng parangal.