26/04/2026
Isang Bukas na Liham para sa Kabataan
Mga minamahal naming Kabataan, lalo na sa mga patuloy na nagsusumikap sa kanilang pag-aaral:
Sa panahon ngayon, napakaraming organisasyon at grupo ang nag-aanyaya sa inyo na sumali. May mga tunay na layunin na magbigay ng kabutihan, ngunit hindi maikakaila na mayroon ding mga grupo na nagtatago ng masamang intensyon. Ang ilan ay nag-aanyaya ng pagkakaisa, ngunit sa huli ay nagdudulot ng kapahamakan hindi lamang sa inyo, kundi pati na rin sa inyong pamilya.
MAGING MAPANURI. MAGING MAPAGMATYAG. Huwag basta-basta sumali sa anumang organisasyon nang hindi sinusuri kung ito ba ay lehitimo, may malinaw na layunin at tunay na nakakatulong sa inyong pag-unlad bilang estudyante at mamamayan. Ang maling grupo ay maaaring magdala ng maling landas at maaaring magwasak ng kinabukasan.
Ang inyong kinabukasan ay mahalaga. Ang inyong pamilya ay umaasa sa inyo. Huwag hayaang malinlang ng matatamis na salita o pangakong walang laman. Piliin ang mga organisasyong nagbibigay ng kaalaman, kabutihan at inspirasyon hindi ng kaguluhan at kapahamakan.
Kayo pa rin ang pag-asa ng bayan. Ingatan ninyo ang inyong mga sarili, kinabukasan at dangal.
SA BAWAT DESISYON, SURIIN.
SA BAWAT HAKBANG, MAG-INGAT.
SA BAWAT PAGSALI, SIGURADUHIN.