Jasen Writes

Jasen Writes Let's wander into our deepest thoughts which is often our greatest friend, or perhaps, enemy.

06/06/2024

Hello everyone, I won’t be active dinhi na page po kay tungod this page is not safe anymore (ay?) kindly follow me nalang sa Jasen Writes thank youuu🥹😭

Para sa lahat ng working student na sinisikap makaraos sa hirap ng buhayAt dausdos ng pawis at matang dilatUpang sa umag...
21/05/2024

Para sa lahat ng working student na sinisikap makaraos sa hirap ng buhay
At dausdos ng pawis at matang dilat
Upang sa umaga ay makapag sulat
Habang sa gabi ay maiulat
Ang trabaho kay amo,
Saludo ako sayo.
Sana’y piliin mong magpatuloy
Sa kabila ng pagod at luhang dumadaloy
Sana piliin mong huwag sumuko
Kahit sa libong rason ng panibugho
Konti pa, konti nalang,
Sure akong aabot ka sa iyong paroroonan.

001

10/05/2024
29/04/2024

May mga pagkakataon na mapapagod ka:

Pareha karon, mapagod jud ka sa ka init sa panahon😣

Isa akong photographerMahilig akong maghanap ng magandang angle o di kaya may mga lugar na tina travelOo’t marami narin ...
18/04/2024

Isa akong photographer
Mahilig akong maghanap ng magandang angle o di kaya may mga lugar na tina travel
Oo’t marami narin akong nakuhanan,
Mga litratong kinulayan
Mga memoryang binabalikan

Pero sa lahat ng paksang aking naiclick—
Tila yata na stuck sa iyong mga ngiting nag patango sakin sabay sabing “ah so ito pala yung tinatawag nilang pag-ibig”
At totoo,
Simula nang makilala ka
Isa nalang ang pokus ng lente ng aking kamera
at ng mga mata
Iyon ay iyong mga labing makurba
Mataas na pilikmata
At ang buong kakulitan—
Gaya ng pagkuha ko ng litrato
Makuha ko rin sana ang iyong matamis na oo.

Ang mga mata’y nakapako pa itaas habang ninanamnam ang hiwaga ng iyong taasMap literal o idyomatiko, tinitingala kita hi...
17/04/2024

Ang mga mata’y nakapako pa itaas habang ninanamnam ang hiwaga ng iyong taas
Map literal o idyomatiko, tinitingala kita hindi lang dahil ika’y mataas,
Oo isa din naman yun sa rason,
Pero hindi naman ako mababaw kaya higit pa doon.

Aside sa gusto ko ng masapawan ng iyong genes at maging dominante para sa mga anak ko,
Tipo ko rin talaga yung tulad mong matangkad,
Ang cute kasi tingnan kapag naka backhug,
Cute rin nung kakailanganin mong yumuko para ipantay ang mga mata at titigan ang aking ngiting pinipinta—
Basta,
Tipo ko yung matangkad, para kahit manliit man ako sa sarili, mataas naman ang bilib ko na mahal moko pre.

May mga bagay akong affordKagaya ng pandesalsabayan ng pagmamahal,Kagaya ng bobot na pisoO di kaya tatlong stick-oPero a...
16/04/2024

May mga bagay akong afford
Kagaya ng pandesal
sabayan ng pagmamahal,
Kagaya ng bobot na piso
O di kaya tatlong stick-o

Pero ang di ko afford—
Ay ang aking pangarap

Sabi libre, eh bakit di ko afford?

Hays, siguro mag iipon na muna,
Ng buntong hininga,
Ng malawakang pag unawa kay ama’t ina
Ng lakas ng loob para bumangon sa katreng hindi narin nakakapagpahinga
Pagkat siyang tanging nakakarinig ng aking hinaing
at nakakaramdam ng tuhod na piko sa tuwing
kinakausap ko ang pwede kong utangan sana—
Kagaya ng utang kong buhay,
Lord pwede dagdagan mo rin ng pera?

Narinig kong binulong nya ang “libre”
Kaya namay napalundag sa tuwa
Pero sa isang kondisyon—sabayan mo ng gawa

Hmm, kaya sa uulitin, ako muna’y mag iipon
ng isang mangkok na pag ibig sa pangarap
at lakas para itoy matupad nang sagad.

14/04/2024

Ipriority mo naman ako

Spent the sabbath in a city jail today (it’s the first time and probably won’t be the lastttt) One thing I realized…they...
13/04/2024

Spent the sabbath in a city jail today (it’s the first time and probably won’t be the lastttt)

One thing I realized…they have a life too; they know how to sing, to smile, to mourn, to feel remorse—and to praise God. Truly, God loves people, even the most evil ones in the eyes of humanity. To be able to reach them and tell them the good news—is such a wonderful sight to the Lord.

The 20+ souls in jail who accepted Him today through baptism? They sure are listed in the book of life. Thank you pastors, laymen, preachers, and all messengers of God who never gave up on them, and to those who have given up on them, may you find them not a hopeless case because they are not—as long as eternity since Jesus’ death as price of our sins has no expiry date.

Hays,Ibang klase ka nga,Hindi ko abot, ang pila ay masyadong mahabaPero sana may priority lane,PWD po, Person With Desir...
09/04/2024

Hays,
Ibang klase ka nga,
Hindi ko abot, ang pila ay masyadong mahaba
Pero sana may priority lane,
PWD po, Person With Desire—o di kaya PWDe for you,
O di kaya senior citizen, hindi ako matanda, sadyang ilang years nang ikaw lang ang nag iisang binata na ginagawan ko ng tula
Hindi ko naman pwedeng irason na buntis, kasi baka magalit ka’t ito pay maging drama
“Sino ang ama ng iyong dinadala”
Hindi ko naman pwedeng sabihin na ikaw, kasi never mo nga akong binigyang tanaw

O diba? Pero uy, i priority mo na kaya ako?

03/04/2024

Address

Davao City

Telephone

+639633139074

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jasen Writes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share