02/08/2026
UNANG ROCKET NG PILIPINAS, BUBUKSAN SA CAGAYAN VALLEY SA 2027
CAGAYAN, Philippines β Target na magbukas sa susunod na taon ang kauna-unahang Philippine Spaceport sa Cagayan, kasabay ng nakatakdang pagsasagawa ng unang liquid-fueled sounding rocket launch mula sa lupain ng bansa.
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layunin ng pamahalaan na maitaguyod ang Cagayan bilang "gateway to space" ng Pilipinas at sentro ng aerospace development sa bansa.
Ayon sa Philippine Space Agency (PhilSA), ang 10-talampakang sounding rocket ay magdadala ng lokal na binuong payload na may bigat na hanggang 2 kilo. Inaasahang aabot ito sa mahigit limang kilometro ang taas bilang bahagi ng pagsubok sa kakayahan ng Pilipinas sa rocket launch operations at pagbuo ng sariling teknolohiyang pangkalawakan.
Tinatayang β±17.5 bilyon naman ang kakailanganing puhunan para sa pagpapaunlad ng Philippine Spaceport sa Cagayan sa ilalim ng public-private partnership (PPP). Inaasahang magbubukas ang proyekto ng mga bagong oportunidad sa aerospace industry, satellite technology, pananaliksik, at paglikha ng trabaho.
Kapag natuloy ang proyekto, magiging kauna-unahang bansa sa Southeast Asia ang Pilipinas na magkakaroon ng commercial spaceport na may kakayahang magsagawa ng rocket launches mula sa sariling teritoryo. |via PhilSA
This news update is brought to you by