KAGAT NG DILIM

KAGAT NG DILIM Storya na puno ng kababalaghan.

13/12/2022

Ctto..

Title:silent

Kuya:bunso utos ni mama pumunta ka daw basement kunin mo yung battery
Bunso;ayaw ko nga kuya madilim tiyaka nakakatakot
Me:kuya kasi ikaw na kumuha lagi nalang si bunso inuutusan mo
Kuya:putyang inang yan talaga oh sge pag tulungan niyo ko wala kayong chocolate sa akin pag dating ni mama at papa
Me:edi wala tara na nga bunso sa labas

Naglalaro kami ni bunso nang bola sa labas nang mapansin namin na ang tahimik sa bahay kaya hinayaan nanamin maya maya pay dumating na sila mama at naparipas takbo kami ni bunso
Bunso:mama papa
Me:maa paa
Mama:oh ang kuya niyo
Me:edi asa bahay po nag computer
Mama:ehh tara na hon buhatin muna yung mga pasalubong
Bunso:yeshey

Pumasok na kami at tinawag ko si kuya pa ulit ulit pero wala pa din i decide na bumaba sa base ment at doon nakita ang mala web nang gagampa na duguan naka sabit lahat napasigaw ako at narinig nila mama at papa at bunso
Napahagulgul ako nang iyak kay mama noon
Me:maaa si kuya maaa
Papa:jusko anakkkkkkkkk
Mama:anakkkk kooo
Bunso:kuyaaa

Tumawag na nang pulis noon si papa at inayos mula noon ang masayang pamilyang santos namin ay naging tahimik at kakaiba simula noong mamatay si kuya.

10 years later
Me:maa papasok na po ako bunso tara na
Mama:huh sinong bunso kinakausap mo anak?
Me:maa edi si bunso nu bayan tara na nga bunso
Bunso:bye bye mama
Mama:anak sandali lang

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni mama at umalis na kami habang pag pasok ko sa gate nang aming pa aralan ay napansin kung pinag titinginan kaming mag kapatid merong lumapit sa akin
Boy:beh sino kausap mo ang weird mo
Me:sino ka para sabihing ang weird ko ikaw nga bulag malamang kapatid ko kausap ko
Boy;ahhh ehhh bye na
Ringggggg
Oh pumasok kana bunso huh
Pumasok na ako sa class namin at may dumabi sa aking babae at nagsabi at pinakita ang pic na wala akong kasama

Me:impossible?
Clara:nku ka
Me:kuyaa bunso? Pumatay?basement?
Clara:ano
Me:siiii b-b-unso ay multo ang pumatay kay kuya
Part 2 mamaya

Ctto.."KATOK"Hi sa mga admin sa naman mapost nyo po itoKababalaghang naranasan ko sa aming bahay 2:40 am ng madaling ara...
04/11/2022

Ctto..

"KATOK"

Hi sa mga admin sa naman mapost nyo po ito
Kababalaghang naranasan ko sa aming bahay
2:40 am ng madaling araw nakahiga ako sa k**a sa loob ng kwarto ko ang ginagawa ko ? Wala lang nag efb lang hindi kase ako makatulog ng gabing iyon nasanay na akong matulog ng saktong 3am minsan pa nga 4 na ih pero 3am naman ako nakakatulog gabi gabi. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito nakakakilabot.
ung alam mong papikit kana tapos biglang may kumatok ng malakas sa pinto tatlong beses biglang nanlaki mata ko kase wala eh lahat tulog na napatingin ako sa cp ko pag tingin ko saktong 3am mygodd ghost time na pala tapos May narinig ako nag uusap sa labas sa sala.
Edi lumabas ako ng kwarto ko nakita ko si mama tsaka si tita nag uusap .
Tapos paglabas ko nakatingin sila sakin at nag tanong ung mama ko
" nak. bat gising kapa? "
"Ma. may narinig kase akong katok sa pinto tatlong beses ang lakas po eh kayo po bat gising pa po kayo? "
"Narinig mo rin nak. Ang lakas noh? Andito kami ni tita mo.nag uusap narinig din nya kase "
Nag stay kami sa sala.
Napakatahimik halos wala kang maririnig. Ung antok ko nawala dahil dun sa malakas na katok kanina. Si papa naman maagang umuwi kaya imposibleng si papa yun? Ganun din kase ung katok ni papa malakas tsaka tatlong beses din pero sumisigaw ng "BUKAS NYO NGA" pero ang tanong ko kila tita at mama. 'sino ung kumatok ng malakas sa pinto ng tatlong beses? Sa ganitong oras' pero ang sagot nila baka daw may nangtritrip o may taong lasing na kumatok ng malakas na baka akala niya bahay nila.
Pero d ako naniniwala sa sinabi nila.
May nangtritrip ganitong oraas f*ck. Ang creepy na nito.
Mga 3:25 wala na. Hindi na kumatok
Baka tama nga sila tita at mama baka nga ay trip lang iyon o may kumatok na taong lasing na akala nya ay bahay nila.
Kaya ang sabi ni mama pumasok na daw ako sa kwarto at ganun din ang sabi nya kay tita pero ung pagpasok ko palang
may kumatok na naman ng malakas.
Alam nyo ung tambol kapag pinalo ang lakas so ganun po sya kalakas.
Tatlong beses na naman.
Dun nag umpisang tumayo ang mga balahibo ko ganun din kila mama at tita halos mapapaiyak nako sa takot .
Gusto kong buksan ung pinto pero pinipigilan ako ng nanay ko .
Tapos humakbang ako papalapit sa pinto kumatok ng malakas dalawang beses nag salita ako " SINO YANNN? KUNG SINO KA MAN WAG KANG KUMATOK SA PINTO ANONG ORAS NA EH"
Tapos tumigil ng 2 minuto maya maya sunod sunod na ung katok nyaaa grabe sobrang creepy na. Umiiyak nako sa takot. Pinapasok na ako ni mama sa kwarto pag pasok ko agad akong nag taklob ng kumot sa sobrang takot hanggang sa nakatulog kaya kinabukasan hindi ko na alam kung anong ginawa ni tita at mama dun sa pinto. Ewan ko kung binuksan nila or what? Basta.
Nagtanong naman ako kay mama kung anong ginawa nila nung gabing iyon pero d sya sumagot.
Sana po magustuhan nyo ung kwento ko
sorry po kung mahaba
mga admins sana ipost nyo po tong kababalaghang narasan ko sa aming bahay . Maraming salamat po.

-J

Ctto..PANAGINIPNaranasan mo na ba managinip ng sobrang linaw? Yung sa sobrang linaw, akala mo totoong nangyayari talaga....
04/11/2022

Ctto..

PANAGINIP

Naranasan mo na ba managinip ng sobrang linaw? Yung sa sobrang linaw, akala mo totoong nangyayari talaga. Ako kasi Oo, at halos wala na itong pinag kaiba sa paningin pag gising ka.

Nangyari to ngayon, july 15, 2021. Maaga kasi ako nagising 8am ata yon or 9am para umihi, then natulog din ako agad maya maya lang.

Sa panaginip ko, bumalik daw ako sa dati naming bahay, tas yung ate ko nasa cr matutulog kaya pinagsasabihan ko pero di siya sumasagot, tinanong ko rin kung ano ba mas okay, mag trade ba or mag benta nalang, no response talaga.

Maya maya bigla nalang umangat yung kumot na nasa likod ko, diko alam kung bakit, pero ito yung naging dahilan para di ako makagalaw agad, kasi sumabit to sa gilid, then bigla nalang lumamig yung kapaligiran.

Pagpunta ko sa sala, dito nako medyo naghinala na may kakaibang nangyare, kasi nasa cr ate ko kanina, then bigla nalang siyang napadpad dito sa sala tas nag ccp, tas lalo pa lumala yung hinala ko nung nakita ko yung mama ko na nasa sala na rin at nag ccp, ang pagkakaalam ko kasi nasa kwarto si mama at tulog na.

Hinayaan ko lang, kasi sobrang linaw eh, di mo talaga aakalain na panaginip lang, hanggang sa pumunta ako sa gitna nila at binalak ko tiklupin yung kumot na nasa likod ko, kasi ang laking sagabal talaga.

Pag buklat ko ng kumot ko dahil ipapagpag ko muna bago itupi, nagulat ako kasi may nakita akong mga aninong k**ay sa likudan ng kumot ko, siguro dalawa ata yun then bigla nalang tumitig sakin ng masama yung kapatid kong bunso na nag mml, kinilabutan nako sobra niyan pero di ko alam, inulit ko pa rin kasi naisip ko baka namamalikmata lang ako kasi napakalinaw talaga ng panaginip na to, tas pag ulit ko, naging apat siya, tas pag ulit ko ulit, sobrang dami na, tas pag bitaw ko sa kumot ko, dito na nagsimulang maging masama yung titig nilang lahat sakin.

Kinabahan ako ng sobra at natakot, yung panganay kong ate, mula sa panonood ng t.v, bigla nalang umikot yung ulo niya tapos tumayo at papalapit sa akin, dito ko naman napagtanto na panaginip lang ang lahat ng ito pero sobrang natatakot na talaga ko, pero ang tanging ginawa ko lang ay nanalig sa Diyos.
Ilang ulit kong binanggit yung Panginoon wag niyo po akong papabayaan, sumisigaw ako pero walang boses, napakapit ako sa upuan ng sobrang higpit at walang ibang sinabi kundi ayun. Kaya ibinitaw ko sa pagkakahawak sa upuan yung isang k**ay ko at nag Sign of the Cross ako, pagkatapos non, ilang ulit kong sinabi ang Amen, Amen, Amen, pero papalapit pa rin ng papalapit sakin yung mukha ng nanggagaya lang sa ate ko at halos magdikit na yung mga mukha namin.

Dito ko na naisip na pumikit, naramdaman ko na parang lumiwanag ang lahat at parang pumitik yung dibdib ko ng dalawang beses.

Ginalaw ko yung paa ko ng dalawang beses para makasigurado na hindi na ito panaginip, nang magalaw ko ang paa ko, inisip ko kung anong oras na, bigla ko naalala na gumising na pala ko kaninang umaga at natulog lang ulit. Pag bangon ko, para akong hindi natulog. Sobrang natatakot pa rin ako hanggang ngayon pero alam kong mas malakas ang paniniwala ko sa Panginoon sa kahit na anong mangyari. Tanong ko lang po, kung hindi ko kaya napansin na parang may mali don or panaginip pala yun kasi sobrang linaw, ano po ba ang posible na mangyare?

-M
(Admin: Wag niyo pong kalimutan na i-like and follow ang aming page para laging updated sa mga ganitong kwento. Salamat.)

Ctto..* Bangungot* (sleep paralysis)Magandang Gabi Bayan.. Ito pong ishe- share ko ngayon ay totoo pong nangyari sa akin...
20/10/2022

Ctto..
* Bangungot* (sleep paralysis)

Magandang Gabi Bayan..

Ito pong ishe- share ko ngayon ay totoo pong nangyari sa akin. Matagal na po itong karanasan ko kya hindi ko na masabi ang date.short story lamang po ito kaya pag tyagaan nyo nalang po..

Nung panahon po na yon ay mag isa po akong nangungupahan sa lugar ng GENSAN. Nangyari po ito bandang alas kwatro ng umaga. Explain ko lang po na natutulog po ako na nakabukas ang ilaw., ayoko pong naka off ito dahil pakiramdam ko po ay my mga nakatitig sa akin or my mga lumilipad sa harapan ko,. Nung time na yon Nagising po ako dahil nakaramdam ako ng pagka ihi. Nung natapos ako ay babalik na sana ako sa paghiga ngunit nakita ko sa phone ko na ilang minuto nalang ay malapit ng mag ala-singko, kaya naisip kong i-off na ang ilaw dahil baka anung oras na akong magising at sayang ang kuryente, baka tamadin din ako sa pagbangon kaya napag desisyunan ko na i-off ito. Naisip ko din kasi na mag uumaga na kaya papaliwanag na ang langit. Pagka off ko ng ilaw ay medyo matagal bago nakapag adjust ang mata ko sa dilim. Nakita ko din sa siwang ng kabilang kwarto na naka bukas pa ang ilaw nito kaya komportable akong nahiga na. At dito na nag simula ang pagka SLEEP PARALYSIS KO!! Kakahiga ko palang noon at tanda kong sigundo palang ng ako'y nakapikit ay nakaramdam na ako ng bigat sa aking katawan. Nakatagilid po ako ng paghiga noon at nasa gilid ako ng k**a kaya hindi ko maisip na magkaka sleep paralysis ako. Nung maramdaman ko ang pagkabigat ng aking katawan ay kasabay nito ang nakakatakot at malakas na boses ng di ko mawari kung babae o lalaki dahil sa boses nitong parang galit at tunog lamang ang aking naririnig. Pinilit ko pong tumagilid, nilalabanan ko po ang pwersa na nasa katawan ko ngunit hindi ko ito kaya. Ang pakiramdam ko po noon ay hindi ang aking katawan ang kanyang pwersang tinutulak kundi ang aking kaluluwa at pilit na pasukin ang aking katawan. Pasalamat po ako nung time na iyon dahil nakatagilid ako ng pagkahiga dahil ang aking k**ay ay naka pwesto sa bandang dibdib ko at nakatukod ito sa higaan kaya nalalabanan ko ang pagtulak nya upang hindi ako mahulog. Pilit ko din itong nililingon ngunit naninigas ang aking leeg. Hindi ko ma-igalaw ang buo kong katawan. Naisip ko ding galawin ang dulo ng aking daliri sa k**ay at paa ngunit walang epekto ito kaya ang tanging pag asa ko nalamang nung oras na iyon ay ang humingi ng tulong sa KANYA!! Ang aking pag usal ng kanyang pangalan ang pa ulit2x na nabibigkas ko sa aking utak. Pa ulit2x kong sinambit at humingi ng tulong ky PAPA JESUS nung oras na iyon. Mga ilang minuto din ang nag daan bago ko maramdaman na medyo gumaan yung pakiramdam ko kaya nung naka galaw na ako ay dali2x akong bumangon at binuksan ang ilaw.. Sa sobrang takot ko ay hindi na ako nakabalik sa pagtulog kaya naupo nalang ako sa higaan at inisip ang nangyari. Takot na takot talaga ako nung time na iyon dahil nag iisa lang ako.. Buti at naka survive ako sa tulong ng nasa itaas..

Kaya ang masasabi ko lang, wala talagang oras na pinipili ang mga masasamang elemento kaya parati lamang tayong manalangin at manalig sa kanya.. Humingi lang po tayo ng tulong at tayo ay hindi nya tatalikuran!! 🙂

Sa mga my kwentong kababalaghan o katatakutan na inyong naranasan.. pwde kau mag message upang ibahagi ang inyong karana...
20/10/2022

Sa mga my kwentong kababalaghan o katatakutan na inyong naranasan.. pwde kau mag message upang ibahagi ang inyong karanasan o kwentong kababalaghan, sisikapin q pong ipost agad ng inyong kwento.. Maraming Salamat.🙏

Ctto.."SHORT HORROR STORY"TAGALOG HORROR STORY TIME!!Isang gabi, isang estudyanting babae angnakasakay sa isang jeepney....
05/10/2022

Ctto..

"SHORT HORROR STORY"

TAGALOG HORROR STORY TIME!!

Isang gabi, isang estudyanting babae ang
nakasakay sa isang jeepney. Siya lang ang nag-
iisang pasahero nung oras na iyon.
Napansin niyang biglang lumihis ng ibang daan ang
drayber, daang hindi patungo sa kanyang
pupuntahan. Tinanong niya ang drayber,
"Manong hindi po 'ata 'tu daan patungo sa dorm
ko!"
Makalipas ang limang minuto ay ibinalik nang
mama ang jeep sa totoong daan papunta sa
kanyang dorm.
Nang makarating sila, bumaba ang babae.
Sinabi sa kanya ng drayber,
"Neng, pagpasok mo hubarin mo kaagad damit mo
at kung pwede sunugin mo. Iniba ko yung rota kasi
pagtingin ko sa salamin kanina,
wala kang ulo."
Nako po manong baka na malikmata lang po kayu, Hindi iha totoo ang mga sinabi ko sayu sundin mo na lang ako iha baka may mangyaring masama sayu....
Sige po manong kahit hindi po ako naniniwala sayu susundin ko na lang po, pero manong salamat po kong iyon po ay totoo....

Address

Brgy. G. De Jesus
Cavite
4117

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KAGAT NG DILIM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to KAGAT NG DILIM:

Share

Category