12/06/2026
"Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan"
Isang Mensahe ng Bagong Bayani mula sa Saudi Arabia Maligayang ika-128 Araw ng Kasarinlan sa ating mahal na Pilipinas! Kahit libo-libong milya ang agwat ko sa ating lupang sinilangan, ang tibok ng puso ko ay nananatiling para sa pamilyang aking binubuhay at sa bansang aking pinapangarap na masaksihang umunlad. Narito ako sa ilalim ng init ng araw ng Saudi Arabia, patuloy na nakikipagsapalaran upang bigyang-daan ang mas magandang Kinabukasan para sa aking (pamilya) kapatid, at magulang.Ang araw na ito ay hindi lamang pag-alala sa ating Kasaysayan at sa katapangan ng mga bayaning nakipaglaban para sa ating bandila noong Hunyo 12, 1898. Para sa ating mga OFW, ito rin ay pagpupugay sa sarili nating pakikibaka sa modernong panahon. Ang ating Kalayaan ngayon ay nasusukat sa ating kakayahang magsakripisyo, magtiis ng lungkot, at magpunyagi nang may dangal sa banyagang lupain upang maiangat ang ating mga pamilya mula sa kahirapan.Gaya ng panawagan ng ating komunidad sa Philippine Consulate General sa Jeddah, nawaโy patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa at bayanihan. Ipakita natin ang husay, integridad, at busilak na puso ng Pilipino sa bawat sulok ng Saudi Arabiaโmula sa mga ospital, kumpanya, konstruksyon, hanggang sa mga tahanan. Mabuhay ang manggagawang Pilipino! Mabuhay ang malayang Pilipinas!