Mga Kwento ni Kuya Hari atbp.

Mga Kwento ni Kuya Hari atbp. Samu't saring kwento para sa mga samu't saring nilalang

28/07/2022

MISIS : Hon, delayed ako sa regla ng one month. Pero wag mong ipagsabi sa iba kasi nakakahiya.

Kinabukasan may dumating na taga-MERALCO sa bahay nila.

MERALCO : Ma'am, delayed po kayo...one month.

MISIS : Ha!? Pa'no mo nalaman?

MERALCO : Nasa record po namin.

MISTER : Aba! Bakit naka-record dyan na delayed ang MISIS ko?

MERALCO : Kung gusto nyong mawala ang record, magbayad kayo.

MISTER : Eh kung ayokong magbayad?

MERALCO : Eh di puputulan ho namin kayo.

MISTER : Tarantado ka pala eh! Ano'ng gagamitin ng MISIS ko!?

MERALCO : Pwede naman ho siyang gumamit ng kandila.....

27/07/2022

Me ikukuwento ako...☚

Alam nyo ba kung bakit sa tuwing tayo ay kakatok sa isang bahay, palagi nating binibigkas ang salitang: "Tao Po"...? 🙄

Bakit sa palagay nyo..? ðŸĪ”🙄

Ito ay dahil noong panahong usong uso pa ang mga ASWANG at mga Di-Pangkaraniwang Nilalang; sa sobrang takot ng mga sinaunang tao na makapagpapasok ng aswang sa kanilang bahay, nag kasundo sundo sila na magkaroon ng secret code pag kakatok sa pinto para mapagbuksan... at ito nga ay ang katagang "Tao Po, Hindi Aswang Po."
Naniniwala din sila na ang mga aswang ay walang kakanyahan na bigkasin ang katagang "Tao Po, Hindi Aswang po." ðŸĪŠ
..na sa kalauna'y, naging "tao po" na lang ang ating binibigkas, na magpa hanggang ngayun ay atin pa ring ginagamit pag kakatok sa tarangkahan o sa pintuan ng bahay. 😇😁👍


TRIVIAAlam nyo ba na si BATMAN eh nag exist sa Mesoamerican Mythology?Ibig sabihin, hindi sya character na nacreate lang...
27/07/2022

TRIVIA

Alam nyo ba na si BATMAN eh nag exist sa Mesoamerican Mythology?
Ibig sabihin, hindi sya character na nacreate lang ng DC Comics... Nasa mythology sya, daan-daang taon na ang nakakalipas...
At ang original name nya ay....

CAMAZOTZ


Hehehe...Tama naman nga 😜ðŸĪĢ😂
23/07/2022

Hehehe...

Tama naman nga 😜ðŸĪĢ😂

23/07/2022

May tatlong lalaki ang nagkasala sa kanilang tribu*

Hari: Dahil kayong tatlo ay nagkasala......humayo kayo sa gubat at kumuha kayo ng tig sampung prutas na magkapareho

*Naunang dumating si Juan na may dalang sampung santol...*

Hari: ipasok lahat sa pwet ni juan ang sampong santol... Kailangan hindi magkaroon ng reaksyon na nasasaktan o tumatawa ang nag kasala... kung sino man ang lumabag ay pupugutan ng ulo...

*Unang santol palang ay sumigaw agad si juan sa sakit at agad siyang pinugutan ng ulo*

*Sunod na dumating si Pedro na may dalang sampung ubas... naipasok nya ng siyam na ubas at biglang tumawa ng malakas... at pinugutan sya ng ulo...nagkita si juan at pedro sa langit...*

Juan: ligtas kana sana sa pang sampu pero bakit ka tumawa??

Pedro: Taena nakita ko si Berto may dalang sampung durian..hahaha

Ang Engkantada ng MakulotAng mga naninirahan sa munting bayan ng Cuenca ay maligaya, matahimik at matakutin sa diyos. An...
17/07/2022

Ang Engkantada ng Makulot

Ang mga naninirahan sa munting bayan ng Cuenca ay maligaya, matahimik at matakutin sa diyos. Ang Cuenca ay tirahan ng mabait na prinsesang reyna ng Makulot. Siya ay mahiwaga. Ang kanyang kinalulugdang alaga ay Torong Ginto. Ang Torong Ginto, katulad din ng pangkaraniwang baka, ay malimit makitang nanginginain ng damo sa kaparangan.

Ang Torong ito ay siyang tulay ng pag-iibigan at pagmamagandang-loob ng mga mamamayan at ng prinsesa. Ang prinsesa ay napakabait at mapagkawanggawa sa mga taong dukha. Dahil sa Torong Ginto nabibigyan ng salapi ng prinsesa ang mga mahihirap na nangangailangan ng tulong upang ipagtawid-gutom.

Sila ay dapat may mabuting budhi't malinis na asal. Nguni't kung ang mga tao'y mahilig sa pagkakasala wala silang hihintaying gantimpala sa prinsesa.

Lumakad ang mga araw at ang mga mamamaya'y nakalimot sa magandang halimbawa at malinis na pamumuhay. Dahil diya'y nawalang bigla ang Torong Ginto. Nawala rin ang prinsesa.

Sakali mang makita ang Torong Ginto, ito'y nangangahulugang magkakaroon ng gutom, salot, sakit at kung anu-anong sakuna, kaya ang mga tao ay nagprusisyon, nagdasal, nagpamisa at tumutupad ng sarisaring pangako sa kanilang mga anitos.

Naging hampas na parusa ng mga anito sa mga tao ang paglabas ng Torong Ginto. Kung makita ang Torong Ginto, ito'y babalang matutuyo ang mga halaman o di kaya'y magkakaroon ng malaking baha o masamang ani.

Ang raha't lakan ng magkakaratig na balangay ay nagkaisang tumawag ng pulong. Kanilang isinaalang-alang kung ano ang dapat gawin upang ang Torong Ginto ay huwag nang makita. Pinagkaisahan ng lahat na ang pinakamatapang at makisig na binata at subok na kawal ay ialay sa prinsesa upang maalis ang kanyang galit.

Ang kaawa-awang binata ay itinali sa puno ng kahoy upang sunugin. Di-umano'y ang usok nito ay isusubo sa Reyna ng Makulot. Anong pagpapakasakit!

Nang kakanin na ng apoy ang bagong taong ubod ng tapang ay siyang paglabas ng Torong Ginto sa yungib ng bundok. Sakay rito ang Engkantada ng Makulot. Iwinagayway ng prinsesa ang kanyang mahiwagang baston.

Ang binata ay tinangay ng hangin at naagaw sa nagngangalit na apoy. Sa isang iglap ay iniupo siya sa Torong Ginto. Ang prinsesa at binata na kapuwa sakay ng Torong Ginto ay pumasok sa yungib ng bundok. Ang Torong Ginto mula noon ay hindi na napakita.

Ang mga mamamayan naman, dahil sa takot na baka sumipot uli iyon, ay nagbago na rin at nanatiling mabubuting tao.

CTTO:

15/07/2022
15/07/2022

Si tatay bumili ng lie detector robot na nananampal sa taong sinungaling.
Nagdesisyon siyang subukan ito kinagabihan.

Tatay: Anak, pumasok ka ba sa school nyo ngayun?
Anak: Opo, tay.
(Sinampal ng robot ang anak.)
Anak: Oo na! nanood kami ng classmates ko.

Tatay: Anong pinanood nyo?
Anak: Kung Fu Panda.
(Sinampal ulit ng robot ang anak.)
Anak: Ok sige, p**n po.

Tatay: Ano? Alam mo ba noong kasing edad mo pa lang ako hindi ko alam yang p**n movies.
(Sinampal ng robot ang tatay.)

Nanay: Hahahahaha! Kunsabagay mag-ama nga talaga kayo.
(Sinampal ng robot ang nanay.)

09/07/2022

Sa akin lumapit at nag inquire,
Pero sa iba bumili kasi mas mura...
Tapos, lumapit ulit
Ano daw gagawin kasi me issue ung item

09/07/2022

Welcome to our Page...

Enjoy your reading...

09/07/2022

Anger is your body's reaction to somebody else's inability to do good.

Address

Batangas City

Telephone

+639760214966

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Kwento ni Kuya Hari atbp. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share