18/07/2026
Minsan, napag-uusapan namin sa grupo kung nakakasawa na rin ang paulit-ulit na eksena sa Baguio. Sa tuwing may photowalk, halos iisa lang ang rutang dinadaanan at pamilyar na ang mga lugar na kinukunan namin ng litrato.
Pero siguro, iyon din ang dahilan kung bakit espesyal ang Baguio para sa amin. Sa dami ng beses naming naglakad sa parehong mga kalye, halos kabisado na namin kung saan pinakamagandang sumalo ng liwanag sa isang partikular na oras, saan dapat maghintay para sa tamang eksena, at kung sinu-sino ang mga taong handang ngumiti kapag itinapat mo ang kamera.
Oo, paulit-ulit ang ruta, pero hindi kailanman pareho ang kuwento. Laging may bagong sandali, bagong mukha, o kahit isang larawang sapat na para umuwi kaming nakangiti.
At bago kami maghiwa-hiwalay, lagi na lang may magsasabi...
"Sa next putowok ulit ha" 📷