16/02/2024
Sa di inaasahang pagkakataon muli kang kumatok
'Di naman kita pinapasok pero may bigla kang inalok
Ayos na ako sa estado ng utak ko kung tutuusin di naman kita kailangang pansinin
Pero heto ka, masayang nagbabalk
Pinapaalala sa akin na di ka naman nawala, sadyang di lang kita nararamdaman
At sa panahon na di kita kailangan doon mo nakontrol ang aking utak
At kahit na ayoko sayo.. Malugod kitang yayakapin at ipapaintindi sa sarili
Ang gusto mong ipabatid.
Sana wag kang magtagal
Sana wag kang maging komportable
Sana pagtapos mo akong turuan ay bigla kang umalis
KALUNGKUTAN.