08/05/2023
July 21,2022 at the mall of Trabzon,Turkey
Nagbabakasyon po kami kasama ang mga amo naming Kuwaiti.. sa loob ng mall habang nakaupo ako at hinihintay kong matapos ang mga amo ko sa pamimili nila..biglang may nag abot sakin ng bulakalak na dilaw,,,nagulat ako,at pagtingin ko sa may hawak ng bulaklak isang batang babae na nakangiti habang iniabot nya sakin ang bulaklak,,hindi ako nakapagsalita...nakanganga na manguti ako sa ginawa ng bata...tapos tinuro nya ang kanyang ina..na sya palang nag utos na ibigay sakin ang bulaklak nato...bilang stranger sa lugar nila...hindi ko alam kung paano ko sila mapapasalamatan....at sa bilis ng pangyayari..walang salitang lumabas sa aking bibig kundi isang ngiti ng pasasalamat lng...habang silang mag ina ay masayang nagpaalam sakin na umalis na...hindi ko alam pero sobrang saya ko..parang gumagaan ang pakiramdam ko nung time na yun....naisip ko at narealized ko na kahit pala sa konting effort ng isang tao kahit hindi mo kilala..pwede mo palang mapagaan ang loob nila...hindi ko alam kung ano ang nakikita nila sakin nung oras na yun...pero sobrang naapreciate ko yong ginawa nila...nakakagaan talaga ng saloobin yun..
Ang tanging hiling ko lng ngayon..na sana makita ng mag nanay kung gaano ako nagpasamat sa ginawa nila sakin....hindi ko man lng sila malitratuhan dahil sa gulag ko talaga at sa bilis ng pangyayari....at sa tingin ko po ng mag nanay is isa po sila sa mga naglalako ng mga bulaklak doon sa lugar na yun...I know it's unbelievable.....pero hanggang ngayon...iniisip ko pa din..kung kailan ko sila makikitang muli..para makapagpasalamat sa kahit konting bagay na ginawa nila sakin...pero sobrang damang dama ko yong biglang gumaan ang pakiramdam ko....alam ko guys may relate po dito!!sana umabot ang post ko sa boung mundo!!!God Bless Us po!!!!