Nonoccular

Nonoccular Spinal cord injury survivor ⚫️ sometimes I write poems ⚫️ sometimes I take photographs

04/08/2026
Parking SeryeGaling ako sa training sa Robinsons Gen. Trias at palabas na kami ng mall nung nakita namin yung motorista ...
02/07/2026

Parking Serye

Galing ako sa training sa Robinsons Gen. Trias at palabas na kami ng mall nung nakita namin yung motorista na nagpapark sa access aisle ng parking ( yung mga linya sa pwd parking).

Tinawag na access aisle ang mga linya na yun para maluwag na makagalaw ang PWD people na may mobility issues katulad ko na nakawheelchair.

HINDI PO PARKING SPACE ANG ACCESS AISLES NG PWD PARKING

Sinabihan namin si sir na hindi nga parkingan ng motor yun. At biglang nag escalate ang boses ni sir at dinahilan na ang asawa nya ay nagda-dialysis (sa loob ng mall i guess?).

Wala po kaming kaso sa asawa nya na wala naman dun. Okay, PWD din ang asawa nya. Pero ang point na gusto namin iparating ay hindi parking space ang access aisles na yun. Sana hinintay na lang nya kami makaalis bago nya ipark ang motor nya sa gitna ng pwd parking space kung nasan kami.

PERO HINDI. SINIGAW SIGAWAN NYA KAMI
AT SINASABING NAGYAYABANG KAMI PORKE NAKASASAKYAN KAMI. Walang pagmamayabang kaming sinabi. Binalikan nya pa kami para duru-duruin at talakan na pare pareho daw kaming mapupunta sa langit.(??) Sana di daw malumpo katulad ko ang partner ko na kasama ko. 🤦🏻‍♀️

Sobrang lakas ng paninigaw na ginawa nya. Pati yung guard wala man lang nagawa para i de-escalate yung sitwasyon.

Sinabihan ko sya na tumigil na sya. Hinarangan pa nya yung pinto para di ko masara. Hanggang sa pag-alis namin nagrereklamo sya dun sa guard na para bang kami pa yung mali?

Kami ba ang mali?

04/06/2026

29/04/2026

Awarding Ceremony for the ASEAN para games medalists

11/04/2026

Thank you again kuya Jan Russel ng J&T Kapitolyo

住所

Kashima-shi, Ibaraki

アラート

Nonoccularがニュースとプロモを投稿した時に最初に知って当社にメールを送信する最初の人になりましょう。あなたのメールアドレスはその他の目的には使用されず、いつでもサブスクリプションを解除することができます。

ショートカット

  • 住所
  • アラート

共有する