Joyce in Bahrain

Joyce in Bahrain what's mine is yours,,���no one will take it away�

( PAHAYAG 8 : 3 ) Dumating ang isa pang anghel na may dalang gintong sunugan ng insenso at tumayo sa harap ng dambana. B...
23/01/2026

( PAHAYAG 8 : 3 ) Dumating ang isa pang anghel na may dalang gintong sunugan ng insenso at tumayo sa harap ng dambana. Binigyan siya ng maraming insenso upang ihandog sa dambanang ginto na nasa harap ng trono, kasabay ng mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Ang isang aspeto ng gawain ng Diyos ay lupigin ang buong sangkatauhan at maangkin ang mga taong hinirang sa pamamagitan ng Kanyang mga salita; ang isa pa ay lupigin ang lahat ng anak na suwail sa pamamagitan ng iba’t ibang sakuna. Isang bahagi ito ng malawakang gawain ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang lubusang makakamtan ang kaharian sa lupa na nais ng Diyos, at ito ang bahagi ng Kanyang gawain na lantay na ginto”

( Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 17 ).

mula sa Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos  ゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ         "Kapag bumalik na lahat ang mga bansa at mga tao sa ...
19/01/2026

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos ゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ

"Kapag bumalik na lahat ang mga bansa at mga tao sa mundo sa harap ng Aking luklukan, kukunin Ko ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibibigay ito sa mundo ng tao, upang, dahil sa Akin, ang mundong iyon ay mapuno ng walang-kapantay na kasaganaan. Ngunit hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito :

Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

mula sa “Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

mula sa Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos “Yaong mga tinutukoy ng Diyos na mga ‘mananagumpay’ ay yaong mga nagagawa pang tumayong s...
18/01/2026

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Yaong mga tinutukoy ng Diyos na mga ‘mananagumpay’ ay yaong mga nagagawa pang tumayong saksi at mapanatili ang kanilang tiwala at katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim sila ng impluwensya ni Satanas at nilulusob ni Satanas, ibig sabihin, kapag nasa gitna sila ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring magpanatili ng isang dalisay na puso sa harap ng Diyos at ng tunay na pagmamahal para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay tumatayong saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang ‘mananagumpay’”

( Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos ).

“Yaong mga ginagawang ganap bago ang sakuna ay nagpapasakop sa Diyos. Nabubuhay silang umaasa kay Cristo, sumasaksi kay Cristo, at dinadakila Siya. Sila ang matagumpay na mga anak na lalaki at mabubuting mga kawal ni Cristo”

( Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13 ).

mula sa Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos "Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa sa pamamagitan ng paraan ng ...
16/01/2026

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

"Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagkat walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang nakalapit sa ulap ni Jehova. Tanging sa pamamagitan ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, ang paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging katawang-tao, na personal Niyang magagawa ang salita sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang maaaring personal na makita at marinig ng tao ang Kanyang salita, at taglayin ang Kanyang salita, at sa gayon ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging katawang-tao, walang nagtataglay ng laman at dugo ang makakatanggap ng gayon kadakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa gitna ng sangkatauhan, ang buong sangkatauhan ay pababagsakin o ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makaugnay ang Diyos. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon, sa gayon ay makawala sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas at makabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nagpatuloy ito hanggang sa mga huling araw, kung kailan ganap na dadalisayin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo sa tao para sa kanilang pagiging mapanghimagsik. Saka lamang tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatuwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang aakay sa mga tao sa kanilang mga buhay, habang ang dalawa pang iba ay binubuo ng gawain ng pagliligtas. Tanging kapag nagiging katawang-tao ang Diyos saka Siya maaaring mamuhay kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang normal na katawang may laman. Sa ganitong paraan lamang Niya maaaring tustusan ang mga tao ng praktikal na daan na kailangan nila bilang mga nilalang. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi direkta mula sa langit bilang kasagutan sa kanyang mga panalangin. Sapagkat ang tao ay may laman at dugo, walang paraan ang tao na makita ang Espiritu ng Diyos at lalong hindi ang lapitan ang Kanyang Espiritu. Ang makakaugnayan lamang ng tao ay ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa pamamagitan lamang nito na nauunawaan ng tao ang lahat ng daan at lahat ng katotohanan at matatanggap ang ganap na kaligtasan. ゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ

 Hinango mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Amen🙏🏽👏🏽
16/01/2026

Amen🙏🏽👏🏽

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos “Sa panahong iyon, ang gawain ni Jesus ay ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan. A...
15/01/2026

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Sa panahong iyon, ang gawain ni Jesus ay ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay pinatawad; hangga’t ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, wala ka na sa pagkakasala, ikaw ay pinawalang-sala na sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging naligtas, at mapawalang-sala ng pananampalataya. Ngunit sa mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at kailangan pa ring dahan-dahang alisin”

( “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ).

“Ang tao ay … pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit ang gawain ng kung paano maiwawaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon sa loob ng tao ay hindi pa nagawa. Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, ngunit ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. … Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namuhay sa dati niyang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao”

( “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ).

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos ," Alam ba ninyo kung anong kaalaman ang susi sa pag-unawa sa matuwid na disposisyon ng D...
03/01/2026

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

," Alam ba ninyo kung anong kaalaman ang susi sa pag-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Maaaring maraming masasabi mula sa karanasan sa paksang ito, nguni’t may ilang pangunahing punto na dapat Ko munang sabihin sa inyo. Upang maunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kailangang maunawaan muna ng isang tao ang mga emosyon ng Diyos: kung ano ang Kanyang kinamumuhian, kung ano ang Kanyang kinasusuklaman, kung ano ang Kanyang minamahal, kung kanino Siya nagpaparaya at naaawa, at sa anong uri ng tao Niya ipinagkakaloob ang awang iyon. Ito ay isang pangunahing punto. Dapat ding maunawaan ng isang tao na gaano man kamapagmahal ang Diyos, gaano man karami ang habag at pagmamahal na mayroon Siya para sa mga tao, hindi hinahayaan ng Diyos ang sinuman na lumalabag sa Kanyang pagkakakilanlan at posisyon, ni hindi Niya tinutulutan ang sinuman na lumalabag sa Kanyang dignidad. Kahit mahal ng Diyos ang mga tao, hindi Niya sila kinukunsinti. Ibinibigay Niya sa mga tao ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang habag, at ang Kanyang pagpaparaya, ngunit hindi Niya sila kailanman kinunsinti; ang Diyos ay mayroong Kanyang mga prinsipyo at Kanyang mga hangganan. Gaano man kalaki ang naramdaman mong pagmamahal sa iyo ng Diyos, gaano man kalalim ang pagmamahal na iyon, kailanman ay hindi mo dapat tratuhin ang Diyos sa paraan ng pagtrato mo sa isa pang tao. Bagaman totoo na itinuturing ng Diyos ang mga tao na sukdulang malapit sa Kanya, kung itinuturing ng isang tao ang Diyos bilang ibang tao lamang, bilang isang taong katumbas ng isang nilikha, o bilang isang kaibigan o isang bagay ng pagsamba, itatago ng Diyos ang Kanyang mukha sa kanila at tatalikdan sila. Ito ang Kanyang disposisyon, at hindi dapat tratuhin nang walang-ingat ng mga tao ang isyung ito. Kaya, madalas nating nakikita ang mga salitang gaya nito na sinasabi ng Diyos tungkol sa Kanyang disposisyon: Gaano man karami ang mga daan na iyong nalakbay, gaano man karami ang gawain na iyong nagawa o gaano man karami ang iyong tiniis na, sa sandaling sumalungat ka sa disposisyon ng Diyos, gagantihan Niya ang bawat isa sa inyo batay sa inyong nagawa. Ibig sabihin nito ay itinuturing ng Diyos ang mga tao bilang sukdulang malapit sa Kanya, ngunit hindi dapat ituring ng mga tao ang Diyos bilang isang kaibigan o isang kaanak. Huwag tawagin ang Diyos bilang iyong “katropa.” Gaano mo man nadarama na minamahal ka ng Diyos at nagpaparaya Siya sa iyo, kailanman ay hindi mo dapat ituring ang Diyos bilang iyong kaibigan. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Naiintindihan ba? Kailangan Ko pa bang magsalita pa tungkol dito? Wala ba kayong anumang naunang pagkaunawa sa bagay na ito? Karaniwan, ito ang pinakamadaling pagkakamali na magagawa ng mga tao, naiintindihan man nila ang mga doktrina, o kung hindi man nila kailanman pinagnilay-nilayan ang isyung ito. Kapag nagkakasala ang mga tao sa Diyos, maaaring ito ay hindi lamang dahil sa isang pangyayari, o isang bagay na kanilang sinabi, nguni’t sa halip ito ay sanhi ng isang saloobin na kanilang pinanghahawakan at isang kalagayan na kinaroroonan nila. Ito ay isang bagay na sobrang nakakatakot. Naniniwala ang ilang tao na mayroon silang pagkaunawa sa Diyos, na mayroon silang ilang kaalaman tungkol sa Kanya, at maari pang gumawa sila ng ilang bagay na nagbibigay-kasiyahan sa Diyos. Nagsisimula silang makaramdam na sila ay kapantay ng Diyos at buong pagmamagaling na sila’y naging mga kaibigan ng Diyos. Ang mga ganitong uri ng damdamin ay malaking pagkakamali. Kung wala kang malalim na pagkaunawa ukol dito—kung hindi mo malinaw na nauunawaan ito—napakadali kung gayon na magkasala ka sa Diyos at magkasala sa Kanyang matuwid na disposisyon. Naiintindihan mo na ito ngayon, tama? Hindi ba natatangi ang matuwid na disposisyon ng Diyos? Magiging katumbas kaya ito ng karakter o katayuang moral ng isang tao kahit kailan? Hindi kailanman. Kaya, hindi mo dapat malimutan na, paano man tratuhin ng Diyos ang mga tao, ni anuman ang pagtingin Niya sa mga tao, ang posisyon, awtoridad, at pagkakakilanlan ng Diyos ay hindi kailanman nagbabago. Para sa sangkatauhan, ang pakakakilanlan ng Diyos ay palaging ang pagkakakilanlan ng Siyang may kataas-taasan kapangyarihan sa lahat ng bagay—ang Lumikha.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII

mula sa Araw-araw na mga Salita ng Diyos

03/01/2026

“Life is beautiful 🌊✨ Alon at hangin ang saksi sa kagandahang kaloob ng Makapangyarihang Diyos. 🇧🇭🇵🇭,❤️👏🏽🙏🏽

( PAHAYAG 6 : 12 ) Nang alisin ng Kordero ang pang-anim na selyo, lumindol nang malakas, ang araw ay nagdilim na kasing ...
02/01/2026

( PAHAYAG 6 : 12 ) Nang alisin ng Kordero ang pang-anim na selyo, lumindol nang malakas, ang araw ay nagdilim na kasing itim ng damit panluksa at ang buwan ay naging kasimpula ng dugo.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

,Sasapit ang lahat ng uri ng sakuna, sunod-sunod; daranas ng mga sakuna ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang mangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga ito sa loob ng isa o dalawang araw; sa halip, kakalat ang mga ito sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang penomenon ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa napakaraming bansa at tao. Aking mga anak-na-lalaki! Hindi ninyo dapat pagdusahan ang sakit o ang paghihirap na dulot ng mga sakuna. Inaasam Kong dumating na kayo sa tamang gulang at, sa lalong madaling panahon, akuin ang pasanin na nakaatang sa Aking mga balikat. Bakit hindi ninyo nauunawaan ang Aking mga layunin? Ang gawain sa hinaharap ay magiging pabigat nang pabigat. Napakatigas ba ng inyong mga puso para hayaan ninyo Akong abalang-abala, na kailangang mag-isang nagpapagal nang labis? Mas lilinawan Ko pa ang Aking sinasabi: Yaong gugulang ang mga buhay ay papasok sa kanlungan, at hindi magdurusa ng pighati o paghihirap; yaong hindi gugulang ang mga buhay ay dapat magdusa ng pighati at kapahamakan. Malinaw ang Aking mga salita, hindi ba?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 65

mula sa Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian

( PAHAYAG 6 : 7 )Nang alisin ng Kordero ang pang-apat na selyo, narinig kong sinabi ng pang-apat na buháy na nilalang, “...
30/12/2025

( PAHAYAG 6 : 7 )Nang alisin ng Kordero ang pang-apat na selyo, narinig kong sinabi ng pang-apat na buháy na nilalang, “Halika!”

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

Yamang hinahanap natin ang mga bakas ng yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang mga layunin ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas Niya. Ito ay dahil kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos; kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap sa mga bakas ng yapak ng Diyos, nakaligtaan ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” At kaya, maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, ang hindi naniniwala na natagpuan na nila ang mga bakas ng yapak ng Diyos, at lalo nang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi makakaayon sa mga kuru-kuro ng tao, lalong hindi makakapagpakita sa paraang iginigiit ng tao na magpakita Siya. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpili at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin at sarili Niyang mga pamamaraan. Anuman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang payo nito, lalo na ang ipaalam sa bawat isang tao ang Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, at dapat, higit pa, na kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga kuru-kuro. Hindi mo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyan, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong mga hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga kuru-kuro. Sa halip, dapat ay inoobliga ninyo sa inyong mga sarili kung paano ninyo dapat hanapin ang mga bakas ng yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasakop sa bagong gawain ng Diyos: Ito ang dapat gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at magpasakop.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan

mula sa Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian

( PAHAYAG 5 : 12 ) Umaawit sila nang malakas, “Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayama...
26/12/2025

( PAHAYAG 5 : 12 ) Umaawit sila nang malakas, “Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, kaluwalhatian, papuri at paggalang!”

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

1️⃣ Nagpakita sa Tsina ang Diyos na nagkatawang-tao upang ipahayag ang katotohanan at hatulan ang sangkatauhan. Naririnig natin ang Kanyang tinig at itinataas tayo sa harap ng Kanyang trono. Maging sa mga panaginip natin ay hindi natin naisip na makakaharap natin ang Diyos. Natupad na ang mga taon ng paghihintay, at nakikita natin ang pagpapakita ng Manunubos. Ipinapakita ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang pagiging makapangyarihan, at nalupig na ng mga ito ang puso ng daan-daang milyon. Nagtitipon ang bayan ng Diyos sa harap ng Kanyang trono upang mapatnubayan at madiligan ng Kanyang mga salita. Ang lahat ng salita ng Diyos ay ang katotohanan; ibinibigay ng mga ito sa sangkatauhan ang daan sa buhay na walang hanggan. Nakakamit natin ang paglilinis at pagliligtas ng Diyos, at magpakailanman tayong umaawit ng mga awit ng papuri sa Diyos.

2️⃣ Araw-araw, binabasa natin ang mga salita ng Diyos at nagbabahagi sa katotohanan, at tinatanggap natin ang paghatol at pagdadalisay ng Kanyang mga salita. Nililiwanagan at pinaliliwanag tayo ng Diyos, at nakikilala natin ang ating mga sarili at nakikita natin ang ating mga satanikong kalikasan. Mapagmataas tayo, mapagpahalaga sa sarili, makasarili, at kasuklam-suklam, at bumabagsak tayo sa harap ng Diyos sa pagsisisi at panghihinayang. Sa pamamagitan ng pagtalikod sa laman at pagsasagawa ng katotohanan, unti-unting nagbabago ang ating mga disposisyon sa buhay. Sa pamamagitan ng paghatol at pag-unawa sa katotohanan, nakikita nating napakatuwid at banal ng Diyos, at umuusbong sa ating mga puso ang paggalang sa Kanya. Lalo nating nararamdaman kung gaano kagiliw at kaibig-ibig ang Diyos; sa pamamagitan ng Kanyang paghatol, nalilinis tayo at nagiging matatapat na tao na kinalulugdan ng Diyos. Tinatamasa natin ang lahat ng pag-ibig ng Diyos, at magpakailanman tayong umaawit ng mga awit ng papuri sa Diyos.

3️⃣ Nagsimula na ang paghatol sa bahay ng Diyos. Sumasailalim sa paghatol at paglilinis ang Kanyang bayan; dumaranas tayo ng mga paghihirap at matapat na ginagampanan ang ating tungkulin, at matunog na nagpapatotoo sa Diyos. Sa mga taon ng pagdurusa at pagsubok, bumuo na ang Diyos ng isang pangkat ng mga mananagumpay, na ginagapi si Satanas at nagkakamit ng kaluwalhatian at inihahayag ang Kanyang pagiging makapangyarihan at Kanyang karunungan. Tinatanggap ng ebanghelyo ng kaharian ang karangyaang hindi pa natanggap noon. Ang dakilang gawain ng Diyos ay ganap nang nagawa at karapat-dapat purihin ang Kanyang pagkamakatuwiran. Malayo at malawak na dinadakila ang banal na pangalan ng Diyos. Nagpapakita sa lupa ang kaharian ng Diyos, at sumasayaw at umaawit ng mga bagong awitin ang Kanyang bayan. Pinupuri ang Diyos ng lahat ng bansa at bayan, at magpakailanman tayong umaawit ng mga awit ng papuri sa Kanya.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Address

San Pedro
Manama

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Joyce in Bahrain posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share