15/10/2024
Matapos bumaba sa pwesto ni DILG Sec. Jonvic Remulla bilang gobernador ng Cavite, nanumpa na si Vice Gov. Athena Tolentino bilang bagong Punong lalawigan.
Sa kanyang panunumpa, nagpahatid ng pagbati si Tolentio sa kanyang itinuturing na mentor sa pagka-gobernador ng Cavite.
Nagsimula na ang kanyang paglilingkod bilang Gobernador nitong nakaraang linggo. Samantala, pinangalanan namang kahalili ni Tolentino sa pagka-bise gobernador si Shernan Jaro.
Si Tolentino ang itinuturing na pinakabata at kauna-unahang babaeng gobernador ng Cavite.
Source/Photo: Athena Tolentino/FACEBOOK